Martes, Hulyo 3, 2012



 Mr. Perfect Husband
A story written by:
MarianaLiang



Prologue


Sabi nila makikilala mo lang daw ang isang tao kapag kasal na kayo…doon na daw lalabas lahat ng ugali na hindi pa nakikita ng bawat isa..


These words made me tremble as I walk down the Aisle…


What if my Juno, my beloved Juno suddenly stops from loving me???


Baka magsawa na siya sa akin….baka maghanap siya ng iba…I can’t help but think of these things habang papalapit ako sa aking groom…


Magiging masaya ba talaga kami??? Would our love last forever??

Waaahhh..nahihirapan ako.. Yssa!! Araw ng kasal mo! Focus! Focus!!!


Ikakasal ka na sa taong pinakamamahal mo!!!!

Nung inabot ni papa ang kamay ko sa groom ko…I suddenly froze!!

Tinignan ko ang mga mata ni Juno..


“are you okay?” tanong niya sa akin as hold my hand….


I didn’t answer I just looked at him..


Tama ba to??? Tama bang magpakasal na kami??? Itutuloy ko ba to???



Chapter 1
“Proposal”

4 months before the wedding...






Haaay..itong si boyfriend talaga! Kahit kailan ang sweet!!!!! nagpropose nanaman!!!





On the day of my graduation bigla ba namang nagpropose!?!?! As in infront of everyone!!!!





Paano ba naman kasi kakonchaba niya yung dean namin!!!





So yun nga..araw ng graduation ko..





Grumaduate ako as second honorable mention..grabe sobrang nagulat ako!!!! Anyways, nagukat kami kung bakit hindi pa ako tinatawag eh dalawang estudyante na lang ang nasa pila..





Nasa letter Z na sila eh Cu kaya apilyedo ko!!!





After magbow nung last student..sa wakas! Tinawag din ako..





Umakyat ako sa stage at kinuha ang diploma ko...nung magbabow na sana ako..





 Bigla ba namang nag-off lahat ng ilaw sa PICC at may spotlight na nakatutok sa akin..





Biglang may nagplay na video sa may likuran ko..





Video nang mga moments naming dalawa...





Yung lambingan..





Yung kulitan..





Lahat lahat..





Narinig kong naghiyawan ang mga tao..





May bigla kasing lumapit sa akin na malaking bear!! Eto nanaman tayo eh!





May hawak siyang bouquet ng pink roses..





At aba! May background music pa kami! Ang It might be you ni Stephen Bishop





Ayiie..hahaha...





Inabot sa akin nung bear yung roses..at bigla siyang nagsalita sa hawak niyang microphone..





"My whole life was a total waste..i never found the reason to live in this world..i never knew the purpose of my existence until that day..That special day that I met a girl named Yssa.."





Biglang tumulo ang mga luha ko..





"That girl showed me what my purpose and reason is to live in this world..that girl changed me..she made me happy and most of all I finally solved the love equation..I finally understood what love is.."


Tinanggal niya yung ulo ng costume niya..


Lumapit siya sa akin..


"Love?... Is simply Yssa + Juno+ eternity"


"eto na meron nang Yssa + Juno eh..now can we finally add eternity?? Will you spend.."





Lumuhod siya at kinuha ang kamay ko..





"eternity with me??"





I was already sobbing..pero huminga ako nang malalim para makapag salita...





"of course..."





naghiyawan na ang mga tao..at sila madir at padir with matching iyak effect!!!

hinila ako ni Juno papalapit sa kanya at isinuot ang ring sa kamay ko then he kissed me sa cheek then hugged me...sa sobrang higpit halos hindi na ako makahinga..





Anyways, this is it!!! After 7 years ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko..





After 7 years of laughter, joy, pain and love...mahal na mahal ko ang taong to..how can I refuse to marry him??





haaaay..this is the beginning of a new chapter in my life with my Mr. Perfect...


Chapter 2
“Bridal Shower/Stag Party”


“sir Juno andito na po yung pastry chef from Paris” sabi ni Nathan ang secretary ni Juno na may pagka pusong mamon. May kasama siyang foreigner.

“okay. You know what to do diba?” sabi ni Juno na busy parin sa laptop niya.

Umalis na si Nathan at yung foreigner.

Lumapit nanaman si Nathan

“sir excuse ulit, andito na po yung chef from Italy” sabi ulit ni Nathan

“okay” sagot ulit ni Juno na wala paring ginawa kundi tumingin sa laptop niya.

Umalis ulit si Nathan and again after a few minutes lumapit nanaman siya

“sir andito na po yung wedding planner from United Kingdom” Nathan

“okay” sabi ulit ni JUno na hindi parin tumitingin kay Nathan

Teka nga!!! Pastry chef?? Paris??? Chef ? italy? And wedding planner??? United Kingdom??? Teka teka!! Anong nangyayare??? Nananaginip ba ako??

“uy Juno!! Anong nangyayare??? Bakit andaming foreigner???” sabi ko habang tinataasan ng KIlay si Juno

“beb, sila ang mga kailangan natin for our wedding” sabi niya na hindi parin tumitingin sa akin..

“pero beb naman!! Plano mo bang magkarepresentative lahat ng country sa wedding natin??” napatayo ako at nagpameywang

“beb..hindi naman..sa..” nainterrupt si Juno nung bigla nanamang lumapit si Nathan na may kasamang foreigner

“sir andito na po ang gagawa ng gown ni ma’am Yssa from England” sabi ni Nathan.

“okay.” Sabi nanaman ni Juno na nakadikit parin ang mga mata sa laptop.

“hay nako!! Mr. Ricardo Joeaquin Uno Liang!!! Ano bang meron sa laptop mo at hindi ka makatingin sa amin???” nakakainis na siya!!!

“wala” sabi niya pero hindi pa rin talaga tumitingin.

Sa sobrang inis ko tinulak ko siya at sinilip ang laptop niya..

O.o

Pagtingin ko tumitingin siya ng mga sports car..

Tumayo siya at niyakap naman ako.

“beb, actually tumitingin ako ng sasakyan na gagamitin natin for the wedding” sabi niya sabay halik sa cheek 
ko.

“but Juno we don’t need these things..hindi ba parang napaka extravagant??” sabi ko habang yakap niya parin ako

“beb, once lang tayo ikakasal and I want it to be perfect, romantic and it must be a wedding everyone would never forget..”

Aaawww..ang sweet ni beb!!!!

“pero Jun..” pinutol niya ako

“beb, paalala ko sayo you are marrying Juno LIang one of the richest bachelor in town. Ano pang use ng title kong  yun if i can’t give you the whole world diba??”

Medyo mahanagin pero sweet ang kadugtong kaya sige na..siya na!! siya na talaga!!!

“beb talaga..okay sige na po.” Ako

“ang sweet naman ng mga ito!! Ang aga aga lalanggamin tayo niyan eh!!!” sabi ni Anya Fed na halatang kakagising lang.

“okay Yssa” humarap sa akin si Juno at hinawakan ang mga pisngi ko

“this is Henna Dumalocio ang sikat na Fashion designer from England. Susukatan ka na niya okay?”

I nodded. Lumapit na sa akin yung foreigner at sinukatan ako. After ko si Juno naman ang sinukatan niya.
Grabe i can’t believe this!!! Last week lang nagpropose sa akin si Juno. Tapos ito naghahanda na kami for the wedding. I can feel excitement at the same time kinakabahan ako!!!!
Parang hindi pa rin ako makapaniwala. At the age of  20,Magigigng asawa ko na si Juno. Magiging mommy na ako nila Colleen at Sarah

(Para po sa mga hindi nakakaalam. Sa book one po may anak na si Juno si Sarah 14 at Colleen 8.:)
Wwwwaaaahhh....

After namin magpasukat nagbreakfast kami nila Juno with his family. Andito nanaman kasi ako sa bahay nila. Dito ako natulog last night kasi nga namimiss na ako nila Colleen at Sarah. Sa room parin ni Juno ako natutulog..behave kami ha!!!!
Anyways, after magbreakfast dumating sa bahay sila Jasmin at Katelyn yung girlfriends nila Anya Fed at Ryu. Yung boyfriend naman ni achie Yuki na si Igo aba nakatira na sa bahay nila kaya para na silang live in!!! haha..

Naupo kaming mga girls sa may mga beach seats habang ang mga boys nagswimming..kasama si achie Yuki

“haaay..ang laki ng katawan ni Fed!!!” sigaw ni Jasmin habang nakatitig sa anim na pandesal ni anya Fed.

“bakit yung sa inyo ganyan ang mga katawan samantalang si Ryu..” sabi ni Katelyn na mukhang dismayado.

Mejo payat kasi itong si Ryu at wala pang abs.

Tinitigan ko ang katawan ni Juno. Umaahon kasi siya sa may pool.. alam mo yung parang nagiislowmo habang umaahon siya!!! Waaahhh!!! Nakatrunks lang siya!!! Basang basa ang katawan!! Tumutulo ang tubig sa walong pandesal niya sa tiyan!!! Tama kayo ng narinig!! Walo ang abs niya!!!
Ang ganda ng katawan ni Juno, si Juno na mapapangasawa ko. ang katawan na yan ay..teka..

Magigigng asawa ko na si Juno..


Meaning..



Mag...

You..you know..mag tu toottoot na kami!!!!!!!! Waaaaaahhhh

“yuo okay?” hindi ko manlang namalayan na nasa harap ko na pala si Juno

“bakit ka namumula?? Nilalagnat ka ba?? And....” natatawa siya..bakit kaya?

“bakit tumutulo laway mo?”

Patay!!!! Tumulo ang laway ko kakatitig sa katawan niya! Waaah..nakakahiya!!>.<

“ah..eh..wa..wala..” sabi ko habang nilalayo ang mukha ko kay Juno.

“haha..ikaw talaga!” pinitikl niya ang noo ko..

“kung makatitig ka naman sa katawan ko kanina parang wala ng bukas eh..don’t worry malapit nang 
mapasayo ang katawang to..”sabay evil smile.

Tumayo siya after niyang sabihin yan!! Is it the sun o sadyang naiinitan lang talaga ako??? Waaaahhh!!!! 

Nagiinit ang mga pisngi ko!!! i’m blushing!!

“huy Yssa okay ka lang??” tanong ni Katelyn

“yup okay lang ako” sabi ko pero pinagpapawisan parin talaga ako.

“paano naman magiging okay yan eh excited na yan sa kasal niya!!” Jasmin

“haha..oo nga naman! Yiieee ano kaya itsura ng anak niyo ni Juno?” sabi ni Yuki na kakaahon lang sa pool...

Anak!?!?! Waaaahh...

“haha..mukha kang nagdedeliryo jan Yssa..don’t tell me hindi ka pa ready na mag you know what..” sabi ni 
achie Yuki

Wew!! Teka ha! Hindi ko kinakaya to...

“ehh...kasi...” hindi ko alam sasabihin ko..

“hahaha..kaya mo yan. Goodluck sa yo Yssa” sabi ni Jasmin.

Grabe tong  mga to!! Palibhasa mga expert!!!!

Buong maghapon naming inayos lahat ng guests para sa kasal namin. Syempre buong angkan ko at angkan ni Juno invited at dahil nga naman sikat ang mga Liang may mga pres at media na invited. May magcocover din daw ng kasal namin. Waah!! Sosyal talaga!!!!
Our wedding ring is made from Paris. Regalo sa amin nila Aku(tito) Akihiro at Ayi(tita) Clara ay mali mommy at daddy na pala haha..
Super spoiled kami sa wedding na to. Si Juno kasi ang unang ikakasal sa family nila. Oo nga naman! Kaya super sila kung makagastos at feeling ko buong Pilipinas invited na sa kasal namin...

After 3 and a half months okay na lahat. From our wedding cakes to our wedding church okay na lahat!!! Tonight is my bridal shower. 6pm pa lang pumunta na kami nila achie Yuki at Jasmin sa isang club.
Pagbaba ko ng sasakyan. Agad nila akong nilagyan ng blindfold at inalalayan sa pagpasok. I can hear loud music at i can smell beer!! Waaahhh..asan ba ako???
Pinaupo nila ako at tinanggal ang blindfold ko. when i opened my eyes may lalakeng topless sa harap ko!! nakaupo ako sa isang heart shaped na sofa at may lalake ngang topless sa harap ko!!! kinakabahan ako, nakikita ko lahat ng friends ko at again MAY TOPLESS NA LALAKE SA HARAP KO!!!!!!

Nakamaong pants siya na super baba naman at nakaopen ang button at zipper!!!! Waaahhh!!!!

>////<

I can’t look!!

Infairness  ang laki ng katawan niya! macho siya at gwapo pero naman kasi..he is sexy dancing infront of me!!!!

Nagchange yung music into careless whisper tapos..tapos...
Bigla niyang hinila pababa yung pants niya!!! Nakabrief na lang siya at patuloy pa rin sa pagsayaw!!

“Achie YUKI!!!!” sigaw ko..

Tatayo na sana ako at lalapit sa kanya nang biglang pinatong nung lalakeng sumasayaw yung paa niya sa may tabi ng  right leg ko!!!

Gumigiling giling parin siya at this time hinahawakan niya ang mukha ko!! waaah!!! Mommy help me!!!!
Naiilang na ako!!! Lumapit kasi siya sa akin at mga  isang ruler na lang ang layo ng mukha ko sa thingy niya!!!!!

Hindi ako comfortable!!! Juno!!! I want my Juno!!! >.<

Si Juno:

Stag party ko tonight. I know si Yssa sinama na nila achie sa isang club. Habang ako nandito sa may condo ni anya Fed. Syempre all boys!! Pagpasok namin nakaoff lahat ng lights tapos bigla namang nawala sila Ryu at anya Fed sa likuran ko. biglang may spotlight sa gitna. Lighting a big box..

“open mo yan bro!” sigaw ni Fed

Kaya naman lumapit ako at tinanggal yung takip nung box. Biglang nahulog yung four corners nung box at anak ng kamote naman! May babaeng naka two  piece na sumasayaw!!! Sexy dance!!!
Lumapit siya sa akin at sinayawan ako. Nag-on na ng konti ang ilaw at nakita ko silang lahat na nakapalibot sa akin at naghihiyawan.

Kung landiin naman ako ng babaeng to!!! Sobra!!!
Inoopen niya ang polong suot. Ko. hinihimas niya ang dibdib ko at dahan dahang binubuksan ang polo ko..
I just stood there and smiled at her pero sa totoo lang I wanna kill this girl!!! Si Yssa lang ang may karapatang humawak hawak sa akin!! Ayoko lang maging KJ!!
After opening my polo hinila niya yun at tinanggal. Hinawakan niya ang batok ko at hinimass  ang buhok ko habang sumasayaw parin siya..

Wuh! Pinagpapawisan na ako!!!!

“wuh Juno!!! Papatol na yan oh!” sigaw ni Miko barkada ko

“sus! Bibigay na yan haha!!!” sigaw ni Adrian
Itong mga to!! Pinipilit pa akong magkasala!!! Te..teka...nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang belt ko...

“uy! Ginagawa mo” sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Instead lumuhod siya at unti unti nang tinatanggal ang belt ko..

Hinawakan ko yung kamay niya..

“hey..hey below the belt bawal na yan!!”

This time tumingin siya sa akin at nagsmile.

“sir ginagawa ko lang po ang trabaho ko” sabi nung babae.

Tatanggalin niya ulit kaya hinila ko na siya patayo.

“stop it! Okay na.” lumapit ako kina anya Fed

“grabe to!!!” sabi niya sa akin.

Binatukan ko siya.

“sira!! Kain na lang tayo!!!”

Sabi ko sabay diretso sa may buffet table. Nagsunuran naman ang mga loko. Yung girl nakita kong nilapitan ni Ryu, binayaran at pinaalis na.

Kahit kailan mabait talaga tong si bunso. Alam niyang delikado ang babaeng yun dito kaya pinauwi na.

“asan na yung babe?” tanong ni Joseph habang papalapit si Ryu

“pinauwi ko na! may mga leyon dito!” sabi ni Ryu.

Sinout ko na yung polo ko. Nagsikuha na kami ng food at naupo sa malaking table na sakto sa aming lahat. 

Mga 38 lang kami sa table. Yung mga malalapit lang talaga sa akin yung inimbita namin.

“so Juno what do you feel ngayong ikakasal ka na?” Marco

“excited syempre” ako

“hindi ka ba..you know..nanghihinayang?” James

“why should I?” ako

“no more girls! Sayang naman yang mukhang yan!! Madami pang maloloko yan” Chito

Loko talaga tong mga hayop na to. Palibhasa mga babaero!!!

“sira pala kayo! Mahal ko si Yssa tigilan niyo nga ako!”

Naghiyawan sila bigla!

“wow good boy na nga si Juno” sigaw ni Gael tapos nagtawanan silang lahat.

“dilang kasi kayo marunong magmahal!” sigaw ng pinsan kong si Kyle

“bakit ikaw marunong?” Ryu

“oo naman. Lover boy na ako!!” Kyle

“haha..oh Juno sigurado ka nang si Yssa talaga ha!” Fed

“oo naman! Teka nga bakit parang lahat kayo against sa pagpapakasal ko??” ako

“naniniguro lang. mamaya bigla mo na lang paiyakin yang si Yssa. Tandaan mo pang habang buhay na yan” 
Igo

“i know! Matanda na ako! It’s time to settle down naman” ako

‘ikaw matanda na pero si Yssa. She’s young, is she ready?” Igo

Teka napaisip naman ako sa sinabi nitong si Igo. Oo nga naman. Hindi ko pa naitanong si Yssa kung ready 
na siya. Basta after ko magpropose sinabi ko na after 4 months kasal na namin.

“actually hindi ko pa naitanong yan” ako

“halla ka!!!” sigaw nilang lahat

“you’re 36 juno tapos siya 20. Tapos upon marrying you, may dalawang anak agad siya” Marco

Wow! They all make sense!!

Napaisip tuloy ako bigla. Ang selfish ko ba?? Hindi ko man lang naisip kung ready na si Yssa.

“well...” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang biglang magring ang cellphone ko..

Incoming call.. pretty_Y.U.K.I

(si Achie naglagay niyan sa CP ko F.Y.I.!!)

Juno: oh musta si...

Yuki: Juns you better come here!! Si Yssa kasi..

Juno: aano!? Anong nangyare kay Yssa?

Napatingin silang lahat sa akin,,

Yuki: eh basta dalian mo!!!

Inend ko na yung call at tumayo ako.

“guys! Una na muna ako ha!! Si Yssa daw” aalis na sana ako nang maalala ko wala pala akong dalang 
sasakyan.

“oo sasakyan alam ko. tara Ryu” sabi ni Fed.

Tumayo sila ni Ryu at dumeretso na kami sa parking. Sumakay agad kami sa sasakyan. Ako na rin ang 
nagdrive.

Pagdating ko sa club. Hinanap ko agad si Yssa. I saw her sitting sa may counter katabi ni achie Yuki at 
Jasmin. Umiiyak siya.

Ano kaya nangyare??

“Yssa!” pagkatawag ko sa kanya agad siyang lumingon sa akin at tumakbo. Niyakap niya ako. Umiiyak 
parin siya.

“ano bang nangyare? Are you okay?” sabi ko habang hinihimas ang buhok niya.

Hindi siya sumagot kaya naman si Yuki na ang tinignan ko.

“what happened??”

“kasi..Juns..kanina”

Flashback:

“Achie YUKI!!!!” sigaw ko..

Tatayo na sana ako at lalapit sa kanya nang biglang pinatong nung lalakeng sumasayaw yung paa niya sa may 
tabi ng  right leg ko!!!

Gumigiling giling parin siya at this time hinahawakan niya ang mukha ko!! waaah!!! Mommy help me!!!!

Naiilang na ako!!! Lumapit kasi siya sa akin at mga  isang ruler na lang ang layo ng mukha ko sa thingy 
niya!!!!!

Hindi ako comfortable!!! Juno!!! I want my Juno!!! >.<

Bigla na niyang hinawakan ang lips ko at sabay dikit ng daliri niya sa lips niya..eewww!!!

Hinawakan niya yung brief niya at OMG!!!!!

Slowly niyang binababa yun!!

“achie YUKI!!!!” tumutulo na talaga ang luha ko! ayoko na dito!!!  Juno!!!

Bigla siyang huminto at kinuha ang kamay ko. nilagay niya yun sa may abs niya at dahan dahang iniislide ito 
pababa hanggang sa may brief niya!!!

He wants me to pull it down!!!!

“JUNO!!!!” sumigaw na ako ng super lakas at nagsimula nang umiyak ng umiyak...

Buti naman at binitiwan ako nung lalake at lumayo siya sa akin. Agad naman nang lumapit sa akin sila achie 
Yuki pero hindi talaga ako makapigil ng kakaiyak.

End of flashback

“you did what!?!!” sigaw ko at hinigpitan ang yakap kay Yssa.

“i guess mejo..over ata yung ginawa namin” Yuki

“hindi lang mejo!! Over na!!!” ako

Tinignan ko si Yssa at hinawakan ang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

“shh..tama na. andito na ako okay?  Shh..stop from crying okay?” nagnod naman siya at tumahan.

I suddenly realized na bata pa nga si Yssa. What if hindi pa nga siya ready?? May be it’s too early for her 
para pasukin ang buhay na to.

After a few minutes umokay na si Yssa. Nakaupo kami sa may couch doon sa club.

“thank you beb for coming. Nasira tuloy yung stag party mo” Yssa

“ano ka ba! Mas importante ka noh! Uwi na tayo? Para naman makapagpahinga ka na” ako

“lika na”

Tumayo na kami at sumakay sa sasakyan. Iniwan na namin sila Fed at Ryu. Gigimik pa yung mga yun.
Tahimik lang kami on our way home.napapaisip talaga ako dahil sa mga sinabi nila kanina asar!!

 Pagdating namin sa house. I pulled over at tinitigan si Yssa.

“oh bakit ganyan ka makatitig?” Yssa

She’s too young..hindi pa siya ready sa mga bagay na to

“Yssa...” ako

I think this is what’s best..

“let’s cancel the wedding”



Chapter 3
 “Wedding of the Century”

Haay..super taas na ng sikat ng araw paggising ko. andito nga pala ako sa bahay namin. Nagpahatid kasi ako
kay Juno after that...that conversation.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago ako bumaba. Pagopen ko  ng door nagulat ako nang
biglang pumasok sila Colleen at Sarah at niyakap ako.

“good morning mommy!” sigaw ni Colleen

“breakfast na tayo mommy gutom na kami” Sarah

“oo sige pero puedeng maligo muna si mommy? Susunod na ako”

“okay mommy. Sa baba na den muna kami.” Colleen

Humalik sila sa pisngi ko at pumunta na sa baba.

Haaay..andito ang mga bata. Andito din kaya si Juno? Actually hindi ko alam kung gusto ko siyang makita o
hindi.

Agad na akong naligo at nagbihis then bumaba na ako. Umupo ako sa may dining at sumunod naman doon
sila Colleen at Sarah. We all ate breakfast tapos si Colleen nakipag laro nanaman sa Guama(lola) at
Guakong(lolo)  niya.

“mommy..nasabi na po sa amin ni daddy yung tungkol sa...” SArah

“ganun ba? Well..that’s your daddy’s decision wala na akong magagwa” ako

“pero mommy..” Sarah

“don’t worry Sarah..” hinawakan ko ang pisngi ni Sarah

“i’ll still be your mommy kahit naman hindi kami ikasal ng daddy mo”

Hinug ako ni Sarah.

“thanks mommy”

Tumayo ako at niligpit na ang pinagkainan namin. Dahil nga namman cancelled na ang wedding ko at wala
akong gagawin ngayon. Tutulong ako sa pagmamanage ng business namin. Nagexpand kasi ang business
namin. Nirenovate at nagkaroon pa ng 3 branches itong bakeshop namin. Super blessed kami!

Nung magiinventory na sana ako bigla naman akong pinigilan ng papa ko. dapat daw asikasuhin ko muna sila
Colleen. Ang usapan kasi after 10 months saka ako magtatrabaho dito sa business namin. Ienjoy ko daw
muna ang life!  Haay.kaya niyaya ko na lang na mamasyal ang mga bata.

Pumunta kami sa park. Pinanood ko namang maglaro yung mga bata.

Totoong masaya ako na kasama ko sila at mommy nila ako. I want to be with them. Kaya ayokong
nagsosolo eh nagiging Emo ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

Flashback

“oh bakit ganyan ka makatitig?” Yssa

Kung makatitig si Juno grabe!!

 “Yssa...” Juno

Napakaseryoso ng mukha ni Juno. Hindi ko siya maread!

 “let’s cancel the wedding”

Halos magunaw ang mundo ko after hearing that! May nahanap na ba siyang iba???

“bakit? May iba..”

“wag kang mag-isip ng ganyan Yssa. You know that I love you so much.”

“then why?”

“i think you’re not yet ready for this”

“pero Juno. Wala ka bang tiwala sa akin? Super excited na nga ako sa..”

“pero Yssa. You’re too young. Madami ka pang maaachieve”

I felt so down! Hindi man lang naisip ni Juno na pumayag akong magpakasal  dahil alam kong ito ang gusto 
ko. ito ang dapat kong gawin dahil ganito ko siya kamahal!

“please drive me home. Doon na lang muna ako sa bahay namin”

Sumunod naman si Juno. Pagdating namin. I opened the door

“I can’t believe na gusto mong unahin ko ang career ko. naiintindihan naman kita Juno eh but everything is 
already prepared. Our invitations, our cakes everything including your bride”

Bumaba ako at pumasok na sa amin without even looking at him.

End of flashback...

Actually naguguluhan ako kung bakit biglang gusto icancel ni Juno ang kasal. Matagal ko na kasing hinintay 
to eh. I really want to have my family! Alam ko bata pa ako but this is what i want to do. Alam ko mahirap 
pero ready na ako..ready na akong makasama si Juno habang buhay.

He’s old enough and i know he wants to settle down. Sabay naman kaming nangarap doon eh. Kahit bata 
pa ako I wanna marry him! I want him to be by my side every single day of my life.

Ano ba yan! Sa sobrang Emo ko naiimagine ko nang papatakbo si Juno sa akin.

O.o

Teka!

Si Juno nga talaga tumatakbo papalapit sa akin.

Nagulat ako nang bigloang may nagsulputang mga reporters sa paligid ko. oo tama kayo ng nabasa!!!  Mga 
reporters! Lahat sila tinatapat ang microphone sa akin. May mga hawak din ng camera at vinevideo pa ata 
ako.

“what do you feel being Juno’s fiance?” reporter 1

“how did you fall in love wwith Juno?” reporter 2

“how long have you been dating?” reporter 3

“do you know his age?” reporter 4

“is it true that you’re only 20 and he’s 40?” reporter 5

Waaaahhh.andami nilang tanong!! Hindi ko alam kung sasagot ba ako oh ano! I just stood there habang 
feeling ko kinukuyog nila ako. Nakita kong may lalakeng sumisingit sa kanila. Nung nakarating siya sa akin. 
Siya ang humarap sa mga reporters.

“please, we’ll give ouranswers during the press conference tomorrow”

Si Juno pala yun. Agad niya na akong hinila papalayo sa kanila. Sumakay kami sa sasakyan na dala niya at 
umalis.

“you okay beb?” Juno

“oo. Pero yung mga bata” Yssa

“it’s okay. Andun si Nathan siya na bahala kina Colleen. Kapag nangyari ulit sayo yun just ignore them and 
smile. Yun lang gawin mo”

“pero Jun..”

“you see..marrying me is not that simple Yssa. I’m a business tycoon, internationally renowned. Dudumugin 
at dudumugin talaga ng reporters kapag may something na bago sa akin. Our supposedly wedding is 
published today in all newpapers. Kaya naman natyempohan ka  nila and yun ang nangyare.”

I was shocked of what I’m heearing. Ganito ba talaga?

“Yssa, mahal na mahal kitaa. That’s why I did this...”

“I know beb but what aboutt my feelings?” nagiging stubborn na ako

“what about me? I want to be married to you Juno. I want to be with you. I know na bata ppa ako pero 
Juno i’ve prepared myself for this. Ito na ang gusto kong gawin. Ito na ang mundo ko”

Hinawakan ko ang kamay ni Juno

“ikaw ang buhay ko Juno. Gusto kong magtulungan tayo. Tulungan mo ko na maging ready sa mundong 
papasukin ko. tulungan mo akong maging mature and help me fix my imperfections. Please?”

Tinabi niya yung sasakyan and looked at me

“Yssa..sigurado ka na ba?”

“of course beb. This is what i need and want.”

Nakikita kong namamasa ang mga mata ni Juno. Hindi ko alam kung tears of joy to o napuwing lang.

Lumapit siya at hinalikan ako sa lips.

“I love you Yssa”

“I love you too Juno”

Dumating kami sa bahay nila after 15 mins. andun silang lahat sa may long table malapit sa pool.

Bumaba kami sa sasakyan at lumapit sa kanila. Umupo kami ni Juno sa gitna nila Achie Yuki at Anya Fed.

“oh balita ko dinumog kayo ng reporters? Kapapalabas lang sa TV” Fed

“oo yun nga ang anngyare. So magpapa pre con ako bukas.” Juno

“but your wedding is off. Naipublish pa yung ad. Paano yun daddy?” Yuki

“well..scandalous to for our reputation but it’s okay. These are personal matters lilipas din” Tito

Nagsmile kami ni Juno at hinawakan ni Juno ang kamay ko.

“tuloy ang kasal” Juno

Napatingin silang lahat sa amin. Grabe ang seseryoso ng mukha nila tapos biglang nagsitayo sila Anya Fed at 
achie Yuki na parang dismayado bakit kaya??

“ikaw naman!! Di mo sinabi agad! Kaya nga may seryosong drama mode kami dito para konsensyahin ka na 
ituloy ang kasal!!!” sigaw ni Anya Fed

“oo nga! Iiyak na sana ako eh! Para maganda effect! Asar to!” Yuki

Nagsitawanan silang lahat. Mga nakakaloko talaga tong mga to minsan. Alam mo yun. Dadramahan nila 
kami para matuloy ang kasal. Mejo nakakaasar pero ang sweet ng family ni Juno kahit kailan.

“so beb. Bukas ha press con. I’ll pick you up around 9 am”

“opo” sagot ko.

After a while dumating narin yung mga bata. May dala silang mga candies. Nagshopping tong mga to ng 
pagkain!! Kaya buong araw naglaro kaming tatlo, kumain ng candies at kung anu-ano pa.

Nung gabi hinatid na ako ni Juno sa bahay namin. Agad naman akong natulog kasi nga po press con 
bukas!!!!

6am pa lang gising na ako. Hindi kasi ako gaanong nakatulog eh. First time kong aatend ng press con and 
besides kahapon nga lang hindi ko na alam ang isasagot ko. bakit ba kasi sikat ang pamilya ni Juno eh...hindi 
naman sila showbiz people pero mayaman sila kaya parang ganun narin!!! Waaaahhh...

Narinig kong nagring yung cellphone ko kaya agad kong kinuha. Tumatawag si Sanji ang bestfriend ko...

Yssa: hello?

Sanji: YSSASHA MAE!!!!!!!!

Nilayo ko pa yung phone ko sa tenga ko. anlakas ng sigaw niya

Yssa: bakit ba? Ang sakit sa tenga!! Ano?

Sanji: sikat ka na friend!

(pakausap din dali dali) naririnig ko sa background si NIna.

Yssa: bakit nanaman?

Sanji: nasa newspapers na yung kasal niyo ni Juno at guess what you’re on TV!! Haha..angswerte mo!

Yssa: what channel?

Sanji: sa news kahapon! At ateh! Live ang press con mamaya! Ikaw at Juno ang nakalagay na iinterviewhin

Yssa: oo alam ko.

Nina: sikat ka na friend!!!!

Naagaw ni Nina yung phone

Yssa: tumigil nga kayong dalawa!!!

Nagsisigawan na yung dalawa at ang dami-daming sinasabi kaya namn binabaan ko na lang sila. Haaaayyy...

Agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko sa may tindahan  ang daming tao!!!!! Nagkakagulo ba? Anong 
meron??

“good morning Yssa. Ikakasal ka na pal” manang1

“oo nga. Sa mayaman pa! si master Juno” manang 2

Master???

“grabe Yssa invite mo kami ha” manang 3

“te..teka ano pong..” ako habang lumalapit kina mama at papa.

“wala naman. Nakikibalita lang sila sa wedding mo anak.” Mama

“nasa dyaryo na ang wedding invitation mo kaya lahat puedeng pumunta Yssa. Punta kami ha. Wedding of 
the year ito!!” manong 1

“wedding of the century! Grabe hija ang mamahal ng mga gagamitin sa kasal mo” manong 2

“cake pa lang costing 800,000 pesos. Swerte mo hija” mmanang 2

Nagsmile lang ako. May narinig silang pumitada na sasakyan at napalingon silang lahat. Tumambad sa amin si Juno na pababa ng sasakyan niya. Nakashades siya. Puyat to sure ako.

Nagsmile siya agad at lumapit sa amin. May dala siyang bouquet ng roses.

Naghiyawan yung mga usiserang kanina pa ako kinukuyog dito!! good thing dumating na si superman at 
iniligtas ako!! Huhu..lahat na lang ba kasal ko ang pinag-uusapan??

Nilampasan ni Juno yung crowd ng mga usisero at usisera. Eh kasi nagsitabian din naman sila.

Lumapit siya sa akin at inabot yung roses.

“good morning” sabay halik sa pisngi ko at yakap.

Aba ang tatanda nila pero naghiyawan pa sila sa kilig.

“good morning din. Ano tara na ba?” sabi ko kahit alam kong maaga pa. ayoko na dito!!!

“okay. Tara na.”

Hinila na ako ni Juno pasakay sa sasakyan niya. As usual sports car! Hihi..pumunta kami sa isang restaurant 
para magbreakfast. Pati ba naman doon pinagtitinginan kami ng tao?? Ano ba talagang meron??

Hinawakan ni Juno ang kamay ko. napansin niya atang naiilang ako at stressed!

“beb. Masanay ka na. ganito talaga ang buhay namin. Kaya nga madalas nasa bahay lang kami or sa private 
properties dahil ganyan ang mga tao sa amin.”

“oo beb. Mejo hindi ko pa kasi gaanong naaabsorb. Tsaka beb ano bang nasa dyaryo? Lahat sila alam ang 
wedding ko eh..”

Nagsmile lang si Juno at tumawag ng waaiter. Umorder siya at maay binulong sa waiter.

After a few minutes nagdala ng dyaryo yung waiter. Inabot sa akin ni Juno. Pagtingin ko



O____O




WEDDING OF THE CENTURY!!!
RICHEST BACHELOR JUNO LIANG GETTING MARRIED WITH YSSASHA CU

Tapos may picture naming dalawa. What the!?!?

Natawa bigla si Juno.

“huy baka pumasok ang lanagaw” sabay tulak sa panga ko.

Hindi ko man lang namalayan na nakangana na pala ako! Nashockk kasi ako sa nakalagay! Laaht ng detaild nandoon. Yung mga nagastos and all. Yung mga invited. List of ninangs and ninongs tapos may maliit na 
invitation sa baba na puedeng gupitin gamitin!!!

“beb.. these events are open to the public. Ganun talaga ang family namin. Tsaka ngayon lang yan. Lilipas 
din”

Speechless parin ako

“beb?”

Huminga ako ng malalim. Ito kasi ang nakalagay.

Overall cost of the wedding, from rings to reception needs 900 million dollars.

Take note! Dollars!!!! Paano pa pagkinonvert yan ng peso???

Pagtingin ko sa harapan ko wala na si Juno. Teka asan si Juno?? Hinanap ko siya at nakita ko siya sa may 
gilid at may hawak na gitara.

Nagsmile siya sa akin at nagsimulang kumanta. Keep holding on ng boyce Avenue.

Si Juno:

Nakikita ko kung gaano nahihirapan si Yssa sa mga nangyayare. At alam kong kailangan niya ako ngayon. 
So naisip kong kantahan siya. Nanghiram ako ng gitara. Nung makita kong nakatingin siya sa akin nagsmile 
ako at kumanta.

You're not alone, together we stand
 

I'll be by your side, you know I'll take your hand
 

When it gets cold and it feels like the end
 

There's no place to go, you know I won't give in
 

No, I won't give in


Yssa, andito lang ako lagii sa tabi mo..i want you to always remember that...

Keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
 

Just stay strong
 

'Cause you know I'm here for you, I'm here for you


 

There's nothing you could say, nothing you could do
 

There's no other way when it comes to the truth
 

So keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through

kahit naa ano pa ang mangyari gagawin ko lahat para protektahan ka. i’ll always hold your hand and never
let you go...


 

So far away, I wish you were here
 

Before it's too late this could all disappear
 

Before the door's closed and it comes to an end
 

With you by my side I will fight and defend
 

I'll fight and defend, yeah, yeah



kahit na kuyugin ka pa araw-araw ng reporters lagi lang akong nasa tabi mo..


 

Keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
 

Just stay strong
 

'Cause you know I'm here for you, I'm here for you


 

There's nothing you could say, nothing you could do
 

There's no other way when it comes to the truth
 

So keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through

No matter what happends i’ll always be here at alam kong basta magkasama tayo kaya nating 
lagpasan lahat ng ito..


 

Hear me when I say when I say, I believe
 

Nothing's gonna change, nothing's gonna change destiny
 

Whatever's meant to be will work out perfectly
 

Yeah, yeah, yeah, yeah


 

Keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
 

Just stay strong
 

'Cause you know I'm here for you, I'm here for you


 

There's nothing you could say, nothing you could do
 

There's no other way when it comes to the truth
 

So keep holding on
 

'Cause you know we'll make it through, we'll make it through



After kong kumanta binalik ko na yung gitara at lumapit agad kay Yssa. Umiiyak nanaman siya. Grabe!
Emotional talaga mga babae haha..

Niyakap niya ako

“thank you Juno..i know that you’ll always be here for me.” Bulong niya sa akin..niyakap ko din siya and
kissed her cheek...

After namin magbreakfast. Dumeretso na kami sa may office. Doon kasi  kami magpapapress con. Andun na
sila daddy at mommy. Pagpasok namin ng room. Nakita kong kinakabahan si Yssa kaya hinawakan ko ang
kamay niya at sabay na pumasok at umupo sa harap ng lahat ng reporters...





Chapter 4
“Till my last breath”


“Mister Liang how long have you been dating Ms. Tan?” tanong ng reporter

“ 7 years,  3 months, 7 days, 220 million minutes and 890,000 seconds” sagot ni Juno. Nagtawanan silang
lahat.

Grabe mas maababait yung mga reporters ngayon kesa nung inambush nila ako sa park.

“we heard that you are again expanding your business in Europe. Is it true that you are going bankrupt?”
another reporter

Tumawa ng malakas si Juno. “bunkrapt? Haha..i’m getting married so i’m expanding my business for my
family.” Sabay tingin sa akin at smile.

“sir Juno..of all the girls linked to you..why did you choose miss Tan?” tanong nung isang babaeng reporter

“are you telling me that Ms. Cu here is not good enought for me?” tanong ni Juno while looking sharply sa
reporter

“sir..we..” Juno cut her off

“it’s true that there are a lot of beautiful women in the Philippines and Yssa is one of them. But beauty is just
an aspect what’s more important are the things that the eyes cannot see. The ears could not hear. The mouth
could not speak. Yet the heart can feel. “

I was shocked sa mga sinasabi ni Juno. He’s so serious! Serious pero napaka calm ng pagsasalita niya.

Natahimik ang mga reporters. Yung iba nagsmile yung iba mukhang nawirdohan.

“it seems that the bachelor has really fallen inlove” sabi ng isang reporter. Nagtawanan ang lahat.

May tumayong isang reporter. Ang puti puti niya. Aaminin ko gwapo siya at malaki ang katawan. Tinginan
niya ako.

“Miss Cu”

“y..yes?” sagot ko

“you don’t mind getting married with a man who has 2 kids and who’s almost twice as old as you?” sabi
niya..

Hinawakan ni Juno ang kamay ko under the table.

“you...” may sasabihin sana si Juno but I interrupted

“No. Juno may have those characteristics but what matters to me is the love he has. The love that we share.”

Waaahh...bakit napakacheesy?? Tandaan mo Yssa this is live on TV!!!

“well said. But Ms. Cu is it true that you’re pregnant that’s why you’re getting married?”

Nagulat ako sa tanong ng reporter na to!

“what?” no i’m not!” sabi ko. naramdaman kong hinigpitan ni Juno ang hawak sa kamay ko.

“Miss Cu do you love Juno because of love or is it because of Money?” tanong ng isa nanamang reporter

“n..no!” nanginginig na ako sa mga sinasabi nila

“is it true that you are mistreating mr. Liang’s children?”

Ano daw!?!? What the hell are they talking about?

“no! mahal ko ang mga bata!” sabi ko. hindi ko na mapigilan ang sarili ko. nagagalit na ako. Mejo tumataas
na din ang boses ko.
“miss Cu  you were a hooker daw. Is it true?”


Hindi ko na alam ang mga sinasabi nila. I can feel pain in my chest. Nararamdaman ko ng lumuluha ako. Ano
ba yang mga sinasabi nila.

“Thanks for all the questions. That’s all for now” sabi ni Juno. Sabay tayo at hila sa akin palabas ng room.

Nagsitayuan din ang mga reporters at hinabol kami. Andami nilang mga tanong pero hinarang na sila ng mga
MIB (bodyguards) nila Juno.

Pumasok kami sa isang room. Andun sila tita at tito. They were watching yung mga nangyari kanina. Nakaon
kasi yung TV.

Niyakap ako ni tita

“hay. Baby.masanay kana. But reporters would always want the bad side of people. Gagawin nila lahat to
make you angry in front of national TV. Wag ka magpaapekto sa kanila” sabi ni tita habang hinihimas ang
likod ko.

“yup tama ang mommy mo. Just always smile at them kahit na gusto mo na silang saksakin” sabi ni tito.

Binitiwan ako ni tita at nagpunas ako ng mga luha ko.

“opo tita, tito. Thank you po.” sabi ko

“basts beb.  Pagayaw mo nang magsalita smile ka lang. the more you defend  the more na gigisain ka nila. Isa
pa..basta iiwasan na lang natin ang press. Mainit kasi na issue ang kasal ko kaya ganyan.”

Dahil nga si Juno na ang nagsasalita naniniwala na ako. Kay Juno lang ako maniniwala. Sa kanya lang.

The wedding day..

5am pa lang ginising na nila ako. Aba excited!?!?! 3pm pa ang kasal ko!!! dahil nga hindi kami puedeng
magkita ni Juno andito ako sa bahay namin ngayon. Yung isang bahay namin na hiwalay sa tindahan.
Dito din natulog si achie Yuki, Sarah at Colleen. At dahil nga siya ang mag-aayos sa akin eto na ginigisng na niya ako kkahit na 5 am palang!!

“ Yssa wake up!! Dali!” sigaw ni Achie Yuki habang niyuyugyog ako.

“5am pa lang..” ako na ayaw parin dumilat

 ‘i know! But it’s your wwedding day!!! Tara na!”

Alam ko namang hindi niya ako titigilan kaya tumayo narin ako. Naligo ako at nagpambahay muna.

Kumain kami ng breakfast tapos hinila na ako ni Achie Yuki sa spa/derma.

Nagpacleaning ako ng mukha, body scrub, foot spa at nilinis ang nails ko. after doon pumunta namin kami 
sa dental clinic at nagpacleaning ng teeth. Grabe!! Feeling ko tuloy ang pangit ko! hahah

12noon na kami natapos. Pagbalik namin sa house syempre lunch agad at dumating na yung mga assistant ni
achie Yuki. Naligo ulit ako tapos binlower na nila ang buhok ko at make up...

Habang inaayusan ako saka pa lang nagsisink in sa utak ko na ikakasal na ako..gosh! kinabahan ako bigla.
Hindi ko alam kung naeexcite ako o ano ba talaga to..haaayyssss.... mga 2:30pm tapos na ako ayusan.
Grabe! Kinakabahan ako. Paglabas ko ng bahay andun na ang sasakyang maghahatid sa akin sa simbahan.
Grabe!! Ito yung sports car na tinitignan ni Juno sa internet nun!!


Pagsakay ko sa loob syempre kasama ko si mama at papa.
“nako anak hindi ako kapaniwalang ikakasal na ang baby ko.” sabi ni mama na naiiyak na talaga.

“ikakasal na ang baby ko. mag-iingat ka anak ha. Mabait naman si Juno alam namin yun pero mamimiss ka
talaaga namin. Basta kung may kailangan ka wag mo kamu kakalimutan ha” si papa naiiyak din

“mama, papa. Kayo naman. Naiiyak na din ako sa inyo eh. Thank you po mama at papa for everything.
Kasi po pumayag kayo na ikasal agad ako. Thank you po talaga.” Hinug ko sila.

Si Juno:

4am gising na ako. Excited ata talaga ako! Hindi ako makatulog kagabi!!! Kaya nung 4am bumangon na ako
at nagjogging. Umikot lang ako sa bahay namin. Mga 3 hours ko din akong nagikot ikot. Pagbalik ko samay
long table.

Andun na silang lahat. Si mommy, daddy, Ryu, Fed, Igo at yung mga kuya ni Yssa. Oo tama ang tinype ni
author dito natulog ang mga kuya ni Yssa. Yung kamabal na sila Aldwin at Alwin, Aldrich at Alden.


Dito sila pinatulog para daw mabantayan ako. Loko talaga tong mga to. Well okay naman sila kasama ang
family ko. close na sila nila Anya Fed at Igo.

Lumapit ako sa kanila at naupo.

“oh..jogging?” Igo

“yup...hindi ako makatulog”

“sus..excited” Fed

Nagtawanan silang lahat.

“oh bro..3pm pa kasal mo. Baka mabaliw ka jan sa super excited ha!” Aldwin

“haha..hindi naman!” ako

Kumain kaming lahat tapos naligo ako at nagbihis.

Paglabas ko galing sa room nasa sala si Daddy. Syempre nagleave silang lahat para sa kasal ko. holiday
ngayon sa lahat ng negosyo namin.

“Juno lika dito” sabi ni Daddy kaya naman lumapit ako at naupo sa tabi niya.

“bakit dad?”

“your finally a man anak. Ingatan mong mabuti yang si Yssa. I know she has changed a lot of things sayo. So
take good care of her ha.”

“oo naman dad. I look at Yssa as my air. I need her.”

“good. Wag lang air. Make her your life and your soul. Just like what i do with your mom. She’s my
everything and until now  naiinlove parin ako sa kanya.”

Medyo weird ni dad ngayon ah

“opo dad.”

Hinawakan ni dad ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya

“deon’t let communication drift away. Importante yan. Also, don’t expect everything to stay the same.
Changes will definitely occur but stay strong. Believe and trust no one else but each other. Don’t let changes
affect you. Don’t let others interfere with you.”

Weird nga si daddy ngayon. Ganito ba talaga epekto ng wedding?? May mga speech ang parents??

“yes dad. I’ll keep that in mind.”

“ready na ba ang vows mo anak?” tanong  ni mommy na lumapit sa amin at naupo din.

“oo mommy”

‘haay..nagiging emotional kami ng daddy mo ngayon. Imagine of all my children ikaw pa ang unang
ikakasal??”

Si mommy talaga1 nangaasar!

“mommy naman..well sabagay..who would ever thought na magkakaganito ako?”

“yup..kaya nga thankful ako kay Yssa. Naalala mo yung ginive up mo everything for her? That was the mark
na kaya mo na ngang magmahal anak”

“mommy..”

Hinug ko siya.

“basta anak. I wish happiness for the both of you.ha.”

“opo”

“apo namin ni Aki ha. Lima pa gusto ko”

Bumitaw ako kay mommy.

“mommy talaga!”

Tumawa kaming lahat.

Lumapit din sa amin yung mga kuya ni Yssa, Fed at Ryu. Aba reunion sa sala??

“bro, ingatan mo kapatid namin ha” Aldwin

“ikaw na bahal” Aldrich

“opo.opo” ako

Kinamayan nila akong tatlo. Grabe talaga emosyonal lahat!!! Niyakap din ako nila Fed at Ryu. Para naman
akong aalis eh dito parin naman nila kami pinapatira!! Sira talaga tong mga to.

After lunch, nagsimula na kaming mag-ayos. Around 2pm pumunta na ako sa simbahan. Ayokong
pag-antayin ang bride ko..haay..pagkapark ko ng sasakyan. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ikakasal na
nga ako!! Ito na eh!!

As expected andami daming tao kaya nagpalagay kami ng mga harang at security sa paligis. An dami ring
press at media na nagcocover ng wedding ko. lahat ng guest kailangan pa naming paescortan ng body guard
sa dami ng tao.

Tumayo na ako sa may door ng simbahan at hinintay na si Yssa..

After 10 mins. lumapit na sa akin si achie Yuki,

“she’s here” sabi niya.

Pagtingin ko sa sasakyan. Bumaba na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang pinakamagandang
bride sa lahat. Si Yssa.

Nagkatinginan kami at nagsmile sa isa’t isa. Wuh! Kibahana na talaga ako! Nakakabakla!

Umayos na kami. Bestman syempre  si Fed, Igo at Ryu. Wala na silang nagawa tatlo gusto kong bestman!
Brides maid naman yung mga best friend ni Yssa. Sila Nina at Sanji tapos si achie Yuki. Para pantay. Sila
Colleen at Sarah mga flower girl.

Nagsimula na kaming maglakad...

My heart beat so fast as I watch everyone but my heart beat faster as i watch Yssa walk down the Aisle. It’s
the perfect moment..she’s walking..habang may nahuhulog na rose petals. Maganda talaga tong idea na to
nila anya Fed. There are rose petals everywhere..

(now playing Destiny by Jim Brickman)

Love? Some call it destiny and some call it fate but for me? I call it serendipity..



What if I never knew
 

What if I never found you
 

I'd never have this feeling in my heart
 

How did this come to be
 

I don't know how you found me
 

But from the moment I saw you
 

Deep inside my heart I knew

Paano nga ba kita minahal ng ganito Yssa? You are the only person that made me feel this way..the only
person that made me love this way...i can’t imagine happiness without you..


Baby you're my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be
My destiny

I can feel excitement..actually i can’t explain kung anong nararamdaman ko..i have mixed feelings..i can also
feel tears building in my eyes..

Si Yssa:

Habang pinakikinggan ko ang Destiny..naiiyak ako...

 Sabi nila makikilala mo lang daw ang isang tao kapag kasal na kayo…doon na daw lalabas lahat ng ugali na
hindi pa nakikita ng bawat isa..

 These words made me tremble as I walk down the Aisle…

 What if my Juno, my beloved Juno suddenly stops from loving me???

 Baka magsawa na siya sa akin….baka maghanap siya ng iba…I can’t help but think of these things habang
papalapit ako sa aking groom…

 Magiging masaya ba talaga kami??? Would our love last forever??

Waaahhh..nahihirapan ako.. Yssa!! Araw ng kasal mo! Focus! Focus!!!

 Ikakasal ka na sa taong pinakamamahal mo!!!!

Nung inabot ni papa ang kamay ko sa groom ko…I suddenly froze!!

“ikaw nang bahala sa anak ko.” sabi ni papa habang inaabot ang kamay ko..

“opo papa” sagot ni Juno.

Tinignan ko ang mga mata ni Juno..it’ watery

“are you okay?” tanong niya sa akin as he hold my hand….

I didn’t answer I just looked at him..

 Tama ba to??? Tama bang magpakasal na kami??? Itutuloy ko ba to???

“Yssa..” sabi ulit ni Juno. May tumulo nang luhaa sa mga mata niya.

This is Ricardo Joeaquin Uno Liang. The man that gave everything to me. The man that made me understand
what love is...

“Juno” sabi ko. nafifeel ko na ring tumutulo ang luha ko..

This is my destiny. He is my destiny..

“I love you..” as I say those words..tulo na ng tulo ang mga luha ko.

Nagsmile siya at hinalikan ang kamay ko. naglakad na kami papunta sa altar and the ceremony started.

Juno’s Vows:

“Yssa, i won’t promise anything to you. I won’t expect. I won’t judge. Rather, i would listen to you, i would
understand you and i would always love you no matter what happens. Forever is such a long time but with
you..forever may never be enough to express how much I love you. Some may call it destiny..some call it
fate..but for me..I call it serendipity. I met you like a happy accident. I never expected you but you just came.
I never planned to love you but I just did. And these are the most precious accidents I wanna keep. I love
you Yssa. I love you. I’ll give you everything till my last breath”

Yssa’s Vows:

“Juno, the most famous man I’ve ever met. You made my world turn upside down. You made my life so
complicated but you are the reason why I am happy now.  I can never live eternally but my love for you will
last for the rest of my life. You were a present i wasn’t expecting to receive. The most precious present I’ve
ever had. I love you Juno. I love you so much that every time I look at you..i see eternity. Today and forever
i’ll love you..and cherish you till my last breath.”

We we’re both crying. Ngayon ko lang nakita si Juno na ganito kaiyak. We were both smiling pero tulo ng
tulo ang mga luha sa mata namin.

“Ricardo Joeaquin Uno Liang, do you take Yssa as your lovely wedded wife to have and to hold, through good times and bad and till death do you part?” priest

“I do father” Juno

“Yssasha Mae Cu, do you take Juno as your lawfully wedded husband, to have and to hoeld through good
times and bad and till death do you part?”

“I do father” Yssa

“now I announce you husband and wife. You may now kiss your bride.”

Dahan dahang kong itinaas ang veil ni Yssa. Umiiyak parin kaming dalawa. I gently kissed her. As soon as
our lisp met. Nagtayuan na silang lahat at nagpalakpakan.

“I present to you. Mister and Misis Liang” priest.

Haaay..sa wakas! Kasal na kami ni Juno! Nagretouch kami ng make up kasi nga iyak ng iyak. Tapos picture
picture sa simbahan then deretso na sa reception.

Andami daming tao!! Sabi ko na nga ba invited buong mundo dito! may mga foreigners eh andami nila.
Halos kalaahti ata ng population ng Pilipinas andito.

Inopen na nung driver yung sasakyan. Bumaba na kami ni Juno. Syempre grand entrance kami. Hawak
hawak niya ang kamay ko at dumeretso kami sa long table na nasa gitna. Doon kami umupo kasama ang
parents ko at parents ni Juno.

Grabe ha! Ang laki ng cake! Andaming food at may orchestrang tumutugtog! Grabe!! May isang stage din sa
gilid na may mga instruments.

Konting announce announce tapos kumain na kami. After kainan. Tinawag na lahat ng girls para maitapon ko
na ang bouquet.

Tumalikod na ako at tinapon ko. and guess what!! Si Achie Yuki ang nakasalo!

Tinanggal na ni Juno yung garter sa legs ko at paghagis niya aba! Destiny nga naman! Si Igo ang nakakuha..

Kaya ayun sinuot niya to kay Achie sabay halik. Haha..mukha silang newly weds din!!

We had our first dance ni Juno as a married couple. We slow dance with the music born for you. Grabe
umiiyak nanaman kami!!!

Super saya ng reception halos ayaw na nga naming matapos kaso gabi na. 10pm na nung nakauwi lahat ng guests. At dumiretso na kami ni Juno sa hotel.

As a tradition, binuhat niya ako papasok sa door. We were both laughing. Binaba niya ako sa kama.

Then I realized..tonight is our first night as married couples..tonight is our honeymoon!!!

Ngayong gabi na to..me and Juno..have too...

Wwwwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh........................






Chapter 5
“ex girlfriend ni Juno”

Si Yssa:

“una ka nang magshower beb” sabi ni Juno habang tinatanggal niya ang coat niya.

“o..okay beb” agad akong tumayo at pumsaok sa banyo.

Humarap ako sa salamin...(buntong hininga)..

Ho..honey moon namin ngayon..kinakabahan talaga ako.

>////< kailangan ba talagang ngayong gabi na namin gawin??? Kkyyyyyaaaaaaa...

Nung tatanggalin ko na sana yung gown ko.  hindi ko maabot yung ziipper!!! Ayoko naman sirain tong gown
ko sayang naman! Super mahal nito eh!!!

Wala nang ibang choice! Ka..kailangan kong gawin to.

Lumabas ako ng door at nakita ko si Juno na topless!!! >/////< lagi ko naman siyang nakikita na  ganito pero bakit ngayon super kabado ako???

“di mo matanggal gown mo?” sabi niya habang papalapit sa akin. Pumunta siya sa may likuran ko at binaba
ang zipper.

“ayan na. dali na shower na” sabay tulak sa akin papasok sa banyo.

Grabe!! Hindi talaga ako mapakali!!! Waaahhh..puede ba magback out?? Huhuhuh...

Inopen ko na yung shower. Syempre mejo tinagalan ko para pamatay oras hehe..umaasa akong tulog na siya
paglabas ko..please po tulog na sana si Juno..please..

 Nagbihis na ako  at lumabas ng banyo.

Hindi pa siya tulog..huhuhuhu...umupo ako sa may kama tapos bigla siyang napalingon sa akin. Nakatayo
siya sa may gilid ng kama. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin.

Anong gagawin ko!?!?!? yumuko siya hanggang sa magkelevel na ang mga mukha namin, waaahhh.

Hinalikan niya ang noo ko then smiled. “ligo lang ako ha”

Pumasok na siya sa banyo..waaahhhh..kinakabahan talaga ako!!! Hindi ko po alam ang gagawin ko!!!
tulong!! T______T

Si Juno:

Pagkapasok namin sa room. Doon ko lang narealize na honeymoon nga pala namin. Nilapag ko siya sa
kama at pinaunang magshower.

Tinatanggal ko na yung polo ko nang bigla siyang lumabas. Nakikita ko na kinakabahan siya. Halos hindi
siya makapagsalita! Ang cute niya!

Lumapit ako at inopen yung zipper ng gown niya. Pagkakita ko sa likod niya anak ng kamote naman!!
Pinagpawisan ako bigla kaya tinulak ko na siya papasok ng banyo.

Antagal niya ata  magshower? Nagring yung cellphone ko kaya kinuha ko. loko talaga tong sila Igo!!

Message from:

Inyigo: goodluck bro!! wag masyado pagurin si Yssa! Bata pa yan!

Fed: hay..bro sa wakas!! After so many years magagawa mona!

Teka anong ibig sabihin ni anya Fed???? Di ko gets! May pahabol pang message si achie Yuki

Pretty Y.U.K.I.: pag may nangyari kay Yssa lagot ka sa akin!!!!!

Itong mga to hindi ko maintindihan! Kaasar. Narinig kong nagopen na yung banyo. Paglingon ko nakaupo si
Yssa sa may bed kaya naman lumapit ako.

Hinalikan ko siya sa noo. At sinabing “ligo muna ako” tapos pumasok na ako sa banyo. Grabe!!! Kinabahan
ako bigla! Ewan ko kung bakit! Magpakalalake ka nga Juno! Lalake ka!! lalake!!

Nagshower na ako. After nun dahan dahan kong binuksan yung door. Pagtingin ko. O.o

Tulog na si YSSA!!!!!!

Well hindi ko naman ineexpect na may mangyari or what pero gusto ko lang magkwentuhan kami! Pero mejo
gusto ko rin na may mangyari! Hello! Lalake ako!! Lalake!!

Lumapit ako kay Yssa at kinumutan siya. Humiga na rin ako sa tabi niya. Tinitigan ko ang mukha niya.

Haay Yssa. Asawa ko. ang cute cute mo talaga!! I love you so much. I’ll make you the happiest woman in
this world. I kissed her cheek then natulog na.

Kinabukasan:

Paggising ko tulog parin si Yssa kaya naman nauna na akong naligo. Babyahe kasi kami papunta sa resort ko
part parin ng honeymoon. After ko maligo gising na siya pero hindi siya makatingin sa akin. Bakit kaya??

“goodmorning beb” sabi ko habang papalapit sa kanya. hinalikan ko siya sa pisngi.

“goodmorning din beb” sabi niya without even looking at me

“may problem ba? Di ka ba nakatulog ng maayos?” Juno

“hindi naman! Sarap nga ng tulog ko. pero kasi...” Yssa

Namumula siya!!!

“bakit?” Juno

“kasi..honeymoon natin tapos..tapos..natulog ako...”

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.

“Yssa, hindi naman importante yun. We have the rest of our lives no! atsaka ayokong pilitan ka when you’re
not ready yet. Let’s do it pagready ka na. i can wait okay?”

Anak ng kamote!!! Lalake ako!!! Lalake! Kakayanin ko kaya yang mga sinabi ko? hehe

Niyakap niya ako.

“thank you beb” hinalik halikan niya buong mukha ko.

Now tell me hindi ba ako mamomoblema sa ginagawa niya?? Nakaupo siya sa lap ko at hinahalikan ang
mukha ko!! tell me!!

“ligo muna ako ha” sabi niya tapos pumasok na sa banyo. After 20 mins. lumabas na siya at dumiretso na
kami sa cafe nung hotel para kumain. Tapos kumain sumakay na kami sa sasakyan at nagbyahe papuntang
resort. Nagkwentuhan lang kami ni Yssa buong byahe. Yung mga nangyare kahapon nung wedding.

10am na nung nakarating kami sa resort. Nagcheck in kami tapos nagpalit ng damit. Naka trunks lang ako
tapos si Yssa naman naka two piece pero may suot siyang parang mini dress na transparent na white. Malay
ko ba anong tawag.

Naglakad muna kami sa beach. Yung ibang taong nakaksalubong namin nagkocongrats pa sa amin at best
wishes. Sikat talaga kami!!!

Nung lunch time. Pumunta kami sa isang restaurant dun. Kinuha namin yung table na malapit sa dagat.
Nagorder ng food tapos kumain.

After lunch nagswimming kami ni Yssa. Nag jet ski, snorkling, banana boat at kung anu-ano pang puede
gawin sa dagat. Nakikita ko naman na super enjoy si Yssa. Nung medyo madilim na syempre night life na
dito sa beach. Loud music and all. Pero kami ni Yssa tahimik na nagdidinner sa cafe nung hotel na
pinagstayan namin.

This night syempre may surprise na ako sa asawa ko. teka sarap naman sabihin. Isa panga! ASAWA KO!!

Dinala ko si Yssa malapit sa dagat. Yung mejo tahimik. Naglakad kaming dalawa.

“beb, nag-enjoy ka ba?” tanong ko

“oo naman beb. Ikaw kasama ko eh”

Dinala ko siya sa isang floating kubo sa may beach. Super naiiyak pa siya sa mga nandoon. Pinuno ko ng
mga pictures naming dalawa yung kubo. Nakasabit lahat yun sa loob. Our first date, our first kiss lahat lahat
andun talaga. Then may malaking bear, roses at chocolates doon sa may upuan sa likod.

Niyakap ako ni Yssa.

“beb naman eeeh..magasawa na nga tayo sweet ka pa rin”

“syempre naman!!!”

Hinalikan ko siya sa lips. Then i held her hands.

Nagiislow dance kami dun sa kubo. Wala kaming music but we know that the both of us can hear a melody
na kami lang ang nkakarinig at intindi. Something that only the two of us share. The melody of love.

Nung medyo lumalim na ang gabi bamalik na kami sa room namin. Pagpasok namin nagshower si Yssa tapos
niya ako naman.

Paglabas ko ng banyo nanonood ng TV si Yssa. Tumingin siya sa akin at nagsmile. Kaya naman humiga din
ako sa tabi niya nasa kama kasi siya.

Lumapit siya sa akin at sumandal sa dibdib ko. anak ng kamote! Ang bango ni Yssa!! Sabi naman kasi
lalake ako!!! Lalake!! kaya mo yan Juno! Self control!!!

“beb puede ko na bang kainin?”

“huh?”

Medyo na shock ako sa sinabi ni Yssa. Kainin??? Ang alin??? Ako?? Kakainin niya ako???

“yun oh” ngumuso siya at may tinuro pababa.

Te..teka ako ba talaga kakainin niya???

“o..o..ok..okay” sabi ko. pero nauutal na ako sa taranta.

Pababa yung kamay niya teka anong kukunin niya?? Ito na ba ang moment??? Ito na??

“Juno nadaganan mo yung chocolate!!” sabi niya namay kinukuha sa may legs ko. inangat ko yun at nakuha
niya yung chocolate.

Anak ng kamote!! Yung chocolate pala!!! assuming ka Juno!!!

(deep inside disappointed si Juno!!! Haha)
Ayun nga kinain niya yung chocolate  tapos nanood kami ng TV hanggang sa nakatulog na kami. Paggising
ko nakabihis na si Yssa. Ang aga ata niya??

Dahil nga naman tapos na siya. Dinalian ko na din magbihis. Buong araw naglaro kami sa beach. Para
kaming timang! Gumawa kami ng sand castle hahaha..para talagang bata!! Sabay naming pinanood yung
sunset ni Yssa. Hindi ko alam kung anong mas maganda eh si Yssa ba o yung sunset.

Tonight na kasi kami uuwi kaya naman after ng sunset nag-ayos na kaming dalawa. Paglabas namin ng hotel.
May sumigaw na babae.

“JUNO!!!”

Pagtingin ko may isang sexy na babae ang papalapit saa akin. Sino kaya to?? Nakita ko ding nanlaki ang
mga mata ni Yssa at tumaas ang kilay.

“Juno kumusta ka na? oh may kasama ka pala”

kilala ko na sino to!!

“okay naman. This is Yssa.”

“oh hi Yssa I’m Morigan” sabi niya sabay alok ng kamay niya kay Yssa. Kinuha naman to ni Yssa at
nagsmile siya.

“I’m Yssa, ex girlfriend ni Juno but now his wife”

Teka parang nararamdaman kong may tensyon.

“ahh..this is Morigan college friend ko. ito naman si Yssa my wife” singit ko kahit na awkward na.

“oh congratulations! Totoo pala yung balitang narinig ko. well sige una na ako ha. It’s nice to see you again
Juno. Nice meeting you Yssa.”

Umalis na si Morigan. Sumakay na kami ng sasakyan pero buong trip hindi ako pianansin ni Yssa. Tapos
nagpahatid pa siya sa bahay nila doon daw matutulog. Naku naman!!! Hinayaan ko na lang siya. Pagkauwi
ko natulog na lang ako agad.

Paggising ko dumiretso ako  sa may pool. Nadatnan kong nakatambay dun yung apat. Sila Igo, Fed, Yuki at
Ryu. Naupo ako sa tabi ni Fed

“ano  bro how was your honeymoon?” sabi ni Fed sabay akbay sa akin. Mga itsura nila halatang
nag-eexpect ng good news!!

“wala” sabi ko

“anong wala?” Igo

“you meaan nothing happened?” Yuki

“wala nga” sagot ko ulit.

Naghiyawan silang apat.

“bilib na ako sayo anya!! Haha..good boy ka na nga!!!” Ryu

“sira! Mahal ko si Yssa no! kaya ako naghihintay”

“asan pala si Yssa?” Yuki

“umuwi sa kanila”

“bakit??” Yuki

“nagtampo! Nakita kasi namin si Morigan kahapon. Ayun”

“teka si Morigan yung super sexy at ganda na friend mo dati??” Fed

“yup.” Ako

“sus! Nagselos na!!!” Yuki

“kaibigan ko lang yun. Si Yssa naman mahal ko eh!!” ako

“bahala ka umayos jan.” Fed

Kaasar talaga tong mga to!! Nagswimming na lang ako tapos nagbreakfast.

Bandang hapon na nung pumunta ako kina Yssa para sunduin siya. May mga inayos pa kasi ako sa opisinia.

Pagdoorbgell ko agad namang bumukas yung door pero bigla ulit sinara ni Yssa nung nakita niya ako.

“Yssa ano ba!!”

“doon ka sa babaeng yun!!!”


“Yssa!!! Kaibigan ko nga yun!!!!”

“eh bakit ganun kung makatingin sayo!?!?!”

“aba malay ko!! Yssa open this door!!” sigaw ko habang kinakatok yung door.

“no!!’

Nilakasan ko yung pagkatok sa door.

“sisirain ko to!!!”

“edi sirain mo!! Doon ka sa babaeng yun!!!”

“YSSA!!! ANO BA!!!”

Ayaw niya parin buksan yung pinto.

“bahala ka na!! alis na ako!!!”

Si Yssa sa likod ng pinto.

Sarap talaga pagtripan ni Juno hahah. Aalis na daw siya? Hmm.. 3, 2, 1

“YSSA!!!!” sabi ko na nga ba babalik eh hahaha.

Inopen ko na yung door. Dala ko na rin yung mga gamit ko.

Balik kay Juno

“ikaw naman eh! Inabot tuloy tayo ng gabi kakasuyo ko sayo” sa wakas inopen na niya yung door.

“tara na den” naglakad na siya pero hinila ko ang braso niya

“beb, ikaw lang ang mahal ko so please maniwala ka”

“oo  beb” hindi convincing yung sagot niya. Basta sumakay na siya ng sasakyan kaya sumunod na ako.

Pagdating namin sa bahay dinner time na kaya umupo na kami sa dining.

“Yssa how was your honeymoon?” tanong ni mommy

“okay naman po Ayi(tita)”

“Yssa mommy na ang itawag mo sa akin. You’re already part of the family”

“hehe,.oo nga po pala mommy”

“so Yssa what do you plan for your career?” tanong naman ni daddy

“hmm.sa ngayon po pahinga pa. pero after 10 months ako na po maghahandle ng negosyo. Pero bakka
kausapi n ko si papa. Depende po.”

“i see...basta if you need help with anything just ask us ha”

“opo aku este daddy pala.”

“bakit parang hindi kayo nag-uusap ni Junio? LQ??” Fed

“halla! Newlywed LQ agad??” Igo

“tumigil nga kayo” sabi ko

Grabe ayaw parin akong pansinin ni Ysa. After nung dinner nakipaglaro siya sa mga bata tapos hindi talaga
ako pinansin.

Kaya pumasok na lang ako  sa kwarto tapos nanood ng TV. Ang hirap!! Hindi ko alam kung dito siya
matutulog o hindi. Bakit ba kasi siya affected kay Morigan eh barkada ko nga yun!!!

Nag-open yung door ng kwarto akala ko si Yssa na pero sila Colleen pala. naggoodnight kiss sa akin.

Sure na ako hindi siya dito matutulog.

After a few minutes. Nagopen yung door ko. dinedma ko kasi akala ko si Fed lang o Igo kaya nanood lang
ako.

Umupo yung  pumasok sa tabi ko. ako, nanonood parin.

Nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko. si Yssa pala yun.



“galit ka?” sabi niya halatang nalungkot siya.

Asarin ko nga! Hindi ko siya pinansin nanood lang ako.

“Juno!!” niyugyog niya yung balikat ko pero deadma parin.

“Juno naman sorry na” sabi niya tapos lumapit siya sa akin.


“huy Juno.” Niyakap niya ako.

Aba effective pala ang ganito! Sana noon ko pa ginawa  to!!

“beb?” iniharap niya yung mukha ko sa mukha niya

“ano?” sabi ko

“beb naman eh..sorry na”

Tumayo ako at umupo sa may kama hahah..nakakatuwa siyang pagtripan.

Sinundan niya ako pero umupo siya sa may harap ko.

“beb sorry na po.” Nag puppy eyes siya! Wala na hindi ko na kaya!!

“oo beb okay lang yun.”

Tumayo siya kaya tumayo na rin ako at niyakap siya.

“ i love you beb” sabi niya

“I love you too.”

Hinawakan ko ang mga pisngi niya and I kissed her. Nagulat ako nung bigla niyang nilagay ang kamay niya
sa balikat ko.

Our kiss was getting deeper. Teka! Medyo malalim na to!!!

I put my hand on her waist. And pullled her closer and she did. Iba tong Yssa na kaharap ko ah!!

Paghindi pa natigil to baka hindi ko na mapigilan kaya naman binitiwan ko siya but she just held me closer to
her. Hanggang sa super deep na ng kiss namin (wow super! Haha) i can feel our tongues touch.

French kiss na to!! So i put my hand on her waist again and caress her back.

Is she inviting me??? So i tried to confirm.

I slowly lifetd her shirt and slid my hand inside. She didn’t move nor react.

Teka teka!! What’s happening??

I gently kissed her neck. Pero hindi talaga siya nagrereact..hindi niya ako tinutulak palayo...

Anak ng kamote!!!  mainit na masyado!! Hindi ko na kaya!!!! Yssa!!



Chapter 6

“Mahal na Mahal kita Yssa”



Si Yssa:
Pagdilat ko ng mga mata ko. nagstretch agad ako. Waaaahh..an sarap ng tulog ko aaah..as usual syempre
katabi ko na sa kama natutulog si Juno ang asawa ko hehe. Pababa na sana ako ng kama nang maramdaman
kong medyo masakit ang katawan ko. and for the record wala akong damit!!! Tumingin ako kay Juno na
wala ring suot.

Teka!

Naalala ko bigla..


Kagabi..

We..

Me and Juno..

Wwwwaaaahhhh!!!! Hindi na ako Virgin!!! Huhuhu..

Bumaba ako ng kama at sinigurong hindi gigising si Juno. Nagpalit ako ng damit at lumabas ng kwarto.
Nadatnan ko sila anya pero dineadma ko sila at nagpahatid ako sa driver na iuwi ako sa bahay.

Pagdating ko dun tinawagan ko agad si Sanji.

Yssa: bbeeessst!! punta ka dito!!! dali..

After kong sabihin yan binaba ko na yung phone.

After 15 mins. andito na siya sa bahay. Pumunta kami sa room ko.

“wwwaaahhhh..Sanj!!! bakit ganun??”

“oh..nag-away ba kayo?”

“hindi”

“may pinagselosan ka ulit?”

“wala”

“eeh ano??”



“kasi nga...waaaahhh..Sanji...”

“ano nga?”

Binulong ko kay Sanji ang nangyari at napatakip siya ng bibig.

“oh..teka bakit ka OA jan?”

“ehh..kasi you know..alam mo yun?”

“hindi ko nga alam”

“bata pa ako”

“gaga!! May asawa ka na! normal na yan na mangyari!!!”

Ayy..oo nga pala...ano nga ba problema ko eh mag-asawa na kami?? kahit kelan may pagkatanga ka talaga
Yssa. Tanga!!

Biglang nagring yung CP ko kaya kinuha ko agad.

“sagutin mo na! asawa mo yan noh?”

“eeehhh..”

“dali!”

Inaccept ko yung call.

Si Juno:

Paggising ko wala na sa tabi ko si Yssa. Anyways lumabas na ako ng kwarto at nadatnan silang lahat sa may
pool at kumakain.

“yung mga bata?” tanong ko habang umuupo

“aahh..tulog pa.” sagot ni Yuki

“nag-away ba kayo ni Yssa?” Fed

“hindi bakit?”

“eehh..bakit umuwi sa kanila?”

“umuwi?”

“oo kanina” Fed

“ewan..baka..” ewan ko pero npasmile ako bigla..

“baka ano? bakit ang demomyo ng smile mo? Don’t tell me..” Yuki

Nagsmile ako lalo at nagets ata nila yung ibig kong sabihin.

“magkakaapo nanaman tayo daddy” sigaw ng mommy ko sabay yakap sa braso ni daddy

“oo nga mommy hahha” wirdong parents!!

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number ni Yssa. Buti naman at sinagot.

Juno:hello beb..asan ka?

Yssa: di..dito..sa bahay

Bakit kaya nauutal to?

Juno:aahh..bakit?

Yssa:wa..wala naman..

Juno: sige sunduin kita mamaya..labas tayo ng mga bata

Yssa:huh? si...sige

Juno: may problema ba?

Ysa:wa..wal..wala!!

Juno: ok beb.

Inend ko na yung call. Problema nun?? Nauutal pa? may nangyari kaya? Hay! Ewan ko basta happy ako
today hehehe..sana mamayang gabi ulit. Joke! Hahah.

Kumain na kami ng brwakfast at ginising yung mga bata. After an hour nakaready na kami at pumunta na
kami kina Yssa. Okay naman trato niya sa mga bate pero sa akin iba! Hindi niya ako tinitignan oh
kinakausap. Hinayaan ko na lang.

Pumunta kami ng mall at nanood ng sine tapos nagarcade. Naglaro kami ng basketball ni Yssa pero wala
talaga siyang imik. Tapos nung nagkasabay kami sa pagdampot ng bola bigla niyang inalis yung kamay niya at
naupo na lang. teka! May nagawa nanaman ba ako??

“daddy! Punta lang kami ni Colleen sa banyo” sigaw ni Sarah

“okay!”

Umupo ako sa tabi ni Yssa pero hindi niya ako tinitignan. Magsasalita pa lang dapat ako nang bigla siyang
tumayo.

“punta lang rin akong banyo” sabay takbo. Wow ha! Naguguluhan na ako.

After sa arcade naglunch na kami den naglakad lakad sa park. Hindi tulad ng dati na hinahayaan yung mga
bata maglaro. Ngayon kasi pati si Yssa nakikipaglaro sa kanila at ako naiwan na nakaupo sa isang bench!
Hindi naman ako against pero diba kakaiba kasi!

Nung tumawag si Sanji kay Yssa kinausap ko yung mga bata.

“Sarah at Colleen is it okay if kami lang ni mommy magdinner?”

“of course daddy!” Colleen

“tsaka daddy may lakad kami mamaya remember birthday ng barkada kong si Angelo?”

“Sarah! siguraduhin mong barkada talaga yan ha”

“daddy naman! Opo! Una na po kaya kami uwi? Magbibihis pa kami eeh”

“oh sige. Bye then. Enjoy sa party ha”

Bumalik na si Yssa as usual yung mga bata naman aang kinausap.

“oh uuwi na kayo?”

“yes mommy bye po” humalik na sila Sarah sa pisngi niya at sumakay na ng sasakyan.

Ewan ko ba anong nangyayari kay Yssa. Hindi siya makatingin tapos tahimik lang kami doon.

“Yssa” hinawakan ko ang kamayn niya at hinarap siya sa akin. Pero nakayuko siya kaya hinawakan ko ang
mga pisngi niya.

“you know kanina ko pa napapansin yan. Is something wrong? May nagawa ba  ako?”

“wa..wala..” namumula siya tapos nauutal pa.

“Yssa please tell me. Asawa mo na ako ngayon so please i want to know everything.”

Huminga siya ng malalim at tumingin na rin sa mga mata ko.

“i’m sorry Juno. Medyo naiilang kasi ako.”

“bakit?”

“kasi yuung nangyari kagabi. I felt like parang ewan. Basta nahihiya ako sayo.”

“hahaha..Yssa naman. Mag-asawa na tayo noh. Bakit ka ba nahihiya?”

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Nako ha ang PDA namin masyado!

“Yssa. Mahal kita. Alam mo yun. The thing we did is just normal tsaka sign naman yun na mahal natin ang
isa’t isa. Anong ikakahiya mo?”

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

“ang totoo. Natakot ako na baka magsawa ka na sa akin. Dahil dun. Tsaka Juno sorry din kasi pinag-iisipan
kita ng ganito.”

Hinawakan ko ulit ang mga pisngi niya.

“beb. Kahit paulit ulit pa akong buhayin ng diyos. Ikaw lang ang nag-iisa dito sa puso ko. mahal na mahal na
mahal na mahal na mahal na mahal na mahal..”

Dinikit ko ang noo ko sa noo niya.

“mahal na mahal kita.”

Nagsmile siya sa akin. Syempre dinikit ko na ang mga labi ko sa labi niya. Then i hugged her. Tapos biglang
may Click! Flash ng camera. What the??

Agad kaming naghiwalay ni Yssa at sumakay na ng sasakyan.



Chapter 7

“Happy 1st month as mag-asawa tayo”


Mr. & Mrs. Liang’s Public Display of Affection too much?!?

Newlywed Mr. Juno Liang and Mrs. Yssa Liang was caught kissing in the park without any 
concern of the people watching and looking at them. Blah...blah..blah...

“wow! Juno kayo ang headline ha! Haha” loko talaga tong Igo na ito nang-asar pa!!

Teka nga bakit ba nandito sa opisina ko tong Igo na to ha??

“bakit bandito ka!!??”

“ikaw naman! Hinihintay ko si Yuki. Nasa meeting pa. ikaw bakit nandito ka at nagbabasa lang ng dyaryo?”

“gago! Malamang office ko to”

“hindi! What I mean is bakit wala ka sa meeting?”

“aah..may lakad ako. Punta ako sa site mamaya. Tsaka Imimeet ko yung kapalit ni Nates.”

“Nates? Yung secretary mo na recently naging si Nathan??”

“oo! Yung baklang yun na biglang naging lalake! aalis na kasi pero meron daw siyang ipapalit na magaling
din.”

“woah! Okay yan.”

“oh lumayas ka na dito at aalis na ako”

“sus ito naman! Tara na sabay na tayo palabas.”

Si Yssa:

Paggising ko wala na si Juno sa tabi ko. medyo busy kasi sa company eh. Pero teka diba dapat ako nagpeprepare ng mga gamit niya? Hmm..sige nga bukas den gigising ako ng maaga! Tama!

Agad na akong bumangon at inayos yung mga gamit sa kama at kwarto. Tapos dumeretso ako sa room ng
mga bata. Buti naman at gising na sila. Nadatnan ko si Sarah na kalalabas lang ng banyo tapos si Colleen
naman nakaupo sa may harap ng dresser kaya  nilapitan ko siya.

“good morning mommy”

“good morning din baby” niyakap ko siya.

“mommy!”

“oh bakit?”

“wala an sarap lang sabihin hehe.”
“ikaw talaga. Tara na sa labas at magbreakfast gutom na ako eeh.”
“oo nga Colleen baka mangayayat ka na! haha” pang-aasar ni Sarah.

Lumabas na kami ng room at kumain. Haay grabe may dalawang anak na ako!! Pero syempre kahit hindi
sila galing sa tiyan ko mahal na mahal ko sila. Grabe pala pagbusy season sa kumpanya halos walang tao dito
sa bahay. Si achie Yuki may meeting. Si anya Fed pumunta ng Cebu. Si Ryu naman dahil nga may sariling
sinehan at kung anu-ano pang negosyio eh busy din. Sila tito at tita syempre wala nanaman sa Pilipinas!
Grabe yung dalawang yun bigla biglang nawawala!!

Sabi nila Collen sanay na daw sila na ganito kapag busy sa kompanya. 3 weeks lang naman daw usually to
pero syempre ako na baguhan lang dito eh nalulungkot. Ang tahimik kasi.

Nagswimming lang kami nila Sarah at Collen nung uamaga tapos after lunch mas lalo akong nalungkot kasi naman umalis yung dalawa! May party nanaman na pupuntahan haay buti pa sila.

Nung gabi late na umuwi si Juno kaya naman kiniss lang ako sa pisngi tapos tulog na. naiintindihan ko naman
eh. Paggising ko wala nanaman ulit siya! Yung mga bata naman nag out of town. Mga rich kids talaga!!! So
in short all alone ako sa house. Ganun yung routine namin for 4 days. Kaya naman nagpaalam muna ako kay
Juno na kung puede doon na muna ako sa house habang busy season pa nila. Buti naman at pumayag siya.

Pagdating ko sa tindahan namin aba todo yakap sila madir at padir. Feeling ata nila 5years akong nawala eh.
Nagpahanda sila ng sangkaterbang pagakain kaya ayan bochog na ako!!

2 weeks akong nagstay dito sa amin medyo okay din kasi tinuro sa akin ni papa lahat lahat sa business
namin. Pero syempre nag-uusap kami ni Juno sa phone at nagtetextan. Nung natapos na yung busy season
nila. Nagulat ako nang pagbaba ko ng hagdan eh may matangkad at gwapong nagluluto sa kusina namin!

Si HusBeb (Husband + Beb – HusBeb oo pangit pakinggan pero wag na kayo kumontra please?) nagluluto!
Saktong pagdating ko sa baba eh lumapit na siya sa akin na may daladalang hotcake at bacon. As usual yan
lang naman alam niyang lutuin eeh.

Tinulungan ko siya tapos umupo na kami sa dining. Niyakap niya ako bigla.

“haay! Miss na miss ko na asawa ko! kumusta ka naman? Sorry kung naging lonely ka sa bahay. Tsaka..”

“ops!” pinigilan ko na siya.

“bakit ka ba nagsosorry? Normal lang naman yun eeh!!”

Hinalikan niya ako tapos kumain na kami. nung paubos na yung food ko, tumayo ako saglit at nagtimpla ng
coffee. Inabutan ko din siya. Dalawa kasi yung tinimpla ko. nagsmile siya. Wah! Ang gwapo talaga niya!!
Ilang years na kami pero kinikilig parin ako sa ngiti niya.

“nakaktuwa naman. Ito ang forst coffee time natin as husBeb and WifeBeb aah”

 (Wife + Beb = WifeBeb. Again! Wag niyo na kontrahin!!)

“hehe..oo nga noh. Naalala ko tuloy nung niloko mo ko kay Sandra ba yun? Yung syberian husky?”

Yung moment nung book 1

“oo nga hehe. Well ewan ko ba. We have a different status pero parang nothing has changed”

“madami kaya”

“sabi ko nothing has changed kasi mahal na mahal parin kita”

Wow banat!! Haha..kaya love love ko tong si bebs eh. Korny talaga kahit kelan!! Ngumiti lang ako tapos
pinalo ng mahina yung braso niya.

“aah..beb” nagulat ako nang tawagin niya ako bigla. Pagtingin ko sa kanya may hawak siyang isang red rose.

“ano to?”

“rose hehe. Happy 1st month as mag-asawa tayo”

Waah! naalala niya yun? Ang bilis!! One month na pala ng nakalipas. Pero teka may naririnig akong music
ah. Itong si boyf..este si Husbeb kahit kailan kung makagawa ng moment wagas eh!!

 Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko kaya tumayo din ako. Pumunta kami sa labs ng tindahan at anak
ng kamote!

May truck na nakapark sa harap namin. Nagpeplay ang It might be you ni stepehen bishop! Tapos may
picture naming dalawa nung wedding na super laki!!! Pero syempre kasama sila Colleen at Sarah doon sa
picture.

“Thank you for being the best woman who made my life meaningful”

Aww..yan yung nakalagay dun sa may baba ng picture. Pagtingin ko naman kay Juno may hawak na siyang
isang bouquet ng roses. Inabot niya sa akin yun at hinalikana ko. wow lang! eksena naman kami!
nakikiusosyo na lahat ng tao!!

“uy Juno baka maging front page nanaman tayo ng dyaryo bukas nito!!”

“hindi yan! Kinausap na ni daddy ang press.”

Hinug niya ako. “I love you Beb” bulong niya sa akin.

“I love you too beb”

Okay na sana yung moment kaso biglang tumunog ang cellphone niya. Syempre ayaw kong maging sagabal
so hinayaan ko siya na sagutin yun.

“ahm beb. Kailangan ko nang bumalik sa office.”

“sure beb. Oo nga pal. Puede mamayng gabi na ako uwi sa bahay?”

“huh? Bakit?”

“kung ok lang sana. Lalabas kami nila Sannji at Nina magshashopping lang.”

“ah ganun ba” nagulat ako nang bigla niyang ilabas ang wallet niya.

“oh ginagawa mo?”

“natural ako magababayad ng ishashopping mo.”

“eeh wag na! ano ka ba! Meron naman ako tsaka..”

“wag ka nang umangal okay. Your my wife! Ayokong pagastusin ka!”

Iniabot niya sa kin yung credit card niya. Ang kulit niya1 pero syempre libre to hindi ako tatanggi! Hahaha...

Sa mall na kami naglunch nila Nina at Sanji. Tapos shopping here and there. Alaam niyo na pagbabae ang
nagshopping kulang ang isang araw! Gabi na nung matapos kami. At dahil umiral nanaman ang katangahan
ko eh. Natapilok ako habang naglalakd sa mall. Nakakahiya talaga!! Andaming nakakita!! Kahiya!!!

Agad naman akong tumayo pero pagsandal ko sa may glass ng isang restaurant. I saw a familiar face! Teka!
Tama ako kilala ko sila.

“Nina at Sanji dinner na tayo dali.”

Hindi ko na sila hinayaang makasagot pa at hinila ko na sila sa may table sa may likuran nung familiar
people!!

Nagets naman nila Nina at Sanji kung bakit kami andun. Kaya tahimik lang kami at nakikinig sa usapan nila.

Chapter 8 
“Juno’s Secretary”


Si Juno:

Anak naman ng kamote itong si Mr. Venz ngayon pa napadaan sa office kung kelan busy ako sa asawan ko.
tsk! Badtrip. Pero syempre importanteng client yun kaya wala na akong choice kundi bumalik sa office.

Sinalubong agad ako ng mga bodyguard ko pagkababa ko ng sasakyan. Bawal kaming gumala sa paligid ng
office ng walang kasama. At least 4 bodyguards dapat! Medyo OA tong si daddy pero okay narin para
secured ka. sumakay na ako sa private elevator namin at pagdating ko sa floor ko eeh sinalubong agad ako
ng bago kong secretary.

“Sir Juno, nasa loob na po si Mr. Venz kasama sila Sir Fed at ma’am Yuki.”

“okay sige.”

Inopen na nila yung office door ko at pumasok na ako. Nadatnan kong nasa may couch sila at nagkakape.
Mukha naman silang masaya.

“Oh. Juno andito ka na pala.” salubong ni Mr. Venz

“ahh..yes. sorry for letting you wait. Medyo may inasikaso pa po ako.”

“no it’s okay. Besides nandito naman sila Fed at Yuki to enttertain me. Oh I almost forgot. Congratulations
pala. you’re finally married huh.”

“aah..yes sir. Thank you.”

Pinag-sapan na namin yung tungkol sa business proposal namin. Gusto kai namin siyang maging kasosyo and
buti na lang at pumayag siya. After planning and all umalis na din si Mr. Venz at naiwan kami nila Anya at
Achie.

“hoy ikaw Juno ha!! Alam mo namang nagalit si Yssa dahil don tapos ngayon..hmm..ikaw talaga!!”

“huh? Huy Achie ano ba sinaasabi mo??”

“yung secretary mo sa labas bro! diba si Morigan yun?? Anong meron??”

“oo. Pero Anya i assure you wala namang kung ano man samin. She’s just my secretary. Tapos.”

Nagulat ako nang biglang hawakan ni achie yung kamay ko.

“Juno, siguro sayo wala lang but for Yssa.,,you know what I mean.”

“Achie, kakausappin ko naman si Yssa eeh. Hindi ko hahayaang magalit siya, magselos oh ano pa man.
Kasal na kami ni Yssa noh.”

“good luck sayo bro.”

Hindi ko talaga maintindihan tong mga to wala namng problema kung secretary ko siya diba?? Hayst!!
Nagsialisan na sila sa office ko kaya naman ginawa ko na ang mga paperworks ko. tapos afterlunch naman
may meeting ako. Grabe! Bakit ba sobrang hassle magtrabaho? Hehe..hayst!

Around 8 pm na natapos yung meeting namin. Oh diba ang tindi! After lunch tapos inabot kami ng 8 pm.
Hayst!! Kinuha ko yung mga gamit ko sa office ko. paglabas ko nandun parin si Morigan/secretary ko sa
may desk niya.

“oh. Uwi ka na. late na oh.”

“ah sir Juno...”

“please..tapos na ang office hours. Just call me Juno and besides magkaibigan naman tayo diba.”

“ah hehe,,,kasi naman nasa office pa tayo. Pero dahil sabi mo sige susundin ko.”

“haha..good...tara na sabay na tayo bumaba..”

“ahh yes sir este Juno pala hehe..”

Inayos niya na yung mga gamit niya then pummunta na kami sa elevator. Medyo nanlaki pa yung mga mata
ng tao sa lobby nung makitang may kasama ako sa elevator namin. Mga to talaga! Lahat naman ng secretary
ko nakakasabay ko bumaba dito noh. Hello!?!? Well dineadma ko na lang sila.

Chineck ko yung cellphone ko pero hindi pa naman nagtetext si Yssa sa akin na magpapasundo na siya.
Yung mga yun talaga! Asan na ba sila?? Madami kaya siyang bitbit?? Grabe naman sila magshopping!!

“ahh.sir Juno..may problema po ba?”

“huh? Wala naman..bakit?”

“aahh..lalim po kasi ng iniisip niyo habang tinitignan yung cellphone niyo.”

“aahh..ganun ba?”

“yes sir.”

“ayan ka nanaman sa sir. Hayst! Ay teka! 8:30 na oh. Nagdinner ka na ba? Tara dinner tayo. Gutom na
ako!”

“naku, wag na sir.”

“lika na. i insist. Tsaka treat ko yan sayo for doing your job well done. Tama si Nathan, magaling ka.”

“ahh..si..,sige sir..”

Sumakay na kami sa sasakyan ko then dumretso na kami sa mall para kung sakaling magtext si Yssa eh
madali ko siyang masusundo.

Pumunta kami sa second floor at pumasok sa isang restaurant. Naupo kami sa isang table at nagorder.

“so, Morigan kumusta ka naman? After graduation hindi kana namin nakita.”

“well, medyo naging busy na eeh. Tsaka umuwi ako sa Cebu. Doon ko sana gustong magtrabaho but then
wala eh. Masyadong mabagal ang pera doon hehe.”

“sabaay. Well, are you married now?”

“ah..no. not yet. Bahala na kung maikasal pa ako.”

“oh bakit naman? You’re pretty and sexy. Imposibleng walang magkagusto sayo.”



Halla! nagblush! Shit! May nasabi kaya ako?? Mamaya kung ano isipin nito.

“don’t get me wrong ha..i mean..”

“aah. Wala yun Juno. Nagets ko naman eeh..”

“haha..okay..”

Dumating na yung food namin so kumain na kami. after dinner binayaran ko na yung bill.


“ahh..saglit lang ha tatawagan ko lang asawa ko.”

“sure go ahead.”

Kinuha ko na yung phone ko then dinial yung number ni Yssa. Teka! Bakit parang naririnig ko yung ring tone
niya?? End nanggagaling sa may likod ko so lumingon ako para tignan. Nakita ko agad yung dalawang
barkada niya. Nagsmile sila sa akin then nag wave pa ng kamay. Medyo nabigla ako kaya inend ko na yung
call at tumayo para silipin yung babaeng nakaupo sa may likuran ko. hindi nga ako nagkakamali. It’s Yssa.

“oh beb..ginagawa mo dito?”

“ahm nagdidinner. Hindi ko man lang napansin na andyan ka pala.”

“oh?” medyo naghihinala ako. Pinagpapawisan si Yssa oh. “tara uwi na then tayo. Tapos na kayo?”

“ahh..oo  nakabayad na din kami. pero unahin mo na muna yung kasama mo. Sabay na kami nila Sanji
uuwi.”

Sabi ko na nga ba! Sus! Seselos nanaman to...naman oh..

“tara na  beb. Hatidna natin silang lhat. Malaki naman yung sasakyan.”

“but..”

“come on.”

Sinunod naman niya yung sinabi ko. pero itong si Morigan naman, may bibilhin pa daw sa mall kaya nauna na
kami. hinatid namin sila Nina at Sanji tapos dumeretso na kami ni Yssa sa bahay. Bumaba agad siya ng
sasakyan at nagdiretso na papasok ng bahay. Akala ko nasa kwarto siye pero pag-open ko ng door wala
siya dun. Naisip ko na baka andun siya sa mga bata pero teka. Wala eh! Asan na siya??

“daddy! Why areyou spaced out there?”

“ahh..baby. nakita niyo si  mommy niyo?”

“no daddy.”

“halla ka dad!! Inaway mo noh?”

“hmm..ikaw sarah ha..tigilan mo ko...”

“hehe..peace dad.”

“sige na tulog na kayo ha. Goodnight mga baby ko.”

“goodnight dad!” sigaw nung dalawa.

Lumabas na ako ng room nila at nakita ko si Yssa na pababa ng hagdan.

“oh beb..saan ka galing?”

Hindi niya ako pinansin at dirediretso lang sa paglalakad hanggang sa makaapasok siya sa kwarto. Pagpasok
ko naman sa room, nasa banyo na siya. Teka! Ano ba problema nun?? Don’t tell me pinagseselosan niya
nanaman si Morigan??? Weh??

After a few minutes lumabas na siya ng banyo at nahiga na sa kama kaya naman tinabihan ko siya.

“beb..what’s wrong?” parang tanga! Alam ko naman kung bakit tinanong ko pa.

“wala..goodnight”

I hugged her.

“beb, tell me. Nahihirapan naman ako sa ginagawa mo eeh..”

Narinig kong huminga siya ng malalim at umupo sa kama.

“Juno, tell me what’s going on? Bakit kasama mo yung babaeng yun?”

Umupo din ako then i hugger her from behind.

“beb, Morigan is my friend and she’s my secretary. So nagdinner kami dahil super late na natapos yung
meeting. Tsaka alam kong nagshashopping ka pa. ayoko naman na mawaalan ka ng time with your friends.”

“pero Juno..”

“shhh..” hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap siya sa akin.

“Yssasha Mae Liang. Yan ang tatandaan mo. Your my wife now. Kahit na ilang babae pa ang makasama ko
sa dinner, kahit ilang babae pa ang nakikita ko iisa lang naman ang mahal ng puso ko. wala nang iba kundi
ang asawa ko. i love you so much Yssa. So please trust me okay? Only death can stop me from loving you.
Pero parang malabo yun, kahit ata sa kabilang buhay mamahalin kita eeh.”

Sa wakas nagsmile din tong asawa ko haayy..effective ang drama moment ko hahaha..

This time, hinawakan noya rin ang pisngi ko then looked directly into my eyes.

“I love you beb..i love you so much..”

Nagsmile kami then i kissed her.  It was a long passionate kiss. Npahiga na rin kami sa kama as we kiss. I
tried movong my hands sa may legs niya kaso..she broke the kiss...

“Juno, anong ginagawa mo?”

“ha? Ah..ehh..wala.” sus! Akala ko naman makakalusot na eeh!! Akala ko makakascore. Hindi pala. hmpf!!
Kawawa naman ako. :(

“matulog na tayo. Goodnight beb.”

“goodnight”

Ayun nga natulog na kami..haaay...sayyang hehe..joke lang!

Kinabukasan

Si Yssa:

Pagkagising ko syempre nagpakaasawa naman ako kay Juno. Makabawi man lang sa pagseselos ko. ako gumawa ng breakfast niya at itnulungan siyang iprepare ang gamit niya, nung makaalis na siya nagpaka mommy naman ako. Inayos ko yung mga gamit ng mga bata. Pupunta sila ng Batangas. Grabe tong mga
batang to!!! Lagi na lang may gimik kapag bakasyon. Kasama daw nila mga pinsan nila eeh kaya naman
pinapayagan sila.

Inimbitahan kong maglunch sila Nina at Sanji dito sa bahay. Wala nanaman kasi akong kasama eh. Habang
naglalunch.

“huy Yssa!! Grabe ha! Ang ganda talaga ng bahay ng asawa mo.”

Oo nga pala pangalawang beses palang nila nakapunta dito.

“tumahimik ka nga Sanj1 kahiya para tayong naiigno!!”


Haha..tumigil nga kayo dyan..oh ano kumusta kayo?”

“itong si Nina may nanliligaw na dyan. Ako naman wala na ngang lovelife wala pang trabaho.”

“oh naghahanap ka na ng work?”

“oo Yssa. Gusto ko nang makapgtrabaho eeh..”

“wag ka maniwala dyan Yssa. May nagaalok na dyan ng trabaho. Hulaan mo ano??”

“aahmm..GRO?”

Binatukan ako nung dalawa.

“loka loka! Kinukuha yang maging artista!!”

“oh Sanji!!! Maganda yan! Ano tinanggap mo?”

“ahh..oo heheh..bahala na.”

“ano ka ba maganda yan!!”
Nagulat ako nang biglang nanlaki ang mga mata nila at may tinitigan sa may likuran ko. nakatalikod ako sa
may entrance nung mansion nila Juno. Biglang hinawakan ni Sanji yung kamay ko.

“Yssa, wag ka magagalit ha pero tingin ka sa may likuran mo. Andyan si Juno.”

“oh..eh bahay niya naman to..”

“may...may..” hindi maituloy ni Nina yung sasabihin niya kaya naman tinignan ko na lang. nakita ko si Juno at
nginitian niya naman ako kaso may kausap siya sa phone eeh. Kasama niya rin pala yung Secretary niya.
Yung Morigan. Pero dahil may tiwala ako sa asawa ko hindi na ako nairita. Humarap ulit ako kina Nina at
Sanji.

“oh kayo naman.. bakit ganyan kayo makareact?”

“eeh..kasi diba. Hello!? Earth to Yssa! May kasamang babe yung asawa mo!!”

“Nina, secretary ni Juno yan. Tsaka okay lang yan.”

“okay ka lang!?!? yssa gumising ka nga. No offense friend ha pero maganda at sexy yung kasama niya at
kung i kukumpara sayo ang hinaharap eeh..dalikado ka talaga!”

Kung makapag salita din tong si Sanji eh noh..kaibigan ko ba talaga to??


“guys..alam niyo..malaki tiwala ko kay Juno. Ako na ang asawa niya okay kahit baliktarin pa nila ang
mundo.”

“talaga lang huh..”

Napatingin ako sa may likuran ko at nakatayo dun si  Morigan. Tumayo din ako at humarap sa kanya.

“hi..ahh may naiwan ba si Juno?”

“yeah..may nakialam daw kasi ng gamit niya kaninang umaga “ medyo mapanghusga ang tingin niya sa akin
 “at naiwan niya yung isang folder na kailangan niya for the meeting sana kanina. Well tapos na yung meeting
at kahit papano. Okay naman.”

“aahh..patay! akala ko kasi..”


“look..dapat hindi ka nakikialam kung wala kang alam! Naaabala tuloy si Juno dahhil sayo! He had to cancel
his appointment sa isang importanteng kliyente dahil sa ginawa mo! Pakielamaera!”

“excuse me?”

“hindi ba fresh grad ka pa alng?? Ano naman alam mo? Sagabal kaa sa asawa mo!”

“teka nga! Ano bang problema mo ha?”

Akala ko ba mabait tong babaeng to??? Bakit niya ba ako inaaway ngayon??

“Yssa, ako ang secretary ng asawa mo. Meaning lagi niya akong makakasama at lagi akong nakabuntot sa
kanya.”

“oh  ngayon?”

“sisguraduhin ko na magiging akin ang asawa mo.”

What the!?!? Ano daw??? Teka ha! Papatayin ko lang tong babaeng to!

“anong sabi mo?”

“i came back here for Juno pero nabalitaan kong kinasal na pala siya sa isang..” tinignan niya ako from head
to toe.”sa isang basura!”

“anong sabi mo!?!?” hindi ako mahilig makipag-away eeh.

“look at me. I’m sexy and i’m beautiful. Sure ako narinig mo yung sinabi niya kagabi. Sino ba namang lalake

ang hindi magkakagusto sa akin?? Yssa, kayang kaya kong agawin sayo ang asawa mo. Kaya ihanda mo na
ang sarili mo kapag inayawan ka na niya.”



Anak ng sibuyas to!! Sarap balatan! Hindi ko akalaing ganito pala ugali ng bruhang to!!magsasalita na sana
ako kaso biglang dumating si Juno.

“ohh..magkaibigan na kayo agad?”

“yes sir..sarap pala kakwentuhan ng asawa niyo sir.” Ay leche to! Plastik!! Plastik!!

“oo naman..kaya mahal na mahal ko yan eeh..” hahaha..kitamo! kitamo! Niyakap ako ni Juno at hinalikan.

“oh beb ha..una nako..bye may gagawin pa ako eeh.”

“sorry beb ha..yung sa folder.”

“wala yun noh. Love you beb. Bye.”

Hinalikan ako ni Juno at humiwalay na sa akin.

“bye ma’am Yssa” ay bruha talaga to!!

“bye” sabi ko na lang. hindi ako puedengmakipag-away dito baka ako pa ang magmukhang asama. Mahirap
kalabanin ang taong plastik!!

Sumakay na sila sa sasaakyan. Pero dahil nakaharap sa amin yung side ng passenger’s seat eehh..naagevil
smile muna sa akin si Morigan bago siya sumakay.

Ayy..papatayin ko talaga siya!! I hate her!! I hate Juno’s secretary!!!





Chapter 9

 “Heartaches”

(Chapter 22 po of Mr. Perfect ang story nila Yuki and Igo :D)



Si Yuki:


Haaayy..2 years na! 2 years na ang nakalipas simula nung naging kami ni Igo. Okay naman ang lahat. Pero
ngayon hindi ko alam kung okay parin. Nasa sasakayan kasi kami ngayon at papunta sa restaurant kung asan
si Beatrice ang dating asawa ni Igo at ang mga anak nila. Ang totoo natatakot ako dahil baka bumalik ang
feelings niya for Trics. Kahit naman kasi sabihin niyang ako ang mahaal niya eh diba iba parin yung
pinagsamahan nila ni Trics. Haay ewan na paparanoid ako.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Igo ang kamay ko. kaya naman napatingin ako sa kanya.

“babe, you okay?”

“yeah..okay lang ako.”

“wag ka nga matense dyan. Mabait naman yung mga bata tsaka diba friends naman kayo ni Trics.”

“oo..okay lang talaga ako.”

“sigurado ha?”

“oo” kulit naman!

“okay. Andito na tayo.”

Pagtingin ko andito na nga kami. bumaba ako ng sasakyan at hinawakan ni Igo ang kamay ko habang
papasok. Grabe! Habang papalappit kami sa table nila Trics eh mas lalo akong kinakabahan. Ano ba naman
yan!!

Syempre super happy nung mga bata nang makita nila si Igo. Nagyakapan sila at syempre may yakap din si
Trics galing kay Igo. Nagbeso naman kami ni Trics. Naupo na kami at umorder. Pero shit lang! kinakabahan
ako! Ewan ko kung bakit!! Super awkward kasi ng feeling eeh!! Imagine yung ex-wife (oo naapprove ang
divorce papers nila Igo. Sa US naman kasi sila nagpakasal eh.) ni Igo at yung current GF  niya eeh
magkaharap ngayon!?!? Hello!?!?

Buti naman at dumating na yung food namin. Super na aout of place na ako! Nagchichikahan kasi sila
tungkol sa mga bata eeh. Ano naman isisingit ko diba!?!?

“ahhmm..kumusta ka naman  yuki?”  halos mabilaukan naman ako nung bigla akong tanungin ni Trics.
Napaubo tuloy ako.

“ayos ka lang babe?” hinihimas ni Igo yung likuran ko.

“yeah okay lang ako. Ahmm..ayos naman ako. Ikaw Trics?”

“i’m good. So kumusta naman kayo ni Igo?”

“ahh..okay naman. Masaya.”

“that’s great! nakakatulog ka ba ng maayos?”

“huh?” ano ibig niyang sabihin??

“alam mo kasi itong si igo malakas humilik pagnatutlog yan..haha..”

Napsmile lang ako.

“uy grabe naman to..hindi aah!!”

“oo kya!!”

“hindi!! Wag ka maniwala dyan babe..”

Inakabayan naman ako ni Igo at nagsmile ulit ako. Biglang nagplay yung favorite song ni Igo ang Jet Lag by
Simple Plan. Magsasalita sana ako kaso nauna so Trics.

“uuuy! Igo favorite song mo oh!! “

“oo nga eh!”

“naalala mo nung kinanta natin yan sa school dati??”

“aah oo nga! Nakashades pa ako kahit nasa loob tayo ng gym!”

“haha..oo nga eeh..ang weird mo kasi.”

“hindi kaya!! Eching ko lang yun!!”

“wow eching!! Haha”

Shit! Yun lang po masasabi ko!! alam mo yun as in total OP ako!!!

Nagtuloy tuloy lang sila magkwentuhan. Nakipagkwentuhan na nga lang ako dun sa mga anak nila. Mahilig
naman kasi ako sa bata eeeh..

After sa restaurant namasyal kami sa park. And again! Ang magkausap at magkasama ay yung dalawa!
Wow ha! Ahm hello! Excuse me! Girlfriend here?!?!?!

Naghahabulan kasi yung dalawa dun sa park at ang sweet nila ha. Di naman masyyadong halata na namiss
nila ang isa’t isa eh. Hindi talaga kasi nag hawakan pa sila ng kamay kaya hindi talaga obvious!!

After nang habulan momennt nila ay umupo na  sila sa may bench na kinauupuan ko. na OP ulit ako kaya
niyaya ko yung mga bata na kumain ng ice cream. So nagpunta nga kami.

Habang namimili sila ng ice cream, tinignan ko sila Igo at Trcis. I get this feeling na parang mas bagay sila.
Mas tama kung sila ang nakikitang magkasama. Yung feeling na...ewan basta parang sila ang bagay. Sila
talaga eeh!!! Masaya sila magkasama at mas kilala nila ang isa’t isa.

Nung nakabili na kami ng ice cream, pinabalik ko na yung mga bata at tinextan ko na lang si Igo. Nafifeel ko
na kasi ang mga luha ko. any minute i would break down at ayokong makita nila ako nang ganito! Ayoko!
ayoko!

Si Igo:

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman chineck ko.

Message from

yuKi-BabeqOh!:  uwi na ako ha..biglang sumama pakiramdam q eh.

Halla! ano kaya nangyari dun??

“ahmm..Trics okay lang ba kung ihatid ko na kayo? Bigla kasing umuwi si Yuki. Nag-aalala ako.”

“ay! Bakit daw??”

“sumama daw yung pakiramdam.”

“ah. Sige. Pero wag mo na kami ihatid. Susunduin kami ni Simeon.”

“ahh..ganun ba? Sige ha. Bye.”

Lumapit ako sa mga bata at niyakap sila. Haay..miss na miss ko sila.

“daddy...hindi  ka parin ba sasama sa amin??” tanong ni Rio

“aah..baby. hindi eeh. Basta ingat kayo lagi ha. At mahal na mahal kayo ni daddy tatandaan niyo yan ha.,”

“i love you daddy” sigaw nilang tatlo.

Mahal na mahal ko talaga tong mga bata haayst..pero kailangan ko nang umuwi. Nag-aalala talaga ako sa
buhay ko eeh. You  know, buhay ko as in si Yuki hahah..seehh..kornik!!

Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa sasakyan ko. halla. ano kaya nangyari kay Yuki??

Pag-uwi ko sa bahay, wala siya dun pero nadatnan ko si Juno na nagmamadaling nagiimpkae ng gamit tapos
si Morigan/secretary niya nakaupo naman sa may sala. Inaantay ata siya.

“aahh..Morgs. musta?” bati ko sa kanaya. Schoolmate ko kasi siya dati tsaka magbabarkada kami.

“aah..okay naman.”

“secretary ka na ni Juno ha..haha”

“oo nga eeh”

“bakit pala nagmamadali yun??”

“aah..we’re going to Japan today. May urgent business doon.”

“aahh..sige ingat kayo.”

Nako ha alam kaya ni Yssa to?? Anyways kailangan ko nang hanapin si Yuki.

Sabi niya sumama pakiramdam niya kaya siya umuwi  tapos wala naman siya dito. asan na kaya yun?? May
nangyari kaya?? Wala pa naman siyang sasakyan. Nagtaxi lang yun. Kinuha ko yung cellphone ko at
tinawagan siya pero can not be reached. Asan ka na ba!??!? YUKI!!!

Si Fed:

Waahh..madugo yung meeting kanina! Bakit ba an dami daming trabaho ngayon!?!? Grabe! Kung bakit ba
kasi may recession sa ibang banasa!!! Pati tuloy kami apektado!! Pagod na ako eeh!!

Palabas na ako ng board room nang makasalubong ko si Yuki na palabas ng office niya. Teka bakit nandito
to eeh may lakad sila ni Igo!?!?

“Yuki!”

“op? bakit anya?”

teka bakit parang namamaga yung mata niya!??

“uy okay ka lang?”

Nagsmile naman siya pero pilit.

“okay lang ako. Sige ha una na ako.”

Magtatanong na sana ako kaso nakatakbo na siya. Halla nangyari dun? Nag-away kaya sila ni Igo??

Pumunta na ako sa office ko at kinuha ang mga gamit ko pero paglabas ko nakasalubong ko naman si Igo na
hagard ang itsura.

“uy Igo!”

“Fed, nakita mo si Yuki?”

“ahh..oo pero umalis na siya. Mga 10 minutes ago.”

“aah..alam mo ba san nagpunta?”

“hindi eh”

“sige salamat”
Magtatanong pa ako eh tumakbo na rin siya. Halla! hindi nga sila tao, hindi rin sila hayop. Bagay sila!
Hahaha...shit! pero ano kaya nangyari sa dalawang yun at naghahabulan sila?? May problema kaya? Teka
bakit ko nga ba pinopoblema love life nila eeh..ako nga mismo may problema sa lovelife! Isang linggo ko
nang hindi nakikita si Jasmin. Ni text nga wala eh! Paano ba naman kasi. May kasama akong cllient.
Naglalunch kami at akala niya isa nanaman yun sa mga babae ko. eh tinigil ko na yun. Good boy na kaya
ako simula nung makilala ko siya.

Pumupunta ako sa kanila pero pinagtataguan niya ako. Inoff niya nga yung phone niya eh. Basta hindi ko siya
mahagilap. Kahit sa office nila hindi siya nagpapakita eeh. Asar! Alam mo yun!?!?

Sumakay na ako sa sasakyan ko at naisip ko munang huminto sa may 7/11 gutom na ako! Pagpasok ko
nakita ko siya! Yehey! Andun si Jasmin! Tumitingin siya ng mga chips. Lalapit na sana ako kaso may biglang

lumapit na lalake sa kanya.

“ito sa akin beh ha..”

“okey po”

Beh??? Teka! Sino ba yun??? Don’t tell me pinagpalit niya na ako..

Pag-ikot niya sakto namang nagkaharap kaming dalawa. Pareho kaming nagulat.

“Fed?”

Tinignan ko siya tapos yung lalake.

“ahh...Fed  it’s not what you think..”

Hindi ko na siya pinakinggan. Umalis na ako at dali-daling umalis. So now it’s clear. Kaya naman pala natiis
niya ako ng 1 week. May naipalit na pala siya sa akin. Shit na buhay to! Minsan ka na nga lang nagseryoso
sasaktan kapa.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Igo na umiinom mag-isa. Kaya naman sinaluhan ko siya. Kailangan ko
din ng alak!

“uy napainom ka bigla. Bakit?”

“galit sa akin si Yuki. Pumunta siya sa Japan out of the blue tapos inoff niya ang phone niya.” Sabi niya sabay
laklak ng alak.

“ahh.” Uminom din ako.

“oh ikaw bakit nakikisali ka?”

“pinagpalit na ako ni Jasmin.”

“preho pala tayong may problema. Cheers tayo.”

Nagcheers kami at naginuman. Alam naming mahaba habang inuman to kaya nagpadagdag pa kami.

Totoo nga ang sabi nila.

Love will always be full of heartaches! Nagrisk akong mainlove dahil iba si Jasmin at alam kong siya na
talaga pero paano niya nagawa sa akinto!? Naniwala ako sa mga salitang destiny dahil kina Juno pero bakit
parang hindi angkop sa akin ang salitang yun!?? I hate this! I hate heartaches! Kaya nga ako
nagpakababaero ay dahil sa sakit na naidulot niya sa akin noon. Pero ngayong sinubukan ko ulit mainlove for
the second time. Naulit nanaman! I hate girls! I hate all of you!!



Chapter 10

“Tara na sa Japan”

Si Juno:

After kong kunin yung naiwanan kong folder sa bahay  agad akong bumalik sa office. Kasama ko  si
Morigan dahil inaayos niya yung mga kailangan ko for the meeting. Ni hindi ko man lang gaanong nakausap
si Yssa kanina. Nagmamadali na kasi ako. Hayst.

Pagbalik ko sa office deretso nanaman ako sa board room for tanother meeting. Anak ng kabute! Wala na
bang katapusan to!?!?

After 2 hours natapos din ang meeting. Naglalakad na kami ni Morigan pabalik sa office.

“ahm sir. Asan po yung mga gamit niyo? Para mailagay na po sa sasakyan.”

“huh? Anong gamit?”

“sir yung bagahe niyo po.”

“bagahe?”

 Napahinto ako sa paglalaked.

“sir, sinabi ko na po sa inyo 3 days ago na pupunta po tayo ng Japan today.”

“aw shit!” halos mabura na ang mukha ko kakahimas ko gamit ang palad ko.

“what time ang flight?”

“6pm sir”

“ay takte! 4:30pm na! tara na sa bahay. Sumama ka na para deretso na tayong airport.”

“yes sir.”

Dumeretso agad kami sa bahay. Nakita ko si Igo pero agad din namang umalis kaya hindi ko na kinausap.
Pinaiwan ko muna si Morigan sa may sala.

Agad kong kinuha yung mga gamit ko. buti naman at biglang pumasok si Yssa sa room ko kaya naman
natulungan niya ako sa pag-aayos.

“ahmm..Juno gaano kayo katagal sa Japan?”

“4days lang beb.”

“4 days??” nakita kong nagulat siya at nalungkot din. Kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“saglit lang naman yun beb eh. Mamimiss kita pero syempre kailangan ko din naman pumunta doon eh.
Importante lang.”

“naiintindihan ko naman beb eh.”

“hmm..i love you beb.”

Hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko siya. Gusto ko pa sana magtagal pero nagmamadali na eh. Kaya after
ayusin yung mga gamit. Umalis na kami.

Si Yssa:

4 days daw mawawala si Juno. Okay lang naman sana eeh kaso kasama niya yung mukhang asong ulol na
yun!! Huhuhu..malamang gumawa siya ng paraan para maging close kay Juno!! Paano na to? Paano ba
naman ako hindi mapapraning eh kasi kanina nakita ko si Morigan sa may sala.

Flashback

“ahmm..ano ginagawa mo dito?”

“ahh..ikaw pala..Yssa. well pupunta lang naman kami ni Juno sa Japan.”

Tumayo siya at humarap sa akin. Nakakainis yung tingin niya sa akin Napaka devlish!!

“kaming dalawa lang.”

“ahh? Japan?”

“aww..hindi sinabi sayo? Kawawa ka naman. I’ll make sure na mgiging akin siya. Wala kasing istorbo dun.
Uulitin ko, dalawa lang kami!”

Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na ako sa room at nakita ko si Juno na nag-aayos ng gamit kaya
tinulungan ko siya.

“ahmm..Juno gaano kayo katagal sa Japan?”

“4days lang beb.”

“4 days??” as in 4 days kang lalandiin nang asong yun??

“saglit lang naman yun beb eh. Mamimiss kita pero syempre kailangan ko din naman pumunta doon eh.
Importante lang.” importante kasi magsosolo kayo ni secretary mo!?!!?

“naiintindihan ko naman beb eh.” Oo naiintindihan kong mas maganda at sexy siya sa akin..T.T

“hmm..i love you beb.”

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabing yan ni Juno. Niyakap niya ako at hinalikan. Ayoko siyang paalisin
pero syempre trabaho yun eh. Kaya wala na akong magagawa.

End of flashback

Masyado akong naiistress kakaisip kaya naman lumabas muna ako sa bahay at naglibot libot. Alam niyo
naman an laki ng bahay nila!! Kaya naman mga 2 houirs din ako naglibot. Pagbalik ko sa may pool nadatnan
ko si Igo na umiinom. Hinayaan ko lang siya tapos pumasok na ako sa kwarto. Nanood ako ng TV.

Paglipat ko ng channel, My Neighbors Wife yung palabas. Nilipat ko pa at ang next movie naman ay No
Other Woman. Wow ha! mga paalabas mga agawan ng asawa!! Nilipan ko na lang sa isang music  channel at
ang kanta naman ay Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin. Asar ha! Inoff ko na lang yung TV at lumabas.
Makikipaginuman na lang ako!

Paglabas ko andun na din si Anya Fed. Nakikiinom!

“puede makijoin?”

Napatingin sa akin yung dalawa. Medyo nagtataka pero pumayag naman sila kaya umupo na ako.

“bakit ka naman nakikinom sa amin ha Yssa. Nag-away kayo ni Juno?” tanong ni Kuya Fed

“hindi naman.,pero kasi..napapraning ako.”

“ha? Bakit?” Igo

“kasi naman..hmmm..T.T” nangalumbaba ako.

“bakit nga?” Fed

“kilala niyo ba yung bagong secretary ni Juno?”

“yup. Si Morigan. Diba kaklase mo yun dati Fed?”

“sa isang subject lang nung college. Bakit mo naman natanong?”

“ahmm..ano ba siya ni Juno dati?”

Nagkatinginan yung dalawa. Halla! anong meron??
“ah..eh..kasi Yssa.”
“oh ano? Bakit para kang natatranta ha? Huy bakit Igo.” Eeh bakit ganun yung reaksyon niya. >.<


“eeh..ano..ah..”

“Yssa, wag kang mabibigla or what pero kasi..” napakamot ng ulo si anya Fed. Bakit ba hindi nila masabi sa
akin??

“si Morigan kasi ang ano..ehh”

“anya Fed ano nga??”

“first girlfriend ni Juno.” Nagkasabay pa sila sa pagsabi.

Anak ng kamote! Bakit ngayon ko lang nalaman to?? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Juno??

“matagal na yun no. wag ka na mag-alala. Tsaka alam mo naman kung gaano ka kamahal ni Juno diba?”

“pero Fed, alam mo hindi ko masisisi si Yssa kung sasama ang loob niya. Kasi may pinagsamahan din si
Juno at si Morigan. Tsaka awkward na magkita ang current at ex. Ay teka..”

“oh bakit Igo?”

“now I know kung bakit nagalit si Yuki.”

“huh? Bakit naman?” kami naman ni Anya ang nacurious kay Igo.

“kasi kanina nagkita kami nila Beatrice tapos sinama ko si Yuki. Syempre namiss ko din yung mga bata kaya
namanmedyo naoutcast ko si Yuki.”

“yung mga bata lang ba talaga?” binatukan ni Igo si anya Fed.

“oo naman! Pero hindi ko kasi napigilan na hindi makipagdaldalan kay Trics. Kinwento niya kasi lahat
tungkol sa mga bata eh.”

“nako naman Igo. Bakit mo sinama si Achie?? Pangit talaga yun!”

“haaysst..pareho pala problema niyo.”

“bakit ikaw ba anya anong problema?”

“oo nga Fed. Ano meron sayo?”

“nakita ko kasi kanina si Jasmin. Oo tanggap ko na galit siya sa akin pero nageefort naman ako eh. Tsaka
siya tong umiiwas. Kanina nga nakita ko siya sa 7/11 pero may kasama siya eh. Beh pa tawagan nila.”

Uminom na si anya Fed nang alak. Makikita mo sa kanya kung gaano siya nasasaktan.
Medyo tumahimik kami saglit.

“ahm..ano na plano natin?” tanong ni Fed. Bigla namng tumingin sa akin si Igo.

“ano Yssa, punta tayong Japan??”

“ha?”

“eh kasi andun yung mga babes natin. Sundan natin gusto mo??”

“wag na..wag na..”

Biglang tumunog yung cp ni anya Fed.

“uy nagtext si Ryu.”

“ano sabi?? Basahin mo.” Pangungulit ni Igo.

“eto na. nakajapanese pero translate ko na lang. andito ako Japan with Katelyn. Nakita ko si anya Juno with
Morigan?? Bakit sila magkasama? Alam ba ni Yssa? Then kita ko achie Yuki with Michael. Bakit din magkasama yun?? Alam ba ni Igo?? Wala sila sa house. Nagsicheck-in sila sa hotel. Yun lang. sayonara.”

Sino si Michael? Tsaka bakit nasa hotel sila Juno??

“ay teka may isa pang text.”

“ano daw ulit??”

“by the way...andito din si Jasmin. Nalate siya kesa kina achie pero may kasama siyang lalake. di ko kilala.
Tinawag ata siya ni achie. Magkasama silang 3 pairs sa hotel.”

Binaba ni anya Fed yung phone niya at umakbay sa amin ni Igo. Nagpalit palit ang mga tingin namin.

“ano? Tara na sa Japan?” sabi ni anya.

JAPAN

Si Juno:

Pagdating namin. Dumeretso kami sa hotel. Maiilang kasi itong si Morigan pagsinama ko siya sa bahay.
Andun sila Angkong(lolo) at Amma(lola). Pero syempre magkahiwalay ang rooms namin. Pagpasok ko sa

room ko agad akong nag-ayos ng gamiit at nagpalit ng damit. Tinry kong tawagan si Yssa pero di ko
makontak eh kaya tinextan ko na lang. ano kaya ginagawa nun??

Anyways, gutom na ako kaya naman pumunnta na ako sa baba para bumili ng makakain. Pagpasok ko sa
restaurant nung hotel nabigla ako nang makita ko sila Achie Yuki at teka bakit kasama niya si Michael??
May tumapik sa balikat ko at nakita ko si Morigan kaya naman nagsama na kaming dalawa. Tapos
kinawayan naman kami ni achie kaya nagsama sama na kami sa isang table at nagorder.

“ahmm...achie bakit sobra tayo ng dalawa pang upuan?”

“ahh.papunta na dito si Jasmin at si Gino.”

“Jasmin??”

“yung girlfriend ni Fed.”

“oh wait. As in si Jasmin na classmate natin dati?? Sila na ni Fed?” singit ni Morigan.

“oo, naging sila na. teka why are they here and why are you here?”

“ay oo pala! i forgot to tell you na ako na yung umayos dun sa dapat na aayusin mo dito. nagawa ko na
kanina.”

“eeh..bakit pa ako andito?? Ikaw naman oh.”

“just enjoy okay? Wala namang masama na magpahinga.”

“sus! Sana sinama ko na lang si Yssa tsaka yung mga bata.”

Hay..si achie naman! Oo mabilis magtrabaho si Achie. Kaya naman hindi na ako nashock kung naayos niya
na agad yung problema.

Oh well dahil nga ganun na ang nangyari maggagala na lang kami bukas. First time din dito nila Morigan,
Michael ay teka bakit kasama ni achie to?, Jasmin at itong si Gino na malay ko kung sino.

After ng dinner bumalik na kami sa mga room namin. Naglalaro ako sa laptop ko (tao din ako kaya may
karapatan akong maglaro!) nang biglang may kumatok sa pinto at pagopen ko andun si Morigan kaya naman
pinapasok ko siya at naupo kami sa may magkabilaang dulo ng couch. Inopen ko na lang yung TV.

“oh, anong meron?”

“a sir itatanong ko lang kung paano po bukas?”

“ahh..may schedule pa ba ako dyan?”

“actually sir yung plant visit lang po sana. Pero okay na daw po yun diba? Yung mga meetings naman po eh
sabi ni ma’am Yuki na si sir Akihiro na daw po ang pupunta kasama si sir Ryu.”’

“oh nagsisimula na palang itrain ni daddy tong si Ryu. Pero teka, bakit pa napunta sa schedule ko ang
Japan?”

“ang totoo sir pinalagay po yan ni ma’am Clara. Para daw po makpagpahinga kayo.”

“oh? Si mommy talaga. Sige na. gumala na lang tayo bukas. At puede ba Morgs bukas wag mo ako
tawaging sir? Actually kahit ngayon.”

“ahh ehehe..nasasanay na kasi eh.”

“haha..okay. “

“naalala mo dati nung first time nating magkita? Tawag ko pa sayo nun Joe.”

“haha..oo! yun lang kasi yung natamdaan mo sa haba ng pangalan ko haha”

“haha..nakakamiss yung old days noh? Yung mga bata pa tayo.”

“oo, yung hindi pa ganito kahektik magtrabaho.”

Nagkwentuhan lang kami ni Morigan tapos natulog na after. Syempre lumabas siya ng room ko ha!! Tapos
kina bukasan gumala na kami.

Si Yssa:

Kababa lang namin ng plane nila anya Fed at Igo. Oo pumunta nga talaga kami ng Japan! Wala naman yung
mga bata kaya okay lang.

Nagcheck in kami sa hotel na sabi ni Ryu ay nandoon daw sila Juno. Dahil nag-iisa nga naman akong babae,
mag-isa ako sa room ko tapos magkasama naman sila anya at Igo. Haayst.

Inayos  ko na yung mga gamit ko. actually medyo masakit na yung ulo ko dahil nga nag-inuman kami kanina
diba? Kaya naman agad akong natulog.

Kinabukasan binulabog ako nila anya at Fed sa kwarto ko. nagdala sila ng breakfast sa room ko kasi baka
makita kami nila Juno. Syempre may dala kaming mga pang disguise!

Si Igo: naka emo look na brown yung wig niya tapos may shades din siyang suot at nagmukhang rocker sa
damit niya.

Si Fed: naka long hair! Haha..oo nakalonmg hair siya na black! Naka formal siya masyado. Coat and tie!
Mukha siyang manyak na nagbebenta ng shampoo hahaha..

Ako? Naka parang orange na hair ako na may pagka kulot tapos naglagay ako ng nunal sa may baba ng
mata ko. nag salamin din ako at balot na balot ang suot ko. mukha na akong anime na nerd!

Sa outfits namin si Igo na ang pinakamatino.

Lumabas na kami ng room namin pero tumigil muna kami sa may hallway.

Umakbay naman ulit si anya Fed sa amin ni Igo.

“Okay! Simulan na natin ang pagiging spy!!!” sigaw niya!

Nagpatong patong pa kami ng kamay. Yung ginagawa pagpompyang. Tapos tinaas namin yun at sumigaw ng “GAMBARU!!” (kaya natin to)

A/N: pakikorek na lang po if mali yung mga Jap words. Hehe..XD



Chapter 11 

“Asan si Yssa?”

Si Juno:

Pagkagising ko nag-ayos agad ako at pumunta na sa resto. Napag-usapan kasi naming anim na gumala nga
ngayon diba?

Pumunta kami samay Mt. Fuji ito naman kasi ang gusto nilang makita. Anyways nagpicture picture  kami
tapos medyo tinitigan pa nila ang Mt. Fuji. Ewan ko ba. Pumunta sa tabi ko si Morigan at may tinapat na
camera sa amin. Nagsmile naman kami at ayun tinake niya na yung photo naming dalawa.

Pagalis namin dun pumunta kami sa isang park na puno ng cherry blossoms at nagpicnic. Ewan ko ba pero
gusto magpicnic ni achie eh. Okay naman dahil tuwang tuwa sila Morigan sa cherry blossoms.

“ang cute naman dito hehe..” nagulat ako nang biglang magsalita si Morigan. Naiwan kasi kaming dalawa
dito sa may blanket. May pinuntahan yung apat eh.

“yup. Isa to sa mga lugar na gusto kong dalhin si Yssa. Matutuwa yun.”

“talaga? Napakaswerte naman ni Yssa sayo.”

“huh? Bakit?”

“grabe ka kasi kung magmahal Juno. Halos lahat nang puede mong ibigay binigay mo na.namiss ko tuloy
bigla.”

“gusto ko kasi mapasaya yung taong mahal ko. teka anong namiss mo?”

“yung tayo..hehe..pero tapos na yun.”

“ikaw talaga..wag ka nga ganyan!” shit ano daw yun!?!?

“hehe..pero totoo. Namimiss ko yung dati, yung kulitan natin mga ganung bagay.”

“sus! Puede parin naman eh pero bilang magkaibigan.”

“oo..yun naman yung sinasabi ko.”

“haha..okay. sorry naman.”

Shet! Awkward! Alam niyo yun? Oo nga pala. ex girlfriend ko tong si Morigan. Actually siya ang first
girlfriend ko pero matagal na yun. High school pa kami. 13 pa lang ata kami nun.  Well tumagal din naman
kami ng 3 years pero we broke up. Mga bata pa kami nun eh. Di pa namin alam yung mga salitang
commitment at pag-ibig. So we ended up becoming friends.  Hanggang ngayon friends na lang kami. yun lang
yun wala nang iba.

After a few minutes bumalik na sila achie at  kumain na kami. naglakad lakad  na kami after ng picnic. Sa
pero grabe1 andaming tao! Nasiksik tuloy kami. napasigaw naman bigla si Morgian kasi nga hindi siya
makaalis dun sa pwesto niya so I held her hand at inakabayan ko na siya para hindi na siya mahagit ng tao. Nagkita kita naman kami doon na samay maluwag na daan. Tulad nang ginawa ko nakaakbay narin si
Michael kay Yuki at si Gino din kay Jasmin.

Natawa ako bigla.

“Huy Juno nababaliw ka na?” tanong ni achie

“natawa lang ako sa nangyari. “

“sus, ikaw Juno angg ewan mo!” sabi ni Jasmin sabay palo sa balikat ko.

Next naman pumunta kami sa isang theme park. Sumakay kami nang kung anu-anong rides. Haay grabe
napagod ako!! After sa theme park pumunta kami sa isang restobar (restaurant + bar) at doon nagdinner.
Tapos nagalaakad nanaman kami pabalik ng hotel.

Si Yssa:

Nandito kami ngayon sa may mount Fuji. Wow ang ganda dito!! haaayst...pero hindi ako makaconcentrate
kasi sinisilip namin ngayon sila Juno. Bakit ganun? Parang nagdedate lang sila Juno tapos si achie Yuki may
kasamang lalake pati na rin si Jasmin. Mukha silang may triple date. Tapos itong si asong ulol lumapit pa kay
Juno para magpicture silang  dalawa!! Asar!!

After naman dun naglakad lakad na sila. Kami naman parang mga timang na nagtatago sa mga poste para
hindi nila kami makita. Pumunta sila sa isang parang park na andaming cherry blossoms. Waah..ang ganda
dito!! buti na lang at naupo sila samay tapat ng isang puno kaya naman nasa kabilang side kami nung puno.

Medyo naririnig ko yung usapan nila Juno. Asar!!  I really hate it! Inoopen ni asong ulol yung past nila!! Bakit
naman kasi naiwan dito tong dalawang to eeh. Asan na ba sila achie Yuki?

After nila kumain naglakad nanaman sila. Super dami ng tao!! Halos hindi ko na sila makita pero nung makita
ko sila. Nakita kong nakaakbay si Juno kay Morigan!! Teka ano yun?!!?

Nagdiretso sila nang lakad at pumunta sa theme park. Sumakay sila Juno sa kung anu-anong ride pero bakit
naman pati love boat sinakyan pa nila??

Nakikita ko talaga na tawa ng tawa si Juno.. narinig ko pang sinabi niya na..”ang sayo noh? Parang dati lang
hahaha..”

Actually ayoko na silang makita, nasasaktan ako eh kaya naman nauna na akong umuwi sa hotel.
Si Igo:

Loko tong Michael na to! Bakit ba andito yan?? Kung makapicture kay Yuki parang wala nang bukas!
Tsaka hello! Ako ho ang boyfriend niyan! As in capital A-K-O!!! si Michael yung first boyfriend ni Yuki.
Remember kaya naging hate niya ang Philippines??

Next na pinuntahan nila yung park na madaming Cherry Blossoms.

Pumunta sla nila Jasmin samay fountain dun. Ewan ko ba kung bakit pero bigla na lang umiyak si Yuki at
todo comfort sa kanya si Michael. With matching yakap oa! Chansing na yan!! Hinawakan niya pa ang
pisngi ni Yuki tapos pinunasan ang mga luha. May sinabi siya tapos ngmumiti silang dalawa. Huy! Sasapakin ko na yan!!  Bumalik sla dun sa may blsnket na magkahawak ang kamay. Shit!!!

Pumunta na sila next sa isang theme park. Pumasok sila sa horror house. Kilala ko si Yuki. Matapang yan pero matatakutin. Kaya naman hindi na ako nagulat nang bigla siyang napayakap kay MIchael pero nagulat ako nang nagdikit ang mga noo nila at nagtinginan silang dalawa. Tapos magkayakap na tinapos yung horror house! Pag hindi talaga ako nakatiis lagot sa akin yang Michael na yan pero. Shit lang. ang saya ng itsura ni Yuki. After sa horror house. Kumain sila ng cotton candy. Share sila at nagsusubuan!! Hindi ko na kaya!! Ayoko na! Uwi na ako!!

Si Fed:

Kanina ko pa tinututukan tong si Jasmin at yung kasama niya. Mukhang close na close sila.  Mukha nga ding
protective yung lalake kay Jasmin kasi kanina sa Mt. Fuji may bumastos kay Jasmin at sobrang nagalit yung
kasama niya.

Nung nagpunta naman sila dun sa may cherry blossoom park eeh okay sila! Sa sobrang okay si Jasmin pa
nagbibigay ng food niya at todo asikaso sa kanya!!

Yung sa theme park ang pinakadumurog sa puso ko. kasi naman. Bakit kailangan pa nilang magyakapan
diba!? Well actually nakaakbay sa kannya yung lalake tapos siya naman nakayakap sa bewang nung lalake.
hindi mahilig sa rides tong si Jasmin kaya naggala lang sila, kumain at nanood sa may theatre doon. Sobrang
sweet nila! Halos langgamin na sila!! Nakakainis!! Bakitt ba ganun?? Super dikit nila saa isa’t isa. Bora na
to!!!

Hinanap ko na sila Igo at Yssa pero bumalik na daw sila sa hotel. Pero teka si Yssaa bumalik na  sa hotel
eeh mahina sa daan yun. Okay lang kaya siya? Tsaka first time niya dito sa Japan. Sana nga nagsabay silang
umuwi ni Igo.

Pagdating ko sa hotel, andun na si Igo.

“uy bro, ano kumusta naman?” tanong ko sa kanya.

“wag na natin pagusapan. Ayoko na. hindi na ako susunod saa kanila bukas. Nakakasamaa lang ng loob.”

“hay sinabi mo pa! tatambay na lang ako dito!”

“hindi rin maganda sayo?”

“hindi! Sweet nila pre.”

“oo sa kin din. Ganun din si Yssa suko na.”

“asan pala si Yssa?”

“kanina pumunta na sa room niye pero sabi niya lalabas siya magiikot lang daw.”

“nako naman! mamaya maligaw yun.”

“hindi yan. Si Yssa pa?”

“sabagay.”

Natulog na kami ni Igo. At kinabukasan medyo late kami pumunta sa baba para magbreakfast. Snugurado
lang namin na umalis na sila Juno.

Umupo na kami sa isang table at kumain. Nagulat ako nung biglang parang naging frozen si Igo.

“huy bakit?”

“bakit kayo nandito huh?”

Paglingon ko nasa likuran ko si Juno. Kapapasok lang nila sa restaurant. Patay! Huli kami!!!

“wa..wala naman.” Wala na akong masagot!!

“don’t tell me sinundan niyo kami?” sabi ni Yuki na nakatingin kay Igo.

“h-hindi ah” nautal na si Igo sa kaba!

“eeh bakit kayo nandito?” tanong naman sa akin ni Jasmin.

“fine! Sige na. oo na sinundan namin kayo.”

“hahaha..kawawa naman kayo. Walang tiwala senyo mga loves niyo! Hahaha”

“ano ka Juno! Andito din si Yssa.”

“weh? Uy Igo umayos ka! asan si Yssa?”

“andun sa room niya. Baka tulog pa.”

“shit kayo! Anong room number niya?”

“4567”

“okay..punta muna ako ha.”

Tumakbo na si Juno. Nakita ko pa siya na bumaba ulit tapos umkayat nanaman. Glass lang kasi yung wall ng
resto. After a few minutes bumalik na siya sa amin na mukha talagang worried. Bakit kaya.

“nawawala si Yssa. Inopen ko na yung room niya at wala siya don! Asan si Yssa??”



Chapter 12 

“Zutto Futaride”



Si Yssa:

Gumala muna ako, ayokong magkulong sa kwarto eh. Saglit lang naman tsaka hindi ako masyadong lalayo.
Ansarap maglakad sa mga daan dito. ewan ko pero medyo nakakarelax. Hindi naman sana ako
magkakaganito kung nasa office nga talaga si Juno. Andami kasing gumugulo sa isipan ko eeh.

Nagpunta  ba sila ng Japan para gumala? Pinlano ba ni Juno at Morigan to? Date ba nila to? Bakit
kailangang itago sa akin ni Juno na ex niya siya? Bakit ang sweet nila kanina? Mahal pa kaya nila ang isa’t
isa? Well alam ko si asong ulol may gusto pa sa asawa ko. pero si Juno. Mahal niya pa kaya? Sa kanya
mismo nanggaling na imposibleng walang magkagusto kay Morigan. Well, maganda talaga siya at sexy pero
kasi naman. Asawa ako ni Juno! Huhuhuhu..

Pagtingin ko sa paligid ko. ay teka! Asan na ako?? Saan ba ako galing kanina? Sa left o sa right? Bakit kasi
ang lalim ng iniisip ko!! Bahala na nga! Naglakad pa ako nang naglakad pero huhuhu..hindi ko alam kung
asan ako. Kinapa ko yung bulsa ko pero wala pala yung cellphone at wallet ko. binigyan ako nila anya ng
cellphone at Japanese Yen eeh. Huhuhuhu...saan na ako pupunta? Asan ba ako? Juno!!!

Lakad lang ako nang lakad nang biglang may humawak sakin mula sa likuran! Tinakpan niya ang bibig ko.
tulong!!! Ayoko maging hostage!!!

Si Ryu:

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakita ko sila achie Yuki at Jasmin na may mga kasamang iba. Well
pati si anya Juno. Hanggang ngayon ginugulo parin ako nang mga yan! Nasa Japan ako kasama si daddy.
Dahil nga 21 na daw ako kailangan ko nang simulan na matutunan lahat ng ito.

Ako ang pinapunta sa mga meetings pero kasama si daddy syempre. Lahat naman kami fluent sa Japanese
kaya naman hindi ako masyadong nahirapan. Ang alam ko si anya Juno talaaga ang bahala dito pero dahil
nga on training ako eeh ako ang nandito. Pero bakit nga ba andito si anya Juno sa Japan???

Magulo ang mundo! Hahayst! After nang meeting naglunch kami nila mommy at daddy. Si Katelyn nga pala
andun sa rest house nila. Namiss niya daw yung lola niya eeh.

“ah..mommy, bakit pala andito si anya Juno kung ako naman aatend ng meeting?”

“ahh..well i want your onii-chan(brother) to have atleast 4 days of vacation. Puspusan kasi ang trabaho niya
ngayon. Nag-iipon daw for Yssa.”

“huh? Kay Yssa?”

“matanda na daw siya. Dapat madami siyang ipunin. Para pagwala na daw siya may pera ang family niya.”

“sus! Adik ni anya!!! Hahaha..”

“hindi. Inlove lang talaga. Diba mommy?”

“pero mommy bakit hindi niyo sinama si Yssa?”

“oo nga no. sayang naman.”
\
“sabi ng mga tauhan natin andito daw sila. Sumunod dito sila Fed, Igo at Yssa.” Singit ni daddy.

“oh?wow kumpleto tayo!!”

“oo nga noh? Hahah daddy, naiisip mo ba ang naiisip ko?”

“oo naiisip ko ata mommy.”

Shit! Wirdong parents! B1 at B2????? Kayo ba yan????` napakawirdong kausap nitong dalawang to kaya
naman nauna na akong umalis sa kanila. Haayst!!! Makagala na nga muna. Tagal ko ding hindi bumalik dito
sa Japan.

Habang naglalakad may nakita akong babae na mukha talagang familyar eeh. Hindi ako puedeng magkamali
siya talaga yun!! Kaya naman lumapit ako sa kanya.

Si Juno:

“nawawala si Yssa. Inopen ko na yung room niya at wala siya don! Asan si Yssa??”

“relax ka lang bro, sabi niya kagabi gagala siya eeh.”

“kagabi pa yun! Umaga na! Igo naman bakit kasi hinayaan niyo siyang mag-isa??”

Hindi ko mapapatawad tong mga to pagmaynangyaring masama kay Yssa!!!

“teka, irereport ko sa mga pulis.” Fed

“wag na! magiging issue yan. Malalagay nanaman sa papers yan. Ako na ang hahanap!”

Tatakbo na sana ako pero biglang nagring ang cellphone ko. tumatawag si Ryu. Ano naman kailangan nito.
Ayoko sanang sagutin pero bihira lang to tumawag. Ginagamit lang nito cellphone nito pagimportante.

Juno:oh bakit? Nagmamadali ako..

Ryu: uwi kayo dito sa bahay. Now na.
Juno: hinahanap ko si Yssa..naw..

Ryu: bugok! Andito siya sa bahay. Dalian niyo na. check out na kayo dyan.

Juno:talaga? Ayos lang ba siya? Ano?

Ryu: oo. May kamay at paa pa siya.

Juno:siraulo! Sige na.

Inend ko na yung call. Bwisit talaga kausap yun. Lumapit na ako sa kanila at agad kong sinabi yungbalita.
Dahil nga naman ligtas na si Yssa. Napapayag nila ako na kumain muna kami tapos saka na kami pumunta sa
bahay.

Ang bagal nilang kumilos nakakaasar!  Pagdating namin sa bahay agad kong pinuntahan yung room kung
asan si Yssa. Andun pala siya samay library. Kasama sila angkong at amma. Nakakatuwa kasi close na siya
sa kanila. Samantalaang dati lang eeh.

Hindi ko agad binuksan yung pinto. Pinakinggan ko muna sila. Pero nagulat talaga ako nang marinig kong
umiiyak si Yssa.

Amma: mang hao lo. (wag ka na umiyak)
Angkong: kung di be oh. Gua be kyaw Juno kong ue. (kung gusto mo kausapin ko si Juno)

Yssa: mang lo. Angkong, amma to xia. ( wag na lolo, lola. Salamat na lang)

Teka, bakit ba umiiyak si Yssa tsaka anong problema??

Amma: gua tsa iya Morigan si sya nga. Ii si Juno eh ho we. Pero ya ku lo. (kilala ko si Morigan. Girlfriend
siya ni Juno pero maatagal na yun.)

Yssa: gua tsa ya amma. Pero tsi tsun ii si Juno eh secretary. (alam ko amma, pero ngayon secretray siya ni
Juno)

Yssa: ru kwo. Juno ai ii pa. gua chu wa? (if mahal pa siya ni Juno. Paano ako?)

Amma: mang syu ane la. Di si Juno eh ho we. Di tyo mung ii! (wag ka mag-isip nang ganyan. ikaw na ang
asawa ni Juno. Dapat siguro itanong mo yan sa kanya.)

Yssa: ho amma. To sya. (yes amma. Thank you)

Wow ha! Kung  makapagchinese sila wagas! Nasa Japan ho tayo!! Pero teka hindi yan ang issue. Anong
meron?  Ako? Si Morigan? Don’t tell me pinagselosan ni Yssa si Morigan. Mukhang alam niya na rin ang
tungkol sa amin. Kaya ba siya nagpunta dito?

Wala naman kasi siyang dapat ipagselos. Siya lang ang mahal ko at patutunayan ko yun sa kanya.

Si Igo:

Buti naman at hindi sumama sa amin si Michael. Pero habang pauwi hindi parin kami nag-uusap ni Yuki. Oo
inis ako dahil kasama niya si ex niya pero inis din siya sa akin dahil sa ex ko. walang hiyang mga ex yan!
Kahit sa math problems siya ang problema!

Pagdating namin sa bahay nila. Sinalubong kami nila tito at tita.

“oh Yuki at Igo. Doon na muna kayo sa isang kwarto ha. Inaayos kasi yung guest room eh.”

“sige dad. Akyat na po ako.”

Humalik siya sa pisngi nila at umakyat na. sinundan ko lang siya. Tahimik parin kami sa kwarto niya. Wala
talagang nag-uusap.

Pero ako ang lalake eh. Kailangan siguro ako na ang gumawa ng paraan. Nakita ko siyang nakatayo sa may
veranda ng room niya kaya lumapit ako.

“Yuki.”

Hindi siya sumagot o tumingin man lang sa akin.

“i’m sorry.”

Yun lang ang nasabi ko. narinig ko siyang huminga ng malaalim.

“it’s okay.” Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

“bakit mo kasama si Michael?”

This time tumingin na siya sa akin pero mukha siyang galit.

“bakit mo rin ako sinama kay Beatrice? Ano? Para ipamukha sa akin kung gaano kayo kabagay? Kung
gaano kayo kasay?”

“hindi sa ganun babe. Gusto ko lang na maging okay kayo.”

Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.

“nasasaktan ako Igo. Masakit dahil nakikita ko kayong masaya. Alam niya lahat tungkol sayo. Mas bagay
kayo. Parang mali tuloy na makitng magkasama tayo.”

Niyakap ko siya.

“wag ka nga mag-isip nang ganyan. mahal na mahal kita Yuki. Kahit ilang beses mo pa akong itapon sa dagat
o ipalapa sa leyon. Mahal na mahal parin kita. Please naman. Maniwala ka.”

“pero kasi..”


“shhh..malamang alam ni Trics lahat sa akin. Nagsama din naman kami ng matagal pero tapos na yun.
Besides she’s getting married ulit. Kaya nga ako nakipag kita sa kanya. yun na kasi yung last time na
makikita ko siya at ang mga bata. Sa New York na sila titira. May fiance na siya doon.”

Tumingin siya sa akin. Tapos pinunasan ko ang luha niya.

“talaga?”

“opo. Pero teka. Bakit mo ba kasama si Michael. Tapos may date pa kayo!”

“Michael is here para gawin akong ninang. Dito na siya nagtatrabaho eeh. Yung third child nila. Kukunin daw
tayong ninong at ninang.”

“oh? Eeh bakit ang sweet niyo?”

Nagsmile siya. Mapangasar na smile!

“eeh..kasi..”

Humiwalay siya sa pagkakayakap.

“alam namin na sinusundan niyo kami. si Juno lang ata ang hindi aware!”

“oh? So sinadya niyo lahat yun?”

“oo.”

“Yuki!”
Dahan dahan akong lumapit kay Yuki na masama ang tingin ko habang siya atras ng atras tapos bigla siyang
tumakbo kaya hinabol ko siya. Nahuli ko siya at binuhat ko. inilapag ko siya sa kama at pumatong ako.
Hinarang ko ang mga kamay ko sa magkabilaang side ng leeg niya.

“sorry na.”

“walang sorry sorry lagot ka sakin!”

I kissed her and she kissed me back. Nilagay niya pa yung mga kamay niya sa may batok ko. Kahit kelan i
love this girl. Mahala na mahal kita Yuki.

Si Fed:

Hindi ko parin alam kung sino tong kumag na kasama ni Jasmin pero badtrip ha! Bakit kasama parin namin? Paano ko ba kakausapin si Jasmin kung lagi siyang nakabuntot?

Ewan pero it really bugs me sa thought na magkasama sila sa iisang room. Binibigay namin yung dalawang
guest room sa kanila pero hindi na daw. Isa na lang. nu kaya yun? Paalala ha. Babae at lalake po kayo!

Ayoko na mag-isip kaya naman naupo nalang ako sa may garden at kumuha ng gitara. I started playing
When You Say Nothing at All ni Ronan Keating.

The smile on your face lets me know that you need me..

There’s a truth in your eyes..

Saying you’ll never leave me..

I never wanted to fall inlove again dahil ayoko nang masaktan. Ayokong maulit ang nangyari dati. Pero bakit
parang nagrewind lang ang buhay ko? bakit ngayon nasasaktan nanaman ako? I thought forever na kami ni
Jasmin pero ngayon hindi ko na alam..

The touch of your hand..

Says you’ll catch me if ever i fall..

You say it best..

When you say nothing at all..

There are words that could be understood best without even telling it. Mere actions would say it to you
clearly..simple man yung eksena sa 7/11, para sa akin malaking bagay yun..i love her too much eeh..

May naramdman akong yumakap sa akin from behind. I know it’s her. I know her perfume. Aalisin ko sana
yung kamay niya pero hinigpitan niya lalo.

“makinig ka sana muna sa akin. Please..”

Hinayaan ko na siya.

“Fed, you must know na ikaw lang ang mahal ko. yung kasama ko. that’s Gino.”

“hindi ko tinanong kung sino siya.”

“Fed, i’m so sorry.”

Nararamdaman ko na ang luha niya sa may leeg ko.

“Gino is my...” shit makikipaghiwalay na ata siya sa akin..ayoko nang makinig kaya naman pinlit kong
tanggalin ang mga kamay niya, tumayo ako at lumayo pero hinabol niya ako.

“buntis ako Fed..”


See? Ayoko na talaga makinig!! Ayoko!!! Kaya naman agad akong tumakbo na palayo..ayoko na!

Bakit kailangan kong masaktan? Bakit kailangan akong lokohin? Mas okay pa nung babaero ako. Hindi ako
nakaranas ng ganito! Bakit mo nagawa sa akin to??    


Si Yssa:

Paglabas ko sa room nila angkong at amma. Hindi ako dumiretso sa kwarto ni Juno. Sigurado akong andun
siya. Ayokong magkita kami!

And again ang laki ng bahay nila!!! Halos isang oras na akong naglalakad dito wala paring katapusan yung daan! Grabae ha! Napunta ako sa may parang field na may gazebo sa gitna. Actually mukha nanaman siyang
garden andami kasing roses sa paligid tapos yung gazebo napapalibutan pa nang madaming halaman. Ewan
ko ba pero ang cute cute talaga nung gazebo eeh!! Hindi ko tuloy napigilan na pumunta dun. Yung mga wall
niya may mga halaman na nakapalibopt tapos andami pang roses sa loob nung gazebo. Pumasok ako sa
loob. May dumapo pa ngang butterfly samay balikat ko eh. Ang ganda talaga dito!!

“ang ganda dito no?”

Napatingin ako bigla dun sa nagsalita. Si Juno pala. pumasok din siya sa loob ati nilagay niya yung isang
kamay niya sa isa sa mga poste.

“zutto futaride meaning forever the two of us. Yun ang pangalan ng gazebo na to.”

Napakaseryoso ng mukha ni Juno. Para bang napakalalim ng pinaghuhugutan niya.

“noon kasi may isang couple na sobrang tinutulan ng mga parents nila ang pagiibigan nila.  Rivals kasi ang family nila pagdating sa negosyo kaya hindi talaga puede pero dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa. Napag-
isipan nilang magtanan at pinlano nilang magkita sa isang gazebo sa isang tagong hardin. It was filled with
roses and a lot of flowers pa. Hating gabi sila nagkita sa gazebo na yun. Hindi nila alam kung saan sila
pupunta so they decided to stay there for the night.”

Lumapit sa akin si Juno hanggang sa magkaharap na kami.

“nalaman ito ng parents nila so pinahanap sila. But the parents were so sad to find their child dead. Nung
gabing yun kasi nagsimula nang umulan ng snow. Wala silang dalang mga  gamit dahil tumakas lang sila sa
mga bahay nila. They were both freezing. Niyakap nalang nila ang isa’t isa. It was no use. Malakas masyado
ang bagsak ng snow. Alam nilang hindi na magtatagal ay mawawalan na sila nang malay and eventually they
wouldn’t see tomorrow anymore. The man held the girl’s hand. And said to her. “Sukidayou (I love you)... Zutto Futaride.” They both closed their eyes...kinabukasan..natagpuan silang magakayakp parin.”

Nagsmile sa akin si Juno.

“favorite story nila angkong at amma yun kaya sila nagpalagay ng ganito. Ewan ko ba pero evrytime na
andito ako. Feeling ko totoo yung kwentong yun. It’s tragic but sweet. Kahit na ano pa man ang mangyari
mahal nila ang isa’t isa. Mas pinili nilang mamatay sa piling ng bawat isa kesa bumalik sa mga bahay nila at
mabuhay nang malayo sa bawat isa.”

“hmm..bakit mo ba kinekwento sa akin to?”

“like those two. Ganyan din ang pagmamahal ko sayo Yssa.”

Lumapit siya sa akin at dinikit ang noo niya sa noo ko.

“no matter what happens. No matter how hard things would be. I would always choose to be by yourside.
Forever.”

Hindi ko alam pero lahat ng galit sa puso ko at lahat ng pagaalinlangan ay nawala. Para bang binura ng mga
sinabi niya ang lahat ng iyon. Sigurado na ako sa pagmamahal ni Juno.

Niyakap ko siya.

“i’m sorry for doubting you. Wala akong tiwala.”

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya.

“no. i’m sorry. Dapat inisip ko muna ang actions ko. i’m sorry for not telling you about me and Morigan. I’m
sorry..”

“no, it’s okay. Naiintindihan ko yun.”

“basta tatandaan mo lagi na ikaw lang ang mahal ko. I love you Yssa.”

“I love you too Juno.”

Habang andun kami may nagplay na music. Japanese siya. (Kuroge Wagyu Jyou Tan Sioyaki by Otsuka Ai).
Hindi ko naiintindihan pero sabi ni Juno ang meaning daw nung kanta eh. Isa lang ang taong mahal ko kahit na anong mangyari at mahal na mahal kita. Yun daw yun.

Upon hearing the song. Nagsimula kaming magslow dance ni Juno. Ang kulit lang. ang sarap pakinggan nung
kanta eeh. Slow siya. Basta maganda..pero kami ni Juno mukhang ewan dun! Haha..

I really love Juno. Kahit anong mangyari. Magtitiwala na ako sayo..I love you so much beb.



Chapter 13 

“FEDMIN”



Si Clara (mommy nila Juno):

“daddy, ready na ba lahat for the party mamayang gabi?”

“oo mommy. Buong buo ang family natin. Sayang wala ang mga apo natin.”

“oo nga eh. Well may bago naman tayong apo.”

“oo nga pala hahaha..”

Lumabas na kami ni Akihiro ng kwarto at dumeretso na sa dining are for lunch. Mukha naman nang masaya
ang mga bata. Si Yuki at si Igo nagkukulitan nanaman. Sila Ryu at Katelyn ayan ang sweet naman.
Nakakainggit nga eeh. Tapos si Juno at si Yssa ayun okay nadin sila. Pinabalik ko na si Morigan sa
Phlippines. Hindi maganda kung andito pa siya. Pero bakit kaya itong si Fed malungkot. Tsaka asan si
Jasmin??

Anyways nagsiupo na kaming lahat sa dining. Kumain na kami at syempre nagkwentuhan. Ang sarap naman
ng dessert ngayon! Haay...chocolate pudding! The best talaga to!! Hehehe..^_____^

“Fed, asan si Jasmin? Hindi ba sila maglalunch?”

“mommy, umuwi na sila sa  Pilipinas. Sumabay sila kay Morigan.”

“FREDERICK ENRIQUE DOMINIC LIANG!!!!!” kung makasigaw naman itong si Yukio. Ano ba
problema?

“ano?” nako ha baka mag-away tong dalawang to.

“bakit mo hinayaang umuwi si Jasmin!?!? Hindi ba sinabi niya na sayong buntis siya.”

“oh ngayon?”

“anong oh ngayon ka jan! magiging daddy ka na! wala ka man  lang pake??”

“anong daddy..eh yung Gino na yun!?”

“gago! Kuya ni Jasmin si Gino!! Natakot si Jasmin na sabihin sayo na buntis siya kaya ka niya iniwasan dahil
pinag-iisipan niya ang mga dapat gawin. Natatakot siya na baka itakwil mo yung bata!!! Ugok ka talaga!!!”

“te..teka..ano?”

“mamaya na ang explainations!! Tayo na! habulin mo siya!!!”

Agad namang tumayo si Fed at tumakbo na palayo..

Haaay..ang mga batang ito talaga ohh...

“relax ka na babe..” sabi ni Igo habang pinapakalma ang high blood na si Yuki.

“ehh kayo Juno kelan ako ulit magkakaapo sayo?”

Halos mabilaukan si Juno at Yssa haha..

“daddy talaga masyado kang nagmamadali. Oh kayo naman. Ilang buwan na kayong kasal. Siguro naman
meron na.”

“mommy naman..”

Haha nahiya pa si Juno. Anyways. Basta masaya ako dahil masaya ang mga anak ko. yun lang yun.

“cheers tayo” pagyaya ko. sumunod naman silang lahat.

“for everyone’s happiness”

Si Juno: Shit ang korny talaga ni mommy.

Si Yuki: ano ba pinag-iisip ni mommy??

Si Igo: weh? Haha..adik lang si tita.

Si Fed:

Hay pinagsisisihan ko tuloy lahat! Dapat kasi nakinig ako sa kanya kanina!! Engot ka talaga Fed!!

Agad akong tumakbo pagdating ko sa airport. Alam niyo na malakas ang family ko dito kaya naman
nakakaikot ako sa buong airport. Nahanp ko naman agad yung flight papuntang phil. Papasok na siya pero
hinila ko siya.

Lumayo lang kami konti at hinawakan ang mga pisngi niya.

“i’m so sorry..sorry..”

“it’s okay.”

Niyakap niya din ako. Kahit na hindi ko na siya pinakinggan hindi niya parin ako kayang pagalitan. Bakit ba
ganyan ka kabait Jasmin? Bakit ba masyado mo akong mahal? Feeling ko tuloy I don’t deserve you.
Masyado kang mabait. Bakit mo ba minahal ang isang gagong katulad ko!?!?




Chapter 14 

“First Date”


Haay..it has been 3 days since makauwi kami from Japan. Masaya naman yung naging trip namin. 
Nagpaparty pa sila daddy dahil nga daw kumpleto kami dun tsaka dahil nga may bago silang apo. Kay anya 
Fed naman ngayon hehe..

Okay na okay na ang lahat. Kahapon, dahil Sunday lahat kami nagmass then nagswimming at nagshopping. 
Dumating na din yung mga bata eeh kaya naman nakapag family bonding kami. nagpicnic kami sa may park.

Haay pero ito nanaman ang weekdays. Busy nanaman si Juno.:( pagkagising ko wala na siya. Hay naku 
naman!! Kasama niya nanaman siguro yung asong ulol na yun. Pumasok ako sa kwarto ng mga bata pero 
wala sila dun kaya naman pumunta ako sa may labas at nadatnan ko silang nilalaro yung alaga ni Juno na 
Syberian Husky, si Sandra.

“goodmorning mommy!” agad na salubong sa akin ni Colleen

“goodmorning baby.nagbreakfast na ba kayo?”

“not yet mommy. Kain na tayo.”

“opo. Let’s go?”

“hehe..okie dokie..”

“Sarah, halika kain tayo.”

“sige mommy. Kayo na lang. busog pa ako.”

“o sige.”

Bakit parang ang tamlay ata ni Sarah? Mukha siyang may problema eh. Pero hinayaan ko na lang siya at 
pumunta na kami ni Colleen sa may dining.
“baby, is there something wrong with your achie(ate)?”

“hmm, I don’t really know mommy. But ganyan na siya since we got back from Bulacan.”

“okay.”

Kumain lang kami ng kumain ni Colleen. Grabe tataba ako nito! Andami naming kinain tapos maya’t maya 
pa kung maglabas sila ng miryenda like chips, chocolates basta madami! Haay sosyalera tong batang to may 
lakad nanaman! 10 years old pa lang lakwatsera na. kaya ayun. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng gamit at 
ayun hinatid na ng driver. Hindi siya uuwi for 2 days kaya naman. Dalawa lang kami ni Sarah na naiwan sa 
bahay.

Ako nagprepare ng dinner kasi dalawa lang naman kaming kakain. Lahat sila busy dahil sa bago nilang 
product. Hay itong mga ito, kaya lalong yumayaman eh!
Tinawag ko na si Sarah para magdinner pero grabe ang lungkot niya talaga! Halos dalawang kutsara lang ng 
fried rice at isang maliit na hiwa lang ng chicken kinain niya.

“ahm..Sarah tapos kana kumain?”

“opo mommy. Doon na muna ako sa labas.”

“okay.”

Haay..ang lungkot nagsosolo ako magdinner. Kaya naisipan ko na lang textan si Juno.

(sa cp ni Juno)WifeBeb: Hi, beb! Don’t forget to have dinner. I luv u:*

Pero sana pala hindi nalang ako nagtext!! Ito ang reply.


HusBeb: wala si Juno, nasa meeting pa. i have his phone Yssa. To my surprise, may picture kami dito. nung 
highschool pa kami. yung times na kami pa. love, Morigan.:)

Papatayin ko talaga tong asong ulol na to!!! Teka! Totoo ba to? Come to think of it, never ko pang kinalikot 
yung cellphone ni Juno. Ni hindi ko nga alam ano laman nun. May pictures ba kami? halla! if totoo nga bakit 
naman? Bakit meron siya nun? Tsaka hell naman! Bakit niya iniwan yung cp niya kay Morigan? Tsaka diba 
may password yun? Bakit alam ni Morigan? Tsaka bakit hinahayaan niya lang na kalikutin nung asong yun 
yung phone niya? Hhmm..nag-iisip nanamn ako!!! No! may tiwala ako kay Juno. Pero huhuhu....

After kong kumain, lumabas muna ako samay pool at nadatnan ko si Sarah na tulala. Kaya eto na to the rescue na ako. Mommy mode muna. Umupo ako sa tabi niya.

“Sarah, may problema ka ba? Baka gusto mong pag-usapan natin?”

“hmm..wala po mommy.”

“come on, open up. Makikinig ako.”

“hmm..eh..mommy wag na, nakakahiya.”

“lovelife ba?” napatingin bigla sa akin si Sarah. Tama ako! Haha

“paano niyo po nalaman?”

“kasi, yan ang madalas na problema ng teens. So ano ngang problema?”

“hmm..well kasi mommy...may nanliligaw sa kin. And i really like him pero..”

“pero ano?”

“ahmm..mommy, natatakot akong masaktan eeh. Tsaka si daddy..”
“hmm..alam mo anak, once you fall in love. Masasaktan at masasaktan ka talaga coz that’s what love is. 
Masarap mainlove pero at the same time dapat ready karing masaktan but no matter what happens if your 
love is true. Magtatagal kayo. Maiintindihan ka naman ng daddy mo eh.”

“thank you mommy.”

“hmm..do you like him?”

“ang totoo matagal na po akong may gusto sa kanya. so natuwa po talaga ako nung niligawan niya ako. 3 
years na po siyang nanliligaw.”

“3 years??? Oh? So mahal ka nga niya.”

“opo mommy. Nafifeel ko naman yun.”

“edi go.”

“eeh..natatakot ako.”

“ano ka ba. Wag kang matakot. Andito naman kami para suportahan ka at tulungan ka. andito lang si 
mommy para sayo. Pero wag isusuko ang batanes ha! You know what I mean.”

“opo mommy. Hehe..may date po kami bukas. Sasagutin ko na siya.:D”

Niyakap ako ni Sarah. May narinig akong dumating na sasakyan at pagtingin ko sasakyan yun ni Juno. Haay 
sa wakas nakauwi na rin siya.

“sige na mommy asikasuhin mo na si daddy.”

“o sige. Basta pag may problema ka kausapin mo si mommy ha.”

“opo.”

Tumayo na ako at lumapit kay Juno. Niyakap niya naman ako.

“hi beb..”

“kumusta work?”

“pagod na ko. may pagkain pa ba? Gutom ako.”

“yup. Nagluto ako ng Chicken teriyaki.”
“wow. Galing naman ng asawa ko. tara.”

Pumasok na kami ni Juno sa loob. Dumeretso kami sa dining tapos pinaghain ko siya. Grabe iba talaga ang 
feeling pagmag-asawa na kayo. Para bang lahat ng problema niya, problema mo din. Yung parang pagpagod 
siya pagod ka din. Ewan!

Nagkwentuhan kami habang kumakain siya. Gusto ko talaga itanong yung about dun sa picture kaso 
syempre pagod si Juno kaya ayokong painitin ang ulo niya. After kumain pumasok na kami sa kwarto at 
ayun after niya magbihis nakatutok nanaman sa laptop. Pero nakikita kong masakit yung mga balikat niya 
kaya naman pumunta ako sa may likod niya at minasahe siya.

“hmm..sarap naman.”

“eehh..mukha ka kasing pagod na pagod.”

“haay..swerte ko talaga sa asawa ko. sarap na nga magluto. Sarap din magmasahe oh.”

“sus..bolero.” binatukan ko siya pero mahina lang.

“totoo naman eh.” Kinuha niya yung kamay ko tapos hinalikan yun.

Sinara niya yung laptop niya at tumayo. Niyakap niya ako.

“I love you beb.” Halla ang lagkit ng tingin niya sa akin.waahhh...

“i love you too beb.”  

He started kissing me and i kissed him back. Tapos binuhat niya ako at inihiga sa kama. Nako patay! 
Nakapatong siya sa akin and he just keeps on kissing me. Eeh..kahit na mag-asawa na kami kinakabahan 
parin ako. Bakit ganun???

Mas naging malalim ang paghalik niya sa akin at nararamdaman ko ang mga kamay niya na kung saan saan 
na napunta. Alam kong gusto niya. Alam kong kailangan niya kaya kahit na kinakabahan ako. Lahat ibibigay 
ko sa asawa ko.

He suddenly broke the kiss at humiga sa tabi ko. tinakapan niya yung mga mata niya gamit yung isang braso 
niya.

“sorry. Nadala ako.  Papakalmahin ko lang sarili ko.”

Nagets ko naman yung ibig niyang sabihin. Medyo natawa ako at nagtataka siyang tumingin sa akin.

“oh bakit?”

“Juno.” Sabi ko habang nakasmile sa kanya at umupo ako sa may tiyan niya.

“asawa mo na ako. You don’t have to stop yourself.” Nilapit ko ang labi ko sa labi niya at hinawakan ko ang 
pisngi niya. “lahat ibibigay ko sa asawa ko. i’ll make my husband happy.”

Hinalikan ko siya at ganun din naman siya. He started removing my clothes and so is his. Then ayun na. alam 
niyo na mga susunod na nangyari! Mag-asawa na kami so wala nang malisya to! Hehe..peace.

Kinabukasan medyo maaga naman ako nagising at naabutan ko si Juno na katatapos lang maligo. Naalala ko 
tuloy bigla nung unang beses niya ako dinala dito sa bahay nila.(Mr. Perfect Chapter 3:) Yung time na 
kababalik niya lang from Europe. Halos maiyak ako kasi hindi ako makapaniwalang andito na siya and now 
ito na. araw-araw puede kong makasama ang taong pinakamamahal ko.

“uy bakit ganyan ka makatitig sa akin? Pinagnanasaan mo ko noh?”

Tignan mo to nang asar pa! well, masarap naman talaga siyang pagnasaan. Nakapants palang kasi siya at 
kitang kita ko ang mga pandesal sa tiyan niya. Ahihihi..

“hindi noh! Baka ako pinagnanasaan mo.”

“haha..bumangon ka na nga dyan. Pero bago ka tumayo magdamit ka muna. Baka pagnasaan nga talaga 
kita.” Tumawa siya at nagabot ng t-shirt niya sa akin. Wala pa nga pala akong suot hehe..

Sinuot ko yung shirt at kumuha ng shorts tapos lumabas na ako para magprepare ng breakfast sana niya 
pero holy horse! Bakit tumambad sa harapan ko si asong ulol? Andun siya sa may sala. Huy 6:30 palang 
bakit siya andito?

Nagulat ako nang maramdaman kong nasa may likuran ko na si Juno.

“ah beb, maaga kami ngayon eh. My client ako sa Batangas so kailangan ko nang umalis. Ahh..si Morigan 
pala pinaderetso ko dito para hindi na kami babalik ng office.”

“ganun ba?” humarap ako kay Juno para tulungan siya sa necktie niya.

“ingat kayo dun okay. Di na kayo dito magbreakfast diba?” ayoko nga ipagluto yang ulol na yan!

“oo, sa daan na.”

“bye den beb.”

“bye beb.” Niyakap ako ni Juno then i kissed him. Long deep kiss. Haha in your face doggie!

Palabas na sana si Juno ng door kaso may naiwan siya sa room kaya bumalik siya at naiwan kami ni Asong 
ulol.

“ingat siya sayo sa Batangas.” Sarcastic na sabi ko.

“sana kasi tuluyan ka nang nawala sa Japan!”

“sana nagcrash yung eroplano nung umuwi ka!”

“anyway. Masosolo ko nanaman ang asawa mo. Babye.”

“hindi yan uubra. Ako ang mahal niya.”


“so? I can change that!”

Hihirit pa sana ako kaso lumabas na si Juno. Nakakainis!! Bakit kasi siya pa ang naging secretary diba???

Ggrrrr!! Kung puede ko lang tong patayin!

Umalis na sila ni Juno. Nakakairita! I hate her! Pero wala na akong time sa kanya. bumalik ako sa kwarto 
para mag-ayos pero pumasok din yung isang maid para pigilan ako. Trabahao niya daw yun. Kaya hinayaan 
ko na lang siya. Pumunta naman ako sa kwarto ni Sarah. Aba ang aga niya gumising. Nakaligo na kasi siya 
pagpasok ko.

“ano, excited ka na noh?”

“oo mommy eh. Halos hindi nga ako makatulog eh.”

Umupo ako sa may tabi niya. Nakaupo siya samay dresser. Sinuklay ko ang buhok niya.

“alam mo. Ganyang ganyan din ako nung first time kong makikipagdate sa daddy mo.”

“talaga mommy? Ano pong nangyari?”

“well, dahil nga nagsusungit pa kami nun sa isa’t isa. Halos away kami ng away. Buong date namin.”

“haha..kwento mo mommy please?”

“sige na.”

Flashback

Hindi ko alam kung matutuwa ako oh ano dahil nga diba pinayagan ko nang manligaw yung si Mr. Sungit! 
10am ang usapan namin at susunduin niya ako dito sa may tindahan namin. Ewan ko pero hindi talaga ako 
nakatulog ng maayos. 8am palang nakaready at nakabihis na ako. Nakakaloka!  Pagababa ko samay 
tindahan namin nagulat ako nang makita ko si Mr. Sungit na nakatayo doon sa may labas.

Wow ang aga niya! Humarap siya sa akin at ayun salubong nanaman ang mga kilay!

“tagal mo!”

“che! 10 pa usapan natin! 8 am palang 8 AM PALANG!!!”

“actually it’s 8:38 am.”

“and so? Sige papasok muna ako sa loob! Nakakahiya naman sayo! Ang aga pa!”

Papasok na sana ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko at kinaladkad papunta samay sasakyan niya.

“sakay!”

“bait mo!”

Sumakay na ako at sinara ng malakas yung pintuan. Sumakay din siya at pinaandar na yung sasakyan.


“don’t you ever close my car’s door like that again!”

Di ko siya pinansin. Sungit! Bwisit!

Pumunta kami sa mall. Para lang kaming mga ewan na naglalakad siya habang ako naman sumusunod lang sa 
may likuran niya. Mga 10 mins. kaming naglakad nang naglakad at akyat akyat sa escalator. Nagulat ako 
nang bigla siyang huminto at nagsalita.

“what movie?”

“ano?”

Sinundan ko yung tingin ng mga mata niya. Nasa may tapat pala kami ng mga movies. Eeh..hindi ko naman 
alam kung ano gusto kong panoorin eeh.

“so what movie?” hindi siya tumitingin sa akin.


“ehh..kahit ano na.”

Hindi siya nagsalita. Dumiretso lang siya sa may bilihan ng ticket tapos bumalik sa akin. Hinila niya ako at 
pumasok na kami sa sinehan.

Kuripot naman to ni hindi man lang bumili ng popcorn oh drinks! Kuripot!!

Nagstart na yung movie. Tahimik lang talaga kami at hindi kami mukhang nagdedate kasi may isang upuan sa 
pagitan namin. Ano naman kaya yun?? Nagfocus lang ako sa movie at shet! Shet lang talaga!!!



I forgot to mention, 3D tong movie and guess kung ano yung movie. Alam niyo na ba? Wala nang iba kundi 
the Grudge. Yung the Grudge in 3D!!!(luma na po tong movie hehe..pero super nakakatakot kaya yan na 
yan wag na po kontrahin. Salamat)


Waahh..hindi ko kaya to! Natatakot ako!!! Halos itakip ko na yung mga kamay ko sa mukha ko. 
huhuhu...nagulat ako nang maramdaman ko na nasa tabi ko na pala siya. Nilapit niya yung balikat niya sa 
akin. Naka tingin parin siya sa screen.

“puede ka magtago sa balikat ko.”

“eeh..o..okay.” super nakakatakot na yung eksena kaya naman napatago nga talaga ako sa balikat niya.

“natatakot na ako..” pagrereklamo ko.

“eh kasi tinatanong kta ano gusto mo! Hindi ka sumagot!!!”



“malay ko bang horror papanoorin natin!!” kahit kelan ang sungit!!!
Medyo nabigla naman ako sa ginawa niya. Bigla niya kasing hinawakan yung kamay ko. medyo nawala yung 

takot ko. Kasi naman po magkahawak kami ng kamay! As in he filled the spaces of my fingers! Hindi na ako 
makaconcentrate sa movie coz  i keep thinking of our hands!
After nung movie nakalimutan na ata niya akong bitawan kasi hawak niya parin ang kamay ko. pumasok 

kami sa isang restaurant at doon na naglunch.  Grabe an takaw naming dalawa. After naman nun lumabas 

kami ng mall at pumunta sa malapit na park. Pumunta kami sa isang ice cream parlor. Ang laki ng inorder 
niyang ice cream!! Pero okay lang. favorite ko to eh.

Naupo kami sa may bench at kumain. Ang tahimik kaya ako na nauna nagsalita.

“ahm..thank you ha.”

Hindi siya nagsalita.

“uy. Sabi ko thank you.”

No answer parin.

“uy!”

Sinilip ko ang mukha niya. Seryoso lang siya.

“galit ka?”

“hi..ACHUUUU!!!”

Napabahing siya ng malakas tapos medyo nadikit yung ilong niya sa ice cream niya. Tangos kasi!  Hindi pala 

siya umiimik kasi pinipigil niya bumahing.

Tumahimik kami saglit at bigla na lang kaming tumawa.

Kumuha naman ako ng tissue at pinunasan ang ilong niya. Hinawakan niya yung kamay ko at nilayo. 
Nagkatinginan kaming dalawa. Halla! waahh..awkward. nafifeel kong namumula ako. An lapit pala ng mukha 

namin.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko nung nagsmile siya.

“ang cute mo pala talaga.”

Ay anak ng hipon! Yun yun eh!!! Yun talaga!!!

After ng date na yun medyo nawala na yung sungit niya. Kahit papaano naging mabait na siya sa akin.

End of Flashback

“haay. Sarah, napahaba kwentuhan natin haha. Lika na. kain na para makaalis ka na.”

“cute naman ng story niyo mommy hehe.”

Lumabas na kami ng room at kumain. Then hinatid ko siya kung saan sila magdedate. Cute naman yung guy. 
Haha..bahala na..good luck sa kanila.

Nung gabi. Mga 9pm na umuwi si Juno. Sakto namang nakaupo ako sa may sala at nagbabasa ng magazine.

“Sarah go to your room!!!!!”

Nagulat ako nang makita ko si Sarah na umiiyak at tumatakbo papasok sa kwarto niya. Si Juno naman 
biglang pumunta sa may harap ko. sinampal niya ako.
“YSSA!!! PUNYETA! MAG-USAP NGA TAYO!!!”


Chapter 15 

“Anak ko Lang Sila”



Si Sarah:

Tinuro ko kay mommy yung nanliligaw sa akin na si Josh. Agad namman siyang umals at naggoodluck pa si
mommy talaga!


“ahmm..let’s go?” tanong sa akin ni Josh. Halata na kinakabahan kaming dalawa. First time kasi naming
lumabas na kaming dalawa lang. usually kasi kasama namin ang barkada.


“okay.”



Naglakad na kami pumunta muna kami sa arcade at naglaro ang saya hehe. After magarcade pumunta kami ng burger king. Kumain, nakakahiya nga kasi sabi ko hati kami sa bayad eh ayaw niya!  Kaya hinayaan ko
na lang siya. After maglunch nanood naman kami ng movie. After ng movies bumalik kami sa may timezone
at nagvideoke haha grabe! Ang kulit kulit niyang kumanta. Sobrang nag-enjoy kami ni Josh kaya hindi namin
namalayan ang oras 7pm na pala. kaya naman umalis na kami doon at pumunta samay restaurant sa labas ng
mall. After kumain naglakad lakad pa kami.

3 years nang nanliligaw sa akin si Josh and I know naman na mahal niya talaga ako. Madaming beses niya
nang napatunayan yun. So tonight sasagutin ko na talaga siya.

“ahmm..Sarah. thank you  ha.”

“huh? Saan?”

“for going out with me. Sa chance na to”’

“wala yun. Hmm..tsaka like naman kita eh.”

Napasmile siya at napakamot ng ulo.

“talaga? Hehe”

“yup..ahm..Josh anong date ngayon?”


“ahm..april 20”

“oh tatandaan mo yang numero na yan ha.”

Naguguluhan ata siya. “huh?”

“kasi yan aang number nating dalawa. Josh, sinasagot na kita.”

Natulala siya.

“huy Josh!”

“YES!!!”

Grabe an lakas ng pagkakasigaw niya!! Napayakap din siya bigla sa akin sa sobrang saya.

“Sarah!?”

Nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin at alam ko kaninong boses yun. Agad akong bumitaw kay
Josh at humarap sa nagsalita.

“daddy?”

Galit na galit ang itsura niya.

“ano mo to?”

“ahm..dad si Josh po.”

“sabi ko. ano mo to!!!!!???”

“ahh..sir ako..”

“hindi kita kinakausap!!! Sarah, ano mo to?”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. natatakot ako kay daddy.

“boyfriend mo to?”

Tumango lang ako. Bigla akong sinampal ni daddy. Napahawak na lang ako sa pisngi ko at umiyak. Tinutro
turo ni daddy si Josh at sinigawa.

“IKAW LALAKE! WAG NA WAG KANG LALAPIT SA ANAK KO!!!”

Hinila na ako ni daddy palayo. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. nasasaktan ako. Mas lalong tumulo
ang mga luha ko habang papalayo na ako kay Josh.

Sumakay kami sa sasakyan ni daddy.

“buti nalang at pinauwi ko na sila. How could you Sarah? I was expecting a lot from you! Tapos ganito?
Uunahin mo yang kalandian mo!??! Sino naman nagsabi sayong puede kang magboyfriend ha??”

“dad..sabi ni mommy..”

“mommy? So yang mommy ang konsitidor NA NAGSABI SAYONG MAKIPAG BOYFRIEND KA!
GANUN BA YUN!?!?”

Ayoko nang sagutin si daddy. Hindi niya rin naman ako pakikinggan. Umiyak na lang ako nang umiyak.
Pagdating sa bahay pumasok agad kami. kakausappin ko sana si mommy pero sumigaw si daddy.

“Sarah go to your room!!!!!”

Kaya naman umakyat agad ako at nagkulong sa kwarto ko.

I hate daddy! Pero mas hate ko si Mommy!!! I hate her!! Kung hindi dahil sa payo niya hindi ako 
masasampal ni daddy!!!

Si Yssa:

“YSSA!!! PUNYETA! MAG-USAP NGA TAYO!!!”

Ano bang problema ni Juno. Ang lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Sobrang sakit ng pisngi ko. pero 
mas nasasaktan ang puso ko sa pagsampal niya.

“Juno anong..”

“Yssa ano bang problema mo?? Paano mo nagagawang hayaan yung anak ko na makipagdate ha? Paano 

kung may mangyari? Paano kung hindi siya makatapos ng pag-aaral may magagwa ka pa ba? Hahayaan 
mong masira ang buhay niya? Ganun ba yun!?!?”

“Juno..hindi naman sa..” hindi niya nanaman ako pinatapos. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at 
inalog ako.


“wag na wag mong pababayaan nang ganyan ang mga anak ko!!! napapagod na nga ako sa trabaho tapos ganito pa? wala ka na ngang ginagawa kundi tumambay sa bahay na to, hindi mo pa magawang alagaan ng 
maayos yung mga bata!!! WALA KANG KWENTA!!!!”

“BAKIT IKAW? MAY KWENTA KA? NI HINDI MO NGA INIINTINDI YUNG ANAK NATIN! 
SHE’S SMART AT ALAM KONG ALAM NIYA ANG GINAGAWA NIYA!! YOU HAVE TO TRUST 
 HER! KUNG GUSTO NIYANG MAINLOVE EDI OKAY. ANONG MASAMA DUN? MALAKI NA 
SI SARAH!! Oo siguro nga wala akong ginagawa dito pero sinusubukan kong maging mgaling na asawa at 
ina!”

“it’s not enough! Yan ang hirap sayo!! Palibahasa bata ka pa! you don’t undertsand!!”


“bakit ikaw may naintindihan ka ba sa mga magpapasaya sa anak natin ha? Wala ka nang ibang ginawa kundi 
dumikit dyan sa secretary mong yan!!”

Sinampal niya nanaman ako.

“so, nagseselos ka kay Morigan kaya mo ginagawa to sa mga bata ganun ba? For how many years ako ang 
nagpalaki sa kanila at ngayon lang ako nagalit ng ganito dahil sa katangahan mo!! And FYI anak KO lang 
sila!!! Kung alam ko lang sana hindi na ako nagpakasal sayo!!!! Sige doon na ako kay Morigan!!”

Tinuro turo pa ako ni Juno. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang. napakasakit ng mga sinabi ni Juno.

Kinuha ni Juno yung susi nng sasakyan niya at umalis.

Naisip ko bigla si Sarah kaya naman inayos ko ang sarili ko at pumunta sa room niya. Inopen ko yung door.

“Sarah? I’m sorry.”

Binato niya lang ako ng unan.

“lumayas ka!!”

Pero lumapit parin ako sa kanya.

“Sarah anak, please mag-usap naman tayo.”

“hindi kita kilala!! Wag mo akong tawaging anak! Hindi kita mommy!! Layas!!! I hate you! Sa buong buhay 
ko ngayon lang ako napagalitan ng ganun ni daddy. Lumayas ka! dapat hindi ako nakinig sayo!! I hate you!!! 
Sana hindi na lang ikaw naging bago kong mommy!!!”

“Sarah..”

Tinulak tulak ako ni Sarah palabas ng room niya.

“lumayas ka dito!! hindi kita kailangan!! Hindi kita kilala!! I hate you!!!”

 Nilock ni Sarah yung door. Wala na akong nagawa kundi ang umalis nga. Nakasalubong ko si Colleen 
habang pababa ako nang hagdan.

“baby.”


“I hate you! Pinaiyak mo si achie!!”

“pero Colleen..”

“galit ako sayo! Nakita ko yung angyari kay achie sa park kanina. Lahat yun kasalanan mo!! Ayoko sayo.”

Tumakbo na siya pataas.

Si Juno nagsisisi na pinakasalan ako. Si Sarah hate ako dahil sa nangyari. Si Colleen sinisisi din ako. 
Hehe..mukhang ayaw na nila sa akin. Doon na daw si Juno kay Morigan ehh..

Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko. mukhang yun na lang ang puedeng mangyari. Yun ang tama at yun ang 
dapat.

Dumaan muna ako sa kwarto namin ni Juno tapos lumabas na rin ako. Nagsuot lang ako ng jacket. 
Nakasalubong ko palabas ng door si achie Yuki at Igo.

“uy Yssa, gabi na aalis ka? tsaka bakit namumula yang pisngi mo?” tanong ni achie.

“ah wala naman.” Sinubukan kong ngumiti para hindi nila mahalata.

“ahmm achie favor naman.”

“sige ano yun? Ikaw pa.”

May inabot akong dalawang envelope kay achie.

“ahmm..pakibigay na lang kay Sarah at Juno. Paginiwan ko kasi sa room baka galawin ng mga maid. 
Salamat.”

Agad na akong tumakbo. Nararamdaman ko nanaman kasi na babagsak na ang mga luha ko. ayokong 
makita nila akong umiiyak oh ano pa man. Ayoko!!

Si Juno:

Ayokong tumambay sa bahay! Hindi lang dahil galit ako pero nagiguilty din ako sa pagsampal ko kina Yssa at Sarah. Nakakainis pero mas nangingibabaw ang galit ngayon kaya gusto ko munang uminom. Pumunta 
ako sa isang bar.

Pagupo ko sa may counter nagulat ako nang makita ko si Morigan na nasa tabi ko.

“uy sir Juno.”

“brandy” sabi ko sa bartender saka ako humarap kay Morigan.

“puede ba wala nang sir. Juno na lang.”

“okay sige. Mukhang badtrip ka ah.”

“oo problema lang sa bahay.”

“si Yssa ba?”

“medyo. Wag na natin pag-usapan please lang.”

“okay.”

Nilagay na nung bartender yung drink ko. with just one shot naubos ko agad so nagorder pa ako. Gusto 
kong malibang kaya naman nakipagkwentuhan na lang ako kay Morigan. Naging topic namin yung mga 
nangyari sa amin noon. Hindi ko na namalayan na an dami dami ko nang nainom. Medyo nahihilo na ako 
pero kaya ko pa.

“bakit nga ba tayo naghiwalay Juno?”

“siguro dahil immature pa tayo.”

“minahal mo ba ako dati?”

“oo naman. Nalungkot ako nung naghiwalay tayo.”

“talaga?”

“oo”

“promise?”

“oo”

Magkalapit na ang mga mukha namin ni Morigan. Ican feel her breath.

“so Juno, kung sakali puede tayong..” sobrang lapit ng labi niya sa labi ko..”magkabalikan?”

I didn’t answer. Tinignan ko lang ang mga labi niya. I want to kiss it so bad.

“you want me?”

Nilagay niya ang kamay niya sa may batok ko and started masaging it.

Nung hindi nagtagal bigla ko na lang siyang hinalikan. Anak ng sibuyas. Lasing na ako!!

Our kiss was going deeper pero biglang pummasok sa isip ko si Yssa. I broke the kiss.


“i’m sorry.”

“no Juno. I’m sorry. Lasing na ako.”

“ako din eeh. Kalimutan na lang natin. Sige una na ako.”

Nagiwan ako ngpera sa counter at pumunta na sa sasakyan. Hindi ko na kaya magdrive kaya naman sa 
sasakyan na lang ako natgulog.

Paggising ko. sobrang sakit ng katawan ko. kasi nga naman natulog ako sa sasakyan. Tapos lasing pa ako 
ansakit din ng ulo ko! pagtingin ko sa relo ko 10am na pala! ay shit! May meeting ako ng 9! Agad akong 
umuwi sa bahay. Naligo at nagbihis tapos dumeretso na ko sa board room. Nagiistart na sila. Buti na lang at 
andito na pala si achie Yuki. Siya muna yung humawak pero nagtakeover na ako pagdating ko. grabe! Ang 
sakit ng ulo ko pero maayos naman yung meeting.

After nung meeting bumalik nanaman ng Japan tong si Achie ano ba yan! Ang gulo niya!! Feeling niya ata ang 
Japan at Philippines parang Ilocos to Batangas lang. Anyway pagopen nung elevator syempre dadaan ako sa 
may table ni Morigan. Ang awkward ng pakiramdam!! Pero nagdiretso lang ako. Haay ang sakit ng ulo ko.

Makakaiglip na sana ako kaso bigla namang nagring yung telepono. Tinatamad ako kaya naman nilagay ko 
na lang sa speaker.

“sir Juno may batang lalake ho dito. nagpupumilit na makausap kayo.”

“sino? Pangalan?”

“Joshua Pasimeo daw po.”

“ano daw kelangan?”

“ayw niya pong sabihin sir. Basta kailangan niya daw po kayong makausap.”

Haay..masyadong masakit ang ulo ko para problemahin pa yan.

“just let him in.”

“yes sir.”

Inend na nung receptionist yung call. After a few minutes kumatok na si Morigan sa room at may pumasok 
din na lalake. ito yung kasama ni Sarah kagabi ah.

“what brings you here?’

“sir, gusto ko pong malaman niyo na mahal ko ang anak niyo.”

“ano ipapakain mo sa kanya? kaya mo na siyang buhayin?”

“sa ngayon sir. The only thing i can give her is my love for her. Hindi ko pa po siya kayang buhayin pero 
kaya ko po siyang mahalin at pasayahin.”

Medyo napapaisip ako sa batang to. He bothered to come to my office just to tell me these?

“bakit ka ba pumunta pa sa office ko to tell me these crap?”


“sir, gusto ko pong ipakita sa inyo na seryoso po ako sa anak niyo.sir payagan niyo na po maging kami ni 
Sarah. Nakikusap po ako sa inyo. Hindi ko po siya sasaktan. Hinding hindi ko po hahadlangan ang 
pag-aaral niya. Gusto ko lang po na matanggap niyo ako.”

“may summer class ka ba or what?”

“wala po sir.”

“then work for me for a week. Kung makayanan mo papayag ako pero kung sumuko ka. never see my 
daughter again.”

“opo sir”

Nagsmile siya at nagsalute pa sa akin. Lokong bata.

“sige na. start tomorrow. Umalis ka na.”

Agad na siyang lumabas. Kakaibang bata. Medyo bilib na ako sa kanya pero tignan natin kung kakayanin 
niya lahat ng ipapagawa ko sa kanya.

Humanda kang bata ka..



Chapter 16 

“Yssa’s Wedding Ring”



Si Josh:

Yes! Sa wakas. Okay na rin  to kesa naman wala akong gawin para sa amin ni Sarah diba? Mahal ko si
Sarah sigurado ako dun. First time ko palang siya nakita noon sa art class namin. Tumibok na talaga ang
puso ko para sa kanya. hindi lang dahil maganda siya pero dahil matalino siya, magaling at mabait. Binigyan
niya ako ng chance na makipagdate sa kanya at sinagot niya na ako after 3 years ng panliligaw ko. ngayon,
gusto kong ipakita sa daddy niya na mahal ko talaga siya.

Naeexcite ako at kinakabahan.  Nasa elevator na ako ngayon at papunta na sa office ng daddy niya. Pagopen nung elevator nakita ko agad yung daddy niya na palabas ng office grabe! Andaming bodyguard na
nakaplibot sa kanya kahit naglalakad siya sa sariling building nila. Nakakatakot siya pero kaya ko to. Buti na
lang at nakita ako ng daddy niya kaya naman huminto siya at sinabing sunod ako sa kanya.

Bumaba kami tapos grabe! Tatlong sasakyan ang nakapark sa harap. Yung dalawa pang mga bodyguards
tapos yung nasa gitna para sa kanya. siya at yung secretary niya alang ang puede doon kaya namansumunod
ako dun sa isa niyang bodyguard at nandoon kami sa panglikod na sasakyan.

Huminto kami sa isang building. Nakalagay sa labas na Liang Records. Wow! Liang?? So sa kanila to noh?
Pumasok kami sa loob. Andaming recording room at kung anu-anong pang music. Basta hindi ko
maintindihan. Pumasok kami sa isang parang concert hall. Nagpapaaudition ata sila tapos siya yung isa sa
mga judge.

Tinawag niya ako before siya maupo dun sa spot niya.

“get me water”

Nagnod ako at agad na akong lumabas para maghanap ng water. Agd naman akong bumalik at inabot sa
kanya pero tinignan niya lang to.

“Wilkins lang ang iniinom ko.”

“ay sorry sir. Papalitan ko po agad.”

Tumakbo ako at bumili ulit. Buti na lang may malapit na 7/11 dito. bumili na ako ng Wilkins na mineral water.

Pagbalik ko sa kanya. hindi niya nanaman kinuha.

“nagbago na isip ko. get me coffee.”
Tumakbo nanaman ako sa 7/11 at bumili ng coffee. French vanilla yung kinuha ko. pagbalik ko.
“White Chocolate Mocha sa starbucks.”
“ay yes sir.”
Binigay ko na lang yung kape sa nadaanan kong pulubi sa kanto tapos naghanap ako ng pinakmalapit na starbucks.  Lang hiya! Mga limang kanto ata nadaanan ko bago ako nakahanp! Pagbalik ko.
Tapos na yung audition. May mga kausap na lang yung daddy niya. Palapit na ako eeh kaso bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Dahilan para masagi niya yung kamay ko at nabitawan ko yung kape. Tumalsik yung kape at nalagyan yung shoes niya.
Halla! bigla akong lumuhod at pinampunas ng sapatos niya yung panyo ko.
“sir sorry po..”
“hey..hey..” iniangat niya yung paa niya. “stop it!”
Agad akong tumayo at yumuko lang. nagpaalam na siya dun sa mga kausap niya at naglakad na palabas ng studio at building. Sumunod lang ako sa kanila.
Medyo pagod na ako. Nung hapon naman may pinuntahan kaming restaurant sa tapat ng mall. Grabe pag-aari niya nanaman to?? Naginspect siya kung okay yung mga trabaho nila.
Bigla niya akong tumawag nung pumasok siya sa kitchen.
“marunong ka magluto?”
“medyo sir.”
“then make me your specialty.”
Lumabas na siya ng kitchen. Ay takte! Anong iluluto ko?? specialty? Ano ba specialty ko?? bahala na!
Tinanong ko dun sa isang chef kung asan yung mga gamit pang luto. Kumuha ako ng bell pepper  at grounded beef. Tapos kumuha ako ng ready made na pesto tapos pasta. Pinakuluan ko yung pasta tapos hiniwa ko yung bell pepper. Hinalo ko yung pasta sa ginisa ko na beef na may halong pesto at nilagyan ng asin at cheese sa taas. Sinerve ko yung food sa daddy ni Sarah.
Sumubo lang siya ng isang beses tapos hindi na ulit ginalaw yun. Hindi ata nasarapan. Dapat pala tinikman ko muna! Tsk!!
“pumunta ka nga saglit sa Liang Records naiwanan ko yung  folder ko. sabihin mo yung kulay blue. Pakibilis lang.”
“ay..opo sir.”
Actually hindi ko alam kung ano ba tong mga ginagawa ko pero wala akong pakialam. Kailangan kong magpagoodshot sa daddy niya. Tumatakbo na ako ngayoon. Kasi bilisan ko daw. Mga sampung kanto ang layo ng Liang Records mula dun sa resto. Pero kinaya ko parin tumakbo ng tumakbo. Nakakaasar at umulan pa bigla! Basang basa na ako!
Pagkadating ko dun. Wala naman daw naiwan na folder kaya naman tumakbo na ulit ako pabalik. Grabe para nang bumabagyo!! Ang lakas ng ulan!!
Takbo ako ng takbo hanggang sa unti unting sumikip ang dibdib ko. napatigil ako. Hindi ko mahabol ang hininga ko. hanggang sa bumagsak na ang katawan ko at hindi ko na alam  ang mga nangyari.
Si Juno:
Actually masarap yung niluto niya. Simple pero masarap pero ayokong ipakita sa kanya yun. Kaya inutusan ko siya kahit hindi naman totoo yung inutos ko.
Napansin ko na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Asan na kaya yun? 10pm na ng gabi pero wala parin yung batang yun. Nagsasara na nga ako ng restaurant oh. Baka umuwi na at sumuko. Naasar siguro nung wala naman talaga akong naiwan na folder.
Pagkasara namin agad na akong umuwi sa bahay. Paguwi ko buti naman at wala si Yssa. Malamang nandun nanaman yun sa kanila at nagtatampo. Siya ang umalis. Matuto siyang bumalik dito.
Pumasok agad ako sa kwarto dahil ayoko makasalubong yung mga bata.
Natulog agad ako paguwi ko. kinabukasan, pumasok ako ng maaga sa office kahit wala naman talaga masyadong trabaho. Hindi ko maiwasan na isipin kung ano na ginagawa ni Yssa kaso mapride ako eh.
Around 9 am, binigay na ni Morigan yung schedule ko for today. Medyo iniiwasan ko din siya dahil nga dun sa nung inuman. Naiilang ako! Agad naman siyang lumabas ng room. Buti na lang!
Inaantay kong dumating yung lalake pero wala naman siya. Baka nga sumuko na. isang araw pa lang. hindi niya na kaya ano naman kaya yun??
Nung lunch time na aalis na sana ako ng office para maglunch pero biglang pumasok sila Colleen at Sarah sa office ko.
Niyakap ako ni Sarah
“Dadddy i’m sorry. Promise hindi na po ako makikipagkita kay Josh. Promise  po. Nakipaghiwalayu na ako sa kanya. i’m so sorry dad.”
Haay..niyakap ko din si Sarah. “it’s okay. Wag ka na umiyak. Okay na baka tuluyan nang mabasa yung polo ni daddy.”
Tumawa si Sarah at humiwalay na sa akin. Pinunasan niya na yung mga luha niya. Hindi ko naman kasi kayang magalit ng husto sa mga anak ko eh.
 Binuhat ko si Colleen nagtatampo din eh.
“daddy may dala kaming lunch. Kami nagprepare niyan,”
“talaga baby?”
“opo.”
“o sige kain na tayo.”
Inayos na ng mga bodyguard ko yung pagkain at kumain na kami. sweet talaga tong mga batanng to. Pero sino kaya tumulong sa kanila magluto? Si Yssa kaya?
“Sarah, sino pala tumulong sa inyo magluto? Mommy niyo ba?”
“no daddy. Si Chef Peter po.”
“ahh..sige.”
“speaking of mommy. Alam mo daddy since that night hindi ko na siya nakita. Gusto ko pa naman magsorry sa kanya kasi masakit yung mga nasabi ko eh.”
“ako din dad.” Singit ni Sarah. “madami akong nasabi na hindi dapat.”
“pare pareho pala tayo. Nu ba yan. Sige puntahan na lang natin siya okay? Free naman si daddy eh.”
“yehey!” sigaw nung dalawa.
After namin kumain, nagkwentuhan muna kami saglit tapos sumakay na kami sa sasakyan at pumunta sa tindahan nila Yssa.
Agad naman tumakbo sila Colleen at Sarah para yakapin yung guama (lola) at guakong (lolo) nila.
“hi mga apo ko..miss na miss kayo ni guama.”
“miss ka din namin guama..”
“oh gusto niyo ng cake?”
“penge ako guakong!”
Itong si Colleen talaga! Basta pagkain haha. Kaya tumataba eh.
Umupo na yung mga bata at kumain ng cake. Lumapit naman ako kina mama at papa para magbless.
“oh Juno, kumusta ka?”
“okay naman ma.”
“eh si Yssa? Okay ba?”
“po?”
Teka bakit nila tinatanong sa akin si Yssa? Ang alam ko andito siya eh. Ayoko silang mag-alala.
“si Yssa. Ii ho se ba? (okay ba siya?)”
“ay. Ho mama. (opo mama)”
Nagkatinginan kami ni Sarah. Mukhang nagets niya rin na may mali. Nawawala si Yssa! Nakipaglaro pa sila mama at papa sa maga bata kaya inabot na kami ng gabi. Buti na lang at hindi hinanap ni Colleen si Yssa kung hindi lagot na.
Pagkauwi namin, dinala ko agad sa room si Colleen nakatulog na kasi. Lumabas naman kami ni Sarah at pumunta samay sala para mag-usap.
“daddy, nawawala si mommy!”
“alam ko. kasalanan ko to eh.”
“saan natin siya hahanapin daddy?”
“actually hindi ko din alam.”
“JUNO!!”
Nagulat ako nang biglang pumasok si achie Yuki at Igo.
“oh achie bakit ba?”
May inabot siya sa amin na envelope. Isa sa akin at isa kay Sarah.
“pinabibigay ni Yssa nung isang araw pa kaso nagpunta kami ng Japan eh.”
Agad inopen ni Sarah yung envelope. May letter sa loob. Binasa ni Sarah yung letter at tumulo agad ang luha niya.
Sarah,
        Mommy mali pala. ahm Yssa, is very very sorry. Gusto ko lang kasi na suportahan ka sa mga desisyon mo.alam kong matalino kang bata at alam mo ang  mga pinapasok mo. Sana magkaayos na kayo ng daddy mo. I’m so sorry for ruining everything. Mapatawad mo sana ako.
Yssa
Inopen ko din yung envelope ko. may letter din sa loob.
Juno,
        Sorry for everything. Siguro nga tama ka. dapat hindi na lang natin itinuloy yung kasal. Napaka immature ko pa kasi. I want you to be happy always. Sana patawarin mo na si Sarah. Ako naman ang may kasalanan ng lahat eeh. I’m really sorry. Alagaan mo sana ng mabuti yung mga anak mo. Lagi mo silang pakikinggan. Tandaan mo rin sana na mahal na mahal kita Juno.
Yssa
“achie bakit ngayon mo lang binigay to?” tumayo ako at may nahulog mula sa envelope.
Pinulot ko yun. It’s Yssa’s wedding ring..

Chapter 17 
“Ricsha”

Kinailangan kong umalis eeh. Lahat sila ayaw na sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan ba dapat pero naglakad lang ako ng naglakad. Naisip kong umuwi sa amin pero siguradong ibabalik lang nila ako kay Juno. Hindi naman puede kina Nina at Sanji. Nakakahiya naman sa parents nila. Bahala na nga!!!
Naglakad lang ako ng naglakad. Tapos umatake nanaman ang katangahan ko kaya naman natapilok ako. Andami pa namang tao. Nakakahiya!!! Ang sakit ng tuhod ko. tapos tumama pa yung tiyan ko dun samay pavement.  tatayo na ako pero may biglang tumulong sa akin.
“sabi ko na nga ba ikaw yan Yssa eh.”
Napatingin ako dun sa lalake. teka sino to?
“hindi mo ba ako naalala? Ako si Sam. Yung barkada ni Juno.pinakilala niya ako noong wedding niyo eh.  Asan pala si Juno? Bakit ka mag-isa?”
“ahmm...wala..sige una na ko..”
Aalis na sana ako kaso ang sakit ng paa ko hindi ako makalakad tapos masakit yung puson ko. sobrang sakit...nanghihina ako!
“halika buhatin na kita. Hahatid na kita kina Juno.”
“wag!”
“huh? Bakit? Baka nagaalala na yun.”
“hinid, ayaw niya na akong makita..”
“mukhang may problema kayo pero saka nayan! Ahm..dumudugo ka!”
“huh?”
“dinudugo ka nga!”
Hindi ko naintindihan pero pagtingin ko samay legs ko punong puno ng dugo!  Hindi ko alam kung anong gagawin ko. bigla na lang akong binuhat ni Sam at dinala sa hospital.
Naramdaman ko na ang panghihina kaya naman nawalan na ako ng malay.
Paggising ko umaga na. nasa hospital room ako at may kung anu-anong nakakabit sa akin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may importanteng nawala sa akin. Para bang may biglang nagkulang sa akin.
Pumasok na si Sam dun sa room ko.
“uy gising ka na pala. ahh..honey gising na si Yssa oh.”
Honey? Pumasok yung babae sa room. Teka kilala ko tong babaeng to!! Siya tlaga to eh. Honey daw? Naguguluhan na ako!!!
“Morigan??”
“hi Yssa.”
“te..teka.. honey? So kayo ni Sam?”
“magasawa kami!” singit ni Sam
“eh akala ko ba..may gusto ka pa kay Juno?”
Tumawa nang malakas yung dalawa.
“huy nangyar i senyo?”
“kasi po ganito yan..nagpustahan kami nila Fed kung gaano ka kamahal ni Juno. Inakit na ni Morigan tong si Juno. When they kissed aba lumayo agad si Juno. Haha..”
“ano??”
“pinagtitripan ka lang namin Yssa okay? Kaibigan ko si Juno. Hayaan mo na yung kiss. Di na importante yun. Wala lang yun. Tsaka may Sam na ako ngayon noh.”
Hindi ko parin talag sila naiintindihan.
“ahmm..Yssa” biglang sumeryoso yung mukha ni Morigan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“bakit?”
“ahm..were you expecting something?”
“wala naman. Bakit?”
“ahh..kasi..actually Yssa, diba dinugo ka.”
“oo pala...may sakit ba ako?”
“ahmm..Yssa tatagan mo sana ang loob mo. Kasi..you were 4 weeks pregnant. And dinugo ka. wla na yung bata.”
Pagkarinig ko nun. Feeling ko nagunaw na ang mundo ko. feeling ko wala na akong karapatan na mabuhay dito sa mundo. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko! naiinis ako dahil an tanga ko! hindi ko man lang naprotektahan ang una ko sanang anak! Naiinis ako..
Hindi ko na napigilang humagulgol. Niyakap naman ako ni Morigan.
“ano sasabihin ko na ba kay Juno?”
“wag muna..ayaw niya na ako. Ayokong bumalik siya sa akin dahil lang dito.”
“pero Yssa..”
“sige na please?”
“okay sige. Ano Yssa kailangan ko na pumasok sa office eh.”
“hmm sige..okay na ako..”
Bumitaw na ako kay Morigan. Di ko akalaing yung kinaiinisan ko pa ang magiging karamay ko ngayon.
“oh Sam ikaaw na bahala ha.” Bilin niya kay Sam
“wag na! tatawagin ko na alng yung dalawang bestfriend ko.”
“sige.okay din yun. Para may kasama kang babae pagnagbanyo ka.”
“hmm.sige..bye Yssa”
Umalis na si Morigan. Tinawagan ko sila Nina at Sanji tapos agad silang pumunta dun. Pinauwi ko na rin si Sam. Mukha siyang pagod. Tsaka nakakahiya naman.
“uy bestie..okay ka lang? bakit ka daw andito?”
Pagkatanong nun ni Sanji agad nanamang tumulo ang mga luha ko. naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Hindi man nila alam kung bakit basta niyakap nila ako. Sobrang hagulgol ko kasi hindi ako makapagsalita.
“uy Yssa tahan na” sabi ni Nina habang hinihimas ang likod ko.
“yu..yung...anak ko..wala na..wala na,,” paputol putol na sabi ko.
“ano Yssa? Di ko gets?” tanong ni Sanji
“nalaglag yung anak ko..”
Napaiyak din yung dalawa sa sinabi ko. iyak kami ng iyak. After ilang minutes kumalma din kami. pero wala parin akong gana. Nakatulala lang ako. Kinakausap nila ako pero hindi ko sila pinapansin.
Wala akong gana kumain. Wala akong gana sa lahat. Nung naggabi natulog lang ako.
Kinabukasan pumunta si Morigan sa hospital nang bandang hapon. Wala naman daw kasi siyang trabaho. Sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko pero wala parin eh. Tulala lang ako palagi. Hindi ko sila kinakausap.
“ahmm..Yssa please kumain ka naman oh. Manghihina ka niyan.”
Hindi ako sumagot. Ayokong kumain. Ayoko!! Ayoko nang mabuhay!!!
Si Juno:
“achie bakit ngayon mo lang binigay to?”
“galing akong Japan nga. Tsaka nakalimutan ko. sorry.”
“hindi ko alam kung asan si Yssa! Kasalanan ko lahat to!”
Tumayo ako at pupunta na sana sa labas pero nakita ko si Sam.
“Sam?”
“ahm..Juno pare. Kailangan mong sumama ngayon.”
“tol, hindi ako puede ngayon may hahanapin ako.”
“pre. Alam ko kung asan si Yssa at kailangan ka niya. Bilisan mo. Sasabihin ko na lang sayo sa daan yung mga nangyari.”
Agad na kaming sumakay sa sasakyan sumama din si Igo. Naiwan na si achie at yung mga bata. Late na kasi.
“Juno..nakita ko kasi si Yssa na nadapa noon sa may daan. Tapos yun tinulungan ko siya. Ayaw niya naman kasing ipaalam sayo kaya ayun. Pero dinugo siya nung gabing yun kaya dinala ko siya sa hospital.”
“dugo? Anong nangyare?”
“ahmm..pare..Yssa  was supposedly 4 weeks pregnant pero kasi. Nalaglag yung bata.”
Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Basta gusto kong makita si Yssa.
“ahmm pare ,may isa pang kaso kanina.”
“anong kaso?”
“simula nung isang araw hindi pa siya kumakain. Ayaw niya. Tapos kanina she tried to overdose herself. Kaya nasa ER nanaman siya ngayon.”
Mas lalo akong nag-alala. Ano bang pinaggagagawa mo Yssa? Pagdating namin sa hospital agad kaming pumunta sa ER. Pero wala na palang tao dun. Nasa room na daw si Yssa.
Pagpasok ko andun si Morigan at yung dalawang bestfriend niya.
Si Yssa, sobrang namumutla siya. Lumapit ako sa kanya. hindi ko maiwasang umiyak. Kung hindi ko sana siya sinaktan ng ganun. Hindi sana nangyari to. Hinawakan ko ang pisngi niya. Natutulog pa siya pero okay na siya. Salamat naman sa diyos. Yssa..ano ba kasing iniisip mo?
Halos hindi ako nakatulog kakabantay kay Yssa. Mga hapon na nung nagising siya. Hawak hawak ko ang kamay niya nang imulat niya ang mga mata niya.
“Yssa..okay ka na? anong nararamdaman mo?”
Tinignan niya ako pero bigla na lang tumulo ang mga luha niya kaya lumapit ako sa kanya at pinunasan ito.
“Yssa, i’m so sorry..im sorry..” hinalikan ko siya sa noo.
“Juno..wala na ang anak na tin...”
Niyakap ko na siya...
“shhh..it’s okay..tama na Yssa..tama na..”
“bakit niyo pa ako binuhay ulit?? Bakit pa?”
“wag kang magsalita ng ganyan. Yssa andito ako. Ang mga bata..”
Lumapit na sa amin si achie Yuki at kinausap si Yssa.
“Yssa, chineck ko na ang mga tests mo, you can still have another baby so please. Tama na..”
Sa sinabing yun ni achie medyo kumalma si Yssa. Lumapit na rin yung mga bata. Pagkakita sa kanila ni Yssa agad niya silang niyakap.
“mommy sorry sa mga nasabi ko..”
“ako din mommy. I’m so sorry.”
“tama na..wag na kayong magsorry. Okay na yun. Ha..”
“ahmm..puede bang mag-usap muna kami ni Yssa?” pakiusap ko sa kanilang lahat.
Sumang ayon naman sila at lumabas ng room.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Yssa.
“ahmm ano..okay na ba pakiramdam mo?”
“hmm..okay na. i’m sorry. Hindi ko lang kinaya yung balitang yun. Nagbreak down ako. Hindi ko man lang kayo naisip nang mga bata.”
“okay lang. basta please Yssa. Wag na wag mo nang uulitin yun. Kasalanan ko to eh. Kung hindi sana ako nagalit ng ganun hindi ka sana umalis. Hindi sana nangyari to.”
“hayaan mo na beb. Gusto ko sana na mabigyan man lang ng pangalan yung bata at ipagdasal siya.”
“okay sige.”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
“anong  ipapangalan natin beb?” tanong ko.
“gusto ko magkahalong pangalan natin.”
“hmmm..Yssasha Mae tapos Ricardo hmm..”
“let’s just call him or her. Ricsha”
“okay. Baby Ricsha.....

Chapter 18 
“RYULYN”

Nung nakalabas na si Yssa sa hospital. Agad kaming pumunta sa simbahan at nagpamisa para kay baby Ricsha. Sayang kasi first baby sana namin ni Yssa yun..
After nang mass naglabasan na lahat ng tao pero itong si Yssa pumunta samay harap ng altar at nagdasal. Sinamahan ko siya.
“hmm..Juno.”
“hmm..”
“mahal na mahal kita.”
“mahal na mahal din naman kita Yssa.”
Humarap ako sa kanya.
“oo nga pala Yssa.” May kinuha ako sa bulsa ko tapos kinuha ko yung left hand ni Yssa.
Isinuot ko yung singsing niya sa ring finger niya.
“Yssa, wag na wag mo na ulit tatanggalin to. Kahit kailan. Lagi mo tong isusuot. This is the proof that you belong to me and I belong to you.”
Nilapit ko ang noo ko sa noo ni Yssa.
“I love you..”
Lumabas na kami ng simbahan. Nagaabang silang lahat dun samay pinto.
“ayan na ang bagong kasal!!” pang aasar ni Igo.
“oh honeymoon nanaman ba?” Fed
“haha..mga sira! Tara kain na tayo treat ko!”
“wow si Juno manlilibre? Hahah..tara na” Fed
Pumunta na kaming lahat sa restaurant.
Si Ryu:
Grabe ha! Ngayon na lang ulit ako magkakamoment! Nung book one chapter 10 pa yun! Hahaha..
Dumeretso kaming lahat sa isang restaurant. Napakasaya na nang lahat. Si Yssa at si anya Juno may dalawang anak na. nawala kasi yung pangatlo eh. Si anya Fed at si Jasmin magkakaanak na rin. Si achie Yuki at Igo malabo yan! Ayaw pa magkaanak nang dalawang yan. Wala na nga atang plano eh. Ewan ko pero para bang masyado na akong na out cast sa family na to. Feeling ko gusto ko na rin magkaanak. Pero ang totoo namang kina emo ko ngayon eh si Katelyn. Simula nung bumalik kami galing Japan. Hindi na ako masaya. Ayoko siyang makitang ganun eh.
Gusto ko ring tumanda at magkapamilya tulad nila pero paano ito. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh.
“huy Ryu! Lalim ng iniisip ah..” Fed
“RYU!!” Juno
“ha? Ano yun?”
“kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo ng Calzone?” Fed
“ah..sige. SM light isa lang.”
“okay sige.” Yuki
“oh bakit bigla kang napainom ha?” Fed
“wala naman gusto ko lang..”
Ayoko pang sabihin sa kanila. Hindi pa ito ang tamang oras para damayan nila ako. Ayokong malungkot. Ayoko..kailangan ko munang sarilihin to.
After kumain, nagkayayaan na silang gumala at kung anu-ano pa pero humiwalay muna ako sa kanila. Ganito kasi kami. kahit na iisa lang ang pupuntahan, kanya kanyang dala parin ng sasakyan. Umalis na ako at pumunta muna sa flower shop para bumili ng bulaklak.
Flashback
Actually nauna kami ni Katelyn ng 1 week sa Japan bago pumunta sila anya dun. We were trying to find doctors that could cure her. Doctors that would prolong her life.
When i was 5 years old diba nakwento ko na senyo na iniwan niya ako. That day, they found out that Katelyn has leukemia. Very young, may sakit na siya. Sabi ng mga doctor possible daw na nainherit niya or ewan basta mga ganyan. agad silang pumunta sa US para maipagamot siya kaya naman hindi na siya nakapagpaalam sa akin. 2 years ago, bumalik sa akin si Katelyn at we found out that we have loved each other. Her cancer cells were okay pa back then. Akala nila tuluyan na siyang magaling dahil nga matagal siyang nagpagamot but 5 months ago. Bigla nalang nanghina si Katelyn. Nasa last stage na ang sakit niya.
We went to Japan to find cure but the doctor told us na wala na talagang pagasa. Ayokong mawala siya sa akin. Napaka ikli ng 2 years. Please wag muna.
After nang check up na yun. I decided to spent every single moment with her. We had planned the 3 days for just the two of us pero hindi na pala aabot ng 3 days.    
Pagdating namin galing sa Japan. Agad kaming pumunta sa rest house nila sa Batanes. Una muna kaming pumunta sa simbahan nila.
I walked her down the aisle. I pulled out a pair of rings from my pocket.
“Ryu ano yan?”
“Katelyn, gusto kong makasal tayo. Ngayon na mismo.”
“ha? Wala tayong pari tsaka..”
“sshhh..tayong dalawa na lang..”
Nagsmile lang siya sa akin at kinuha ang singsing ko. kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang singsing sa ring finger ko. tumutulo na ang mga luha niya.
“Ryu, mahal na mahal kita.”
Kinuha ko rin yung isang singsing at isinuot sa kanya.
“Katelyn mahal na mahal kita.”
I kissed her. Simple lang naman ang mga gusto naming sabihin. Yang mga salitang yan lang ang kailangan namin. Sumakay na ulit kami sa sasakyan at dumiretso na sa rest house nila.
Malapit lang sa beach yung rest house nila at medyo tago siya sa bayan kaya naman iilan lang ang tao. Halos wala nga eh.
After namin magayos ng gamit pumunta kami sa beach at naglakad lakad. Hindi naman kami makapag swimming dahil sa condition niya. Pinanood namin ang paglubog ng araw. It was sweet. Really sweet. Nung kinagabihan, nagpaprepare ako ng dinner sa may beach.
Super nasurprise siya at natuwa dun. After kumain kinantahan ko siya ng  Forever  Cover by Boyce Avenue. Nung medyo palast na may banda na na tumugtog para sa amin at niyaya ko naman siyang sumayaw habang yun parin ang background music namin..
It’s like I waited my whole life for this one night..
Hindi ko inakalang dadating ang araw na magkakasama tayo Katelyn...
It’s gonna be me, you and the dance floor..
Tonight feels so magical..as we sway with the music and as i hold your hand..sana tumigil na lang ang oras..
Coz we only got one night
i’m too afraid that everytime you sleep hindi ka na gigising..natatakot ako Katelyn..
Double your pleasure
So please for tonight..I want you to be happy..
And double your fun
I want you to feel how much i love you..
And dance forever ever ever
If only i could dance you forever gagawin ko..
Dance forever ever ever
If only i could hold your hand forever, i’ll never let go..
Dance forever ever ever
if only i could give you my body..gagawin ko..
Forever on the dance floor..
Gusto ko lang mabuhay ka pa ng matagal at sumaya..
Natapos na ang kanta..magkadikit ang mga noo namin....hinalikan ko siya..
“I love you Katelyn..”
“I love y...”
Right then and there bigla siyang nagcollapse. Nawalan siya ng malay...
End of Flashback
Sunflower ang paboritong bulaklak ni Katelyn kaya yun ang binili ko. pagdating ko doon. Agad niya akong sinalubong inilagay ko yung bulaklak malapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya..
“ano Katelyn. Kumusta ka na?”
Para akong tanga! Yes, that night when she collapsed. She never woke up again. Ginawa na ang lahat but she’s gone. 3 days palang ang nakakalipas since nailibing siya. Ayaw kasi ni Katelyn magpaburol ng matagal eh kaya ito na siya ngayon. Oo nakaupo ako sa may harap ng puntod niya.
“kumusta na ang mahal ko? masaya ka ba jan?”
Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. ayoko nang umiyak pero tuwing naiisip kong hindi ko na siya makikita pang muli, mayayakap at makikitang ngumiti hindi ko nanaman kayang pigilin ang sarili ko. masyadong masakit. Nasasaktan ako. Bakit kailangang si Katelyn pa? bakit siya pa? bakit ang babaeng pinakamamahal ko pa ang kinuha niyo??
“wag ka magalala. Tutuparin ko ang promise ko sayo. Gagraduate na talaga ako sa high school. Magtatapos din ako sa course na gusto ko. gagawin ko ang lahat para sumaya muli ako..”
nung araw ng libing niya may inabot sa akin na sulat yung mama ni Katelyn. Sa tuwing binabasa ko yun. Halatang umiiyak siya habang sinusulat niya yun. May mga marka kasi ng basa yung papel. Nasasaktan ako!
“mahal na mahal kita Katelyn..mahal na mahal..sorry kung umiiyak nanaman ako. Promise ihihinto ko rin ito. Just give me more time. Pero yung last na gusto mo ewan ko lang kung matupad ko..”
Ayokong umalis, pero kailangan ko nang umuwi. Kailangan ko pang ayusin ang saril ko bago ako umuwi ng bahay ehh..
“babye muna mahal ko ah. I love you..”
Sulat ni Katelyn:
Alexander Randolf Yuri Liang!
Kahit kailan nakakainis ka! nakakainis dahil pinasaya mo ako ng husto. Minahal mo ako ng husto. Alam mo na ngang may sakit ako minahal mo parin ako. Tanga ka talaga! Natatakot akong iwan ka. natatakot akong mawala ka sa akin. Pero wala naman na tayong choice eh. Sana pala hindi na lang ako bumalik para hindi kita nasaktan ng ganito. Akala ko kasi magaling na ako eh. Mahal kita Ryu! Basta salamat sa lahat aah. Pinasaya mo ng husto si Sunshine Katelyn Saavadre Liang. Hehe para kasi sa akin asawa na kita eh. Siguro ngayon wala na ako. Binilin ko kasi na ibigay lang sayo to pagwala na ako. Nakakahiya kasi! Naihihiya ako kaya sa sulat ko na lang idinaan ang lahat.
Ryu,mahal na mahal kita. Salamat sa lahat lahat. Ikaw ang nag-iisang lalakeng minahal ko, minamahal at mamahalin ko. simula pa nung mga bata tayo mahal na kita. Diba kinasal na nga tayo at the age of 5? Hehe..i love you so much mahal ko. mahal na mahal kita..
Pero Ryu may hihingiin akong kapalit sa pagmamahal ko sayo. Wala nang libre noh! You have to promise me na mag-aaral ka na ng mabuti. Maggagraduate ka na ng high school at college ha! Tapos magiging successful ka. magiging masaya ka kahit wala na ako. Wag na wag ka nang iiyak. Gusto ko lagi kang nakangiti. Ito na ang last. Promise me na susubukan mo ulit magmahal ng iba. Ayokong mag-isa ka. Promise yan ha...
Ang cute noh pagpinagsama ang names natin? RyuLyn hehe natutuwa lang ako..anyways. ingat lagi..be healthy!
I love you so much Ryu..kahit wala na ako..patuloy kitang mamahalin..
Love, Katelyn

Chapter 19 
“fiance ko!”

Si Juno:
Katatapos lang ng meeting ko. pabalik na kami ni Morigan sa office ko.
“ahm sir Juno ito na po yung pinahanap niyong mga tao.” May inabot dalawang folder sa akin si Morigan. Kinuha ko yun.
Papasok na dapat ako sa office ko pero may naalala ako bigla.
“Morgs, thank you pala.”
“sir trabaho ko yan.”
“no, not this. Yung kay Yssa. Thank you.”
“halla! sinabi na sayo ni Sam?”
“yup! Alam kong asawa mo siya at alam ko din na pinagpustahan niyo ako. Saka na ako babawi senyo. Lagot talaga kayo!”
Pumasok na ako sa office at umupo sa upuan ko. i opened one of the folders. Ito yung profile nung Joshua. Yung manliligaw ni Sarah. Nakita ko sa kanya ang pagkapursigido niya pero bigla siyang nawala. I wanted to find out what happened to him. Kahit papaano hindi nsiya nagreklamo sa mga pinagawa ko. i can also see that Sarah likes him.
Naalala ko tuloy nung nililigawan ko pa si Yssa. It was hard for me to tell her na may mga anak na ako and how old I was but kailangan kong sabihin sa kanya. so i did. Nung una medyo napaisip siya at nilayuan ako. After 2 days she texted me; “Your age, your children would never change who you are, just let me know the real you. I don’t care what others might think and say. All i know is, I want to be with you. I want to know every detail about you and accept them all. I’ll love every bit of you.”
Hanggang ngayon, nakatatak parin sa isip ko yang text niyang yan. Hindi ko nga binubura sa cellphone ko. yan kasi yung nagpawala ng sungit ko kay Yssa. Nagsimula akong maging kumportable sa kanya at naipapakita ko na kung sino talaga ako. Anak ng tokwwa! Emo nanaman! Haha..
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko dun sa folder. Kaya naman pala hindi siya nakabalik sa akin that day ay dahil nawalan siya ng malay at tinakbo sa hospital. Pawisan at nabasa ng ulan tapos pagod pa. over fatigue ata. Kasalanan ko to. Tsk! Pasalamat tong batang to mabait ako. Mabait si Juno. Mabait!
Ioopen ko na sana yung laptop ko pero biglang nagring ang cellphone ko. si Yuki tumatawag..
Juno: hello..ach....ano!? anong nangyare???...punta na ako dyan!
Si Yssa:
Hindi ko parin maalis sa isip ko yung anak sana namin ni Juno. Lagi kong iniisip kung ano sana ang itsura niya. Pero sabi naman nila acie we could always try again pero next time magiingat na talaga ako. Okay na kami ng mga bata. Ito nga ipinagluluto ko sila ng lunch tapos gumawa din ako ng cake. Nung matapos na ako. Naghain na ako. Medyo madami akong niluto. Andito kasi sila sa bahay eeh. Si anya Fed at Jasmin. Si achie Yuki at Ryu. Si Igo, may inaayos daw kaya wala dito.
Tinawag ko na yung mga bata at nagpunta na kami sa may pool para kumain. Sarap kasi ng weather ngayon kaya dito kaming lahat.
“wow Yssa, sarap ng niluto mo ah.” Waah..namumula ako sa sinabi ni anya!
“oo nga mommy. Sarap nito!” Colleen
“lahat naman masarap sa yo Colleen eh!” Yuki
Nagtawanan kaming lahat.
“oh Ryu, hindi mo ba nagustuhan? Ahm..may cake dito. baka gusto mo. Teka ikukuha kita.”
Hindi kasi masyadong ginalaw ni Ryu yung food niya. Kumuha ako ng cake. Nilapag ko yung isang slice sa table niya. Tinitigan niya lang yun.
“ahm...ayaw mo ba? Kung gusto m...”
“BAKIT KA BA NAKEKEALAM?? ANG KULIT MO!”
“ah..sorry...kasi..”
“TUMAHIMIK KA NA NGA!!!!”
“hoy hoy! Wag kang ganyan magsalita kay Yssa ha! Andito din yung mga bata.” Fed
Tumayo si Ryu at hinagis sa sahig yung binigay kong cake. Napatulala ako sa ginawa niya.
“KUNG AYAW KO! WAG NIYA NANG IPILIT!!!”
Naglakad na siya paalyo pero bigla siyang hinabol ni anya Fed at hinarap sa kanya. tinuro turo siya ni anya.
“bastos ka ah! Kelan ka pa natutong maging ganyan ha?? Ganyan ka ba kay Katelyn ha?”
Nagiba ang timpla ng mukha ni Ryu pagkarinig ng pangalan na yun. Bigla niyang sinuntok si Fed. Malakas yung suntok dahil napatumba si anya pero agad siyang tumayo at sinuntok din si Ryu. Nagsilapitan na yung mga bodyguard nila pero dahil amo nila itong mga to wala silang magawa.
Lumapit na si achie sa kanila pero wala rin siyang nagawa. Natulak lang siya. Inilabas niya yung cellphone niya at tinawagan si Juno.
May dumating na sasakyan sa bahay. Agad bumaba dun sila mommy at daddy. Agad tumakbo si daddy papalapit kina anya at inawat sila. Napaghiwalay niya yung dalawa at inutusan yung mga bodyguard nila na hawakan silang pareho.
“ano bang nangyayyari dito!!??!” galit na sigaw ni daddy. Lumapit na rin si mommy sa kanila.
“bakit ba kayo nag-aaway? Hindi ko kayo pinalaki para magrambulan dito. paano kung hindi kami dumating ng daddy niyo? Baka mapatay niyo na ang isa’t isa.” Mommy
“YAN! YANG  MAGALING NIYONG PANGANAY PAGSABIHAN NIYO!! KAHIT KELAN WAG NA WAG MONG IDADAMAY SI KATELYN!!! BAKIT DINAMAY KO BA SI JASMIN?? IKAW NGA TONG BASTOS! MUNTIK MONG ITAKWIL SA RILI MONG ANAK!!” nagwawala pa rin si Ryu. Gusto niya pang sugurin si anya na nagwawala din at  handang sumugod pero may tigdalawang bodyguard ang umaawat sa kanila.
“SIRAULO KA PALA! ANO BANG KINAGAGALIT MO?? BAKIT? TOTOO NAMAN! BASTOS KA!! HINDI MO SINESERYOSO ANG BUHAY! ILANG TAON KA NA NASA HIGHSCHOOL KA PA!! WALA KANG KWENTA!! HINDI KO NGA  ALAM BAKIT NAKKATAGAL SAYO SI..”
Bago pa matapos si anya biglang nakawala si Ryu at sinuntok si anya. Nakapatong na siya kay anya at patuloy na sumusuntok.
“WALA KANG ALAM!! WALA KANG ALAM!!!” paulit ulit na sigaw ni Ryu habang sinusuntok parin si anya. Pero lumuluha na siya at pahina na ng pahina ang mga suntok niya. Kahit si anya Fed napatulala sa nakikita niya.
Umiiyak na si Ryu.
“wag na wag kang magsasalita tungkol kay Katelyn. Wala kang alam. Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko para sa kanya. para sa amin! Oo! 21 na ako pero nasa high school pa ako! Pero huminto ako para kay Katelyn. Lahat ginawa ko. lahat ng kaya kong ibigay binigay ko..kaya wala kang karapatang sabihin na wala akong kwenta!”
Patuloy sa pag-iyak si Ryu habang tumatayo.
“tama na!”
Napatingin ang lahat sa papadating na si Juno. Tinulungan niyang tumayo si anya tapos lumapit siya kay Ryu at hinawakan to sa balikat.
“bakit hindi mo sabihin ang totoong dahilan bakit ka nagkakaganyan. Tell us.”
Halatang nagulat si Ryu sa sinabi ni Juno. Napatingin siya dito.
“paanong..’
“Ryu, client ko ang doctor niya. He told me everything. Last year ko pa alam. Kaya kita tinutulungan sa negosyo mo. Alam kong kailangan mo.”
Naguguluhan na ang lahat sa pinagsasabi ni Juno. Pero humingang malalim si Ryu at pumikit pero tuloy parin ang pagbagsak ng luha niya.
“Katelyn..si Ketelyn...she..passed away..5 years old pa lang siya when they found out that she has Leukemia. Umalis siya para magpagamot and 2 years ago bumalik siya. Akala namin magaling na talaga siya pero last year hindi nanaman maganda ang lagay niya kaya huminto ako at inalagaan siya. Okay naman siya nun. 5 months ago everything got worst. We found out na malala na talaga. Hindi na siya magagamot pa. 10 days ago. She finally...”
Lahat kami naiyak sa mga sinabi ni Ryu. Napakalungkot ng nangyari kay Ryu. Wala man lang kaming alam sa pinagdadaanan niya. Niyakap ni achie Yuki si Ryu pero lumayo siya at tumakbo na paalis.
“haay...Juno, why didn’t you tell us?” tanong ni mommy.
“i’m not the right person to tell you. Mas mabuti pa sigurong hayaan muna natin siya.”
Bumalik kaming lahat sa table at kumain. Grabe sila! Wala lang yung nangyari kanina. Back to normal agad pero syempre si anya, hindi okay kaya pumasok muna sa kwarto niya kasama si Jasmin.
Kinabukasan, nagkaayos din agad sila anya at Ryu pero malaki ang kapalit ha! Binigyan ni anya ng sports car si Ryu. Ano ba tong mga to!!! Kaya ngayong umaga dahil nga sabado wala silang mga pasok. Maglalaro sila ng paborito nilang game. Ano pa ba edi karerahan!!
Ako, si daddy, Sarah, Colleen, Igo at Jasmin ang audience nila. Habang silang apat na magkakapatd nagreready para sa karera nila. May apat na sports car na nakapark sa may  tapat ng bahay nila. Oo kasya po yung apat na sports car sa lahat ng daanan dito sa bahay nila!!
Eto ang ikinagulat ko! ang taga raise ng flag nila nggayon ay wala nang iba kundi si mommy! Si mommy ang magsisignal ng start ng race. Hanggang ngayon naloloka parin ako sa pamilyang to! Sabi ni Juno dati, nagrerace daw sila pampatanggal ng stress. Wow ha!
Ayun na pumwesto na si mommy kaya naman sumakay na yung apat sa mga sasakyan nila.
Lahat sila naka  Ferarri magkakaiba laang ang kulay. Silver kay anya, Red kay achie, White kay Juno at Black kay Ryu.
Tinaas na ni mommy yung mga kamay niya. Yung isa nakahawak sa flag yung isa nakataas yung 3 fingers tapos isa isa niyang binababa as she counts.
“3, 2,...1” sabay na sinabi ni mommy ang one at pagbaba ng mga kamay niya at flag kaya ayun. Humarurot agad ang sasakyan ng apat! May wide screen na nakalagay sa may stage malapit sa pool lung saan namin pinapanood yung karera nila. Nangunguna si Ryu pero bigla siyang naunahan ni Juno. Grabe nakakaexcite pala to!! Isang curve nalang at pabalik na sila dito sa finish line. Nung dumaan sila sa curve si abya Fed na ang nauna pero nung malapit na malapit na talasi sila. Humarurot na si achie Yuki. She won!
Bumaba silang lahat ng sasakyan at lumapit sa amin. Biglang hinila ni Juno yung kamay ko na may hawak na pizza tapos kumagat sa pizza ko. nu kaya yun??
“okay si Yuki panalo. As always.”pagmamayabang ni Igo.
“haha..oo na. GF mo na magaling!” Juno
“excuse me! Fiance! Fiance ko!”
Napatingin kaming lahat kina Igo at achie Yuki. Nagsmile sila at itinaas ang mga singsing nila.
“we’re getting married.” Pagannounce ni achie.
“Congrats!” sigaw ni Fed.
Nagpalabas ng Champagne si tito at syempre nagcheers kaming lahat. Nung hapon, pumunta kaming lahat sa puntod  ni Katelyn. Hindi pa rin naiwasan ni Ryu na umiyak.
“Katelyn andito silang lahat oh. Kinwento ko na sa kanilang kasal na tayo. Sorry ha kung itinago ko to sa kanila. Ayoko kasing kaawaan nila ako pero mali ako. Kailangan ko pala sila para matulungan akong tuparin lahat ng hiling mo...Sor..”
Nagsimula nang lumakas ang iyak ni Ryu. Agad siyang niyakap nila Juno, anya at achie pero ang niyakap niya ng husto ay si Juno.
“don’t worry bro. andito lang kami para sayo.”

.
Chapter 20 
“After..”

After 4 years...
Si Ryu:
Lumipas ang apat na taon na parang wala lang sa akin. Feeling ko kasi wala na rin namang kwenta na mabuhay pa ako pero syempre tinupad ko lahat ng promise ko kay Katelyn maliban lang sa isa, ang magmahal ng iba.
Graduate na ako ng course na HRM. Ito kasi ang gustong course sana ni Katelyn kaso hindi na siya nakapag-aral dahil nga, alam niyo na. okay naman ang mga negosyo ko. tinuruan din naman kasi ako nila anya at achie.
Fruitful naman ang naging four years nila anya.
Sila mommy at daddy tuwang tuwa sa unang apo nila kay anya Fed. Sa sobrang tuwa nila niregaluhan nila ng yacht yung bata. Wirdo sila!! Kabata pa eh! Well, 3 years old na siya, si Felixto Jimson Rafael or si Baby JR.  Sana lang hindi to maging babaero paglaki. Tapos 7 months pregnant nanaman ngayon si Jasmin yun nga lang magkaiba ang religion nila ni anya kaya nagdesisyon silang wag na magpakasal.
Sila achie Yuki at Igo naman ayan kinasal na sila last year. Natagalan dahil pabago bago ang mga isip.pero at least natuloy diba? Hindi na dean ng school si Igo. May sarili na silang negosyo. Wala na ata silang balak na magkaanak. May edad na daw haha.
Si anya Juno at Yssa naman may isang anak na na lalake. 1 year old palang. Si Joaquin Inyigo Randolf Dominic or si baby Jiro. Pinaghalo ni anya yung pangalan naming tatlo at kay Igo. Pinagtripan lang ng dalawang yan yung pangalan.
Si Sarah college na at lumalovelife pa! pinayagan na kasi  ni Juno na maging sila nung Josh pero with PG parin as in Parental Guidance.
Si Colleen high school na. antakaw kasi ayan medyo chubby tuloy. Inenrol tuloy nila Juno sa madaming activities at sa gym.
Okay na silang lahat ano ending na?? haha..hindi pa. pagpasensyahan niyo na. may kwento pa ang main characters natin.
After 4 years ulit..
Dumating na kasi ang araw na kinakatakutan naming magkakapatid. Ang pagkawala nila angkong at amma. Okay na rin daw dahil pati nga apo nila tuhod nakita na nila. Natatakot kami dahil ito na ang hudyat ng gulo sa pamilya namin. Pinag-aagawan na ang lahat ng kayamanan ni agnkong pero dahil successful naman tong mga kapatid ko, hindi na nakialam sila daddy at mommy. Pero apektado kami dahil nga pati kami ginugulo nila. Gusto nilang kunin ang bahay namin na sinasabi nilang kay angkong daw pero ang totoo sila daddy ang sariling nagpundar dito. nagagwa nga naman ng pera. In the end wala rin silang nagawa. Makapangyarihan ang daddy ko at isa pa napatunayan ni daddy na kanya talaga tong lupa. Dumating din sa point na siniraan na nila ang kkumpanya namin para maangkin din to kaya nagalit na si dad. Nagbanta na siya ng gera kaya nagback out agad yung mga kapatid niya sa panggugulo. Marami kasing connections tong si dad kaya takot sila. Nung natapos yan.
Yung main characters naman ng storyang to ang nagkaproblema. Dumating na din ang araw na pinakakinakatakutan ni anya Juno.
Si Juno:
“huy anya bakit mo ba kami niyaya magstarbucks?  Eh ikaw nga tong tamad pumunta sa ganito?”
“oo nga. Nakain mo bro?”
“Juno, may problema ka ba?”
Niyaya kong magkape tong sila Ryu, Igo at anya Fed.
Humigop muna ako ng kape bago nagsalita.
“6 years old  palang si Jiro tapos college palang si Colleen at si Sarah kakagraduate lang.”
“oh ano naman?”
“hindi mo naiintindihan Igo eh. 28 palang si Yssa.”
“Ano ba gusto mong sabihin anya?”
Humigop ulit sko ng kape.
“ito na yung ayaw kong mangyari eh.”
“ano nga!?!?” naaasar na si anya Fed.
“ang mauna akong mamatay. Paano sila Yssa? Bata pa si Yssa.”
“ano ba pinagsasabi mo bro?”
“lagi kasi akong nakakaramdam ng pananakit ng tiyan...kahapon dinalaw ko si achie Yuki sa hospital niya at pinilit niya akong magpacheck up. Kasi nga sumakit nanaman...”
“diretsuhin mo na anya..”
Again uminom muna ako ng kape..
“please isikreto niyo muna to kay Yssa..wag niyo munang ipaalam sa kanya..”
Nagnod silang tatlo. Nasesense na nilang seryoso ang usapan na to..
"may Hepatocellular Carcinoma ako.."
"ano!?!?" sigaw nung tatlo.
“i have cancer...liver cancer..”



Chapter 21 
“Fireworks”

Si Yssa:
Waahh..ang hirap maging nanay, asawa at businesswoman! Nalolosyang na ako!! Maaga akong gumising ngayon. First day of work ni Sarah kaya ipagluluto ko siya ng masarap na breakfast.
After kong magluto, pinagising ko na ang mga bata para makaligon na sila at makapasok na. bumalik ako sa kwarto. Asawa mode muna, pagpasok ko, kalalabas lang ni Juno sa walk in closet niya. Lumapit ako sa kanya para ayusin yung necktie niya. May kausap kasi sa cellphone eeh.
Nung matapos ko na yung tie niya, tapos na rin siya makipag-usap. Nilagay niya ang mga kamay niya sa ma waist ko at hinila ako palapit sa kanya.
“beb, thank you ha..I love you..”
“ikaw naman beb, wala yunI love you too.”
“oo nga pala baka umalis ako. Baka 1 or 2 weeks akong wala ha..”
“bakit?”
“may aayusin lang ako..”
“ok sige.”
Hahalikan sana ako ni Juno pero biglang nagopen yung door at pumasok si Jiro. Agad kaming naghiwalay ni Juno tapos binuhat niya si Jiro.
“daddy!! Mommy!! Ano ginagawa niyo??”
“wala baby..” saby hinalikan ni Juno yung noo ni Jiro.
“gusto niyo ba kami ni mommy maghatid sa inyo ngayon?”
“yehey!!!”
Oh? Laging nagmamadali si Juno pagumaga. Sinusundo naman namin ng magkasama yung mga bata pero ang ihatid sila? Nakakapanibago pero siguro bumabawi lang siya sa mga bata.
Lumabas na kami ng room at dumeretso sa dining. Andun na sila Colleen at Sarah. Si Colleen nagbabasa mukhang may quiz nanaman to. Si Sarah naman halatang natetense. Syempre first day of work niya.
Umupo na kami nila Juno at Jiro tapos nagdasal at kumain.
“oh Colleen may quiz ka ba?”
“oo dad eh..”
“kaya mo yan. Tama na muna at kumain ka.”
“yes dad.”
“Sarah, ano ready ka na for work?”
“eeh..kinakabahan ako daddy eh.”
“wala yan. Ikaw pa? anak kaya kita!”
“daddy talaga haha..mommy oh..”
“haha..hayaan mo na yang daddy mo.”
“ditchie(second ate na babae) Colleen ihahatid daw tayo ni daddy sa school!” tuwang tuwa na sabi ni Jiro.
“talaga dad?”
“oo, pati na ikaw Sarah. Tapos mommy, ihahatid na rin kita. Saang negosyo ka ba ngayon? Bakeshop, salon & spa o sa restaurant mo?”
“sa Salon ako ngayon.”
“oh basta hahatid kayo ni daddy ngayyon. Teka may kukunin lang ako sa kwarto.”
“sama ako dad!!”
Agad tumayo si Jiro at hinabol ang daddy niya..
Nagkatinginan kami nila Colleen at Sarah. Alam namin na parang kakaiba si Juno. These past few days lagi siyang naglalambing at kung puede nga lang ibigay niya lahat ng atensyon at oras niya sa mga bata ginawa niya na.
Pagbalik ni Juno tapos na kaming lahat kumain kaya naman sumakkay na kami sa sasakyan. Una naming hinatid sila Colleen at Jiro sa school. Tapos si Sarah, 9 am pa yung pasok niya pero hinatid siya ni Juno sa may starbucks kung saan andun ang kanyang Joshua.
Naiwan kami ni Juno sa sasakyan.
“teka Juno, hindi naman ito yung daan papuntang Salon ah..”
“yuo..basta beb..trust me..hindi naman kita ililigaw eh.”
Tumahimik na lang ako at hinayaan si Juno. Wala akong idea kung saan niya ako dadalhin...
Halos 2 hours na kaming nasa daan ni Juno pero tuloy tuloy lang siya sa pagdadrive..
“uy beb..saan  na tayo? Yung mga bata..tsaka..”
“relax ka lang beb. Sila anya Fed na ang bahala. Pinapunta ko na din si Morigan sa mga negosyo mo. Just trust me.”
Tumahimk na lang ulit ako. Sa wakas after 30 mins. pa huminto na din siye pero bago niya ako pinababa ng sasakyan.  Nilagyan niya ako ng blindfold. Binuhat niya ako at ewan ko na kung saan niya ako dinala pero naririnig ko ang dagat. Nung malapit na talaga yung dagat binaba niya ako at tinanggal yung blindfold ko. nakatayo kami sa parang board sa may gilid ng dagat. May mga dolhpins sa harap namin kasama ang mga trainers ata nila. Tumatalon talon sila at parang tumatawa. Sobrang natutuwa ako sa mga nakikita ko. napatakip ako ng bibig..
Inakbayan naman ako ni Juno.
“wanna swim with the dolphins?”
Nagsmile ako sa kanya and the next thine I know ito na kami sa tubig..
lumalangoy kasama ang mga dolphin..super saya nakikpagshake hands pa sila!! Next na ginawa namin ay sumakay ng jet skii. Nakakapit ako sa bewang ni Juno habang mabilis niya tong pinapatakbo. Sa sobrang bilis, nahulog kaming dalawa nung lumiko siya..pagahon ko magkaharap ang mga mukha namin ni Juno. Nagsmile kami sa isa’t isa at dinikit ni Juno ang noo niya sa noo ko..
“I love you Yssa..”
“I love you too Juno..”
Ater nun nagbihis na kami at nanood naman ng mga sea lions. Nagpakitang gilas yung sea lion gamit yung bola.  Buong show nakaakbay llang sa akin si Juno..masaya naming pinanood yung show..
Kumain kami ni Juno sa restaurant doon pero walang tao? Kaming dalawa lang ata ang andun. Siguro dahil 2pm na! kaya wala na masyadong kumakain. Pero basta weird!!
“beb, bakit mo ba ako dinala dito?”
“hindi mo ba nagustuhan?”
“nagustuhan pero nagulat lang ako. Biglaan kasi.”
“I just want my wife to have fun. An tagal na rin nating hindi nagdate. Yung tayong dalawa lang.”
“sabagay.”
Sinerve na yung dessert namin ni Juno. Hindi ko alam kung imagination ko lang yun oh para bang kanina ko pa napapansing natutulala si Juno sa mukha ko. yun bang malagkit niya akong tinitignan tapos agtinignan ko siya bigla siyang iiwas.
Biglang nagoff yung lights dun sa restaurant. Hindi naman ganun kadilim kasi may koonting ilaw na nanggagaling sa may window nila..
Juno held my hand tapos bigla ulit nagon yung ilaw. Punong puno ng mga tela yung buong walls ng resto. May  mga nakadikit doon sa telang yun. Mga papel na iba ibang klase. Iba ibang kulay. Ewan ko pero napatayo ako bigla at lumapit doon.
(magiistart mag play ang I’ll Never Go by Erik Santos.)
Napaluha ako sa mga nabasa ko.
“January 6: nakilala ko ang isang bwisit. Isang bwisit na pinahiya ako by yelling Junolicious out loud!! Honestly, she’s cute.”
“January 15: pumayag si ipis na ligawan ko siya. I actually have mixed feelings. Di ko alam kung masaya ako oh hindi. Again, she’s cute.”
“January 24: our first date. Di ako nakatulog!! Badtrip! Ang aga ko tuloy napunta sa kanila. Nanood kami ng movie na halos ikahimatay niya na sa takot. She eats ice cream like a kid..i kinda like it. Really cute!”
“December 5: I decided to tell her about my daughters and my age. She accepted me as I am. I’m really liking her. I’m happy to have found her. The girl who wants to love every bit of me.”
“March 11: naging kami!! sa sobrang sya ko muntik na akong nakabangga ng aso! Kumakanta kasi ako habang nagdadrive pauwi. Sa wakas! Kami na ni Yssa my love.”
“September 8 (2 years after) kinailangan kong pumunta sa Europe. Ayokong umalis pero kailangan. I love Yssa. I won’t let her go kahit magkalayo kami.”
“December 22: i’m back! I really missed Yssa. Pero masaya ako at magkasama na kami. unang beses ka siyang dinala sa bahay namin..akala niya pa may gagawin ako sa kanya! she thought Hydrite was a Condom haha,,basta kasama ko na siya. Masaya na ako.”
Napasmile ako nung nabasa ko to..nasa tabi ko na pala si Juno.
“April 11, I married the most wondeful girl I’ve ever met. The girl that made me smile everyday. The girl I love the most..the girl..my heart beats for..my Ms. Perfect. Si  Yssasha Mae Cu.”
Patuloy pa rin ako sa pagiyak..
“August 14, dumating ang isang anghel sa buhay namin ni Yssa. Our first baby, si Jiro. Sana nakilala niya ang kuya o ate niya man lang sana na si Ricsha. Sayang. Yan ang laging line ni Yssa. Anyway, mahal namin si Jiro no matter what. Masaya kami sa pagdating niya.”
“Korny siguro pero simula nung nakilala kita, nagsimula din akong isulat lahat ng nangyayare. Para bang diary. Ang bakla noh. Pero hindi ko alam pero gusto  kong naaalala ko lahat ng nangyayari sa atin. From the moment I met you gusto kong may proof ako na totoo nga lahat ng ito. Feeling ko this is all a dream. Baka magising na lang ako bigla at panaginip ka lang pala.”
Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang mga pisngi ko.
“you’re too good to be true Yssa. You made every moment of my life perfect kaya naman natakot ako na baka panaginip lang to. I’m glad it never was.”
Niyakap ko si Juno ng mahigpit. Nararamdaman ko na rin ang mga luha niya na pumapatak sa may ulo ko. pero wala akong pakialam..mahal kita Juno..mahal na mahal...
(music stops here:)
After ng moment namin sa restaurant naglakad pa kami ni Juno. Umikot ikot lang kami sa may dagat tapos nagkwentuhan. Inalala namin lahat ng nangyari sa amin. The time we met until sa mga oras na to. Ang haba ng kwentuhan namin kaya naman inabot na kami ng gabi.
Hinawakan ni Juno ang kamay ko tapos may nilabas siyang remote sa bulsa niya.
“Hanabi or fireworks. “
Pinindot niya yung remote at napuno ng kulay ang langit. There are fireworks everywhere. Ang ganda! Naalall ko tuloy yung unang new year ko with Juno’s family.
Flashback (Mr. Perfect Chapter 5)
Nakaupo na sa isang table sila Ryu, Fed at Yuki. Lumapit sa kanila si Juno at yung kasama niyang babae.
Fed: oh Colleen! Kelan ka pa dumating?
Colleen: last month pa.
Fed: ah, oh sweet niyong dalawa ha, together again? Baka magselos na si.. teka asan si shobe!?
Yuki: huy! Di ba kasama mo anya!
Fed: akala ko kasama mo!
Juno: teka teka. Nwawala si shobe!?
Nagtinginan lang sila Fed, Yuki at Ryu. Dali-daling tumakbo si Juno papunta sa may sports car na nakapark. Sumakay siya at mabilis na umalis. Inikot ni Juno ang mga posibleng puntahan  ni shobe,  pumunta siya sa museum, golf coarse, volleyball court at sa may fountain pero wala pa rin. Pumunta si Juno sa may gate nila at tinanong ang mga guard kung may lumabas pero wala naman ang sagot nila. Nilabas ni Juno ang cp niya at dinial ang no. ni shobe. Walang sumasagot kaya pinaandar niya ulit yung sasakyan. Maya-maya may tumawag kay Juno. Si Ryu, sinabing andun na si shobe. Dali-daling bumalik si Juno, pagkapark niya tumakbo agad siya sa table nila anya Fed at hinila si Yssa palayo sa kanila.
Yssa: Juno ano ba nasasaktan ako!?
Juno: saan ka ba galling ha? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo!
Yssa: nag-ikot lang ako, isa pa alam kong busy ka kanina pa!
Juno: so nagseselos ka? Wala ka ba talgang tiwala sa akin?
Yssa: Juno please nakakahiya sa kanila.
Juno: Yssa! Colleen and I broke up years ago. So puede tama na.
Yssa:  Colleen?
Juno: yung kausap ko kanina.
Yssa: kaya ba Colleen din ang pinangalan mo sa anak mo para hindi mo makalimutsn?
Juno: AYAN KA NANAMAN! Yssa mahhal mo ba ako?
Yssa: hindi mo lang alam Juno kung gaano kita kamahal.
Juno: then why don’t you trust me?
Yssa: jun..(kinut ako)
Juno: Yssa I love you so much! So so much! No woman had ever made me feel this way, not even Colleen. I can give you anything, everything, every single bit of me and all I want in return is just your love.  So please trust me.
Tumulo nanaman ang luha ko, nagiging iyakin ako lately ha. Lumapit sakin ng sobra si Juno tapos biglang may mga fireworks ang ganda! Moment  nga naman. Nagtinginan kami ni Juno and he held my hand. Nagsmile ako sa kanya tapos bigla siyang nagsalita, “they can take away everything from me but never can they take those smile of yours. Happy New Year Beb!”
End of Flashback
When nwe kissed back then, hindi yung fireworks ng paligid ang naririnig ko kundi ang fireworks ng puso namin.
Naramdaman kong humigpit yung  hawak sa akin ni Juno. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin parin siya sa fireworks.
“I hate fireworks! Totoo yun. Masyadong makulay, maingay masyado silang maganda. Nung nakilala kita, saka ko lang nagustuhan to. Masaya palang manood ng fireworks pagkasama mo ang taong nagpapasaya sayo. Naisip ko, ikaw ang fireworks ng buhay ko..”
Ngumiti siya at yumuko..
“ikaw kasi nagbigay ng kulay, ng ganda at yung kakulitan mo?” nagsmile siya “Ginulo mo yung mundo ko eh. Sa sobrang gulo, hindi ko na kayang ayusin. Hindi ko na kayang bumalik sa dati Yssa, hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. korny noh? Magulo din..”
“hindi naman korny eh. Juno, alam mo namag hindi ko kayang wala kka sa buhay ko. hindi ko kayang mawala ka sa akin. Promise me, dito ka lang sa tabi ko. hihintayin pa natin si Jiro na makapag-asawa diba? Tapos si Sa...”
Napatingin bigla si Juno sa akin sa mga sinabi kong iyon. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha niya..bigla niya akong niyakap.
“Juno, okay ka lang?”
“i’m sorry Yssa...mahal na mahal kita..mahal na mahal..”

Chapter 22 
“Magic Mushroom”

“hindi naman korny eh. Juno, alam mo namag hindi ko kayang wala kka sa buhay ko. hindi ko kayang mawala ka sa akin. Promise me, dito ka lang sa tabi ko. hihintayin pa natin si Jiro na makapag-asawa diba? Tapos si Sa...”
Paano ko ba tutuparin to Yssa?  Hindi ko alam kung kaya ko pa..kung kaya ko pang mabuhay ng matagal..
Sinundan ng daliri ko ang ilong ni Yssa..natutulog pa siya sa tabi ko..
Natatakot ako na tuluyan na akong ilayo ng sakit ko sayo. Ikaw at sa mga bata..Yssa, i’m sorry kung hindi ko ata matutupad to. Yssa, i’m so sorry..
Tumayo na ako at pumunta sa labas. Nararamdaman ko nanaman yung mga luha ko. nakakabakla pala ang magkasakit. Lagi ka na lang naiiyak dahil sa sakit at takot na may maiwan ka. hindi ako takot mamatay dati pero ngayon, natatakot akong iwan agad si Yssa. Jiro is just 6. Lalaki siya ng wala ako. si Sarah at si Colleen bata pa sila. Bakit ako pa ang nagkasakit ng ganito? Bakit napakaaga? Bakit ngayon pa? 8 years palang kaming kasal ni Yssa. 8 years..
Lumabas ako sa may garden at tinignan ang buong bahay. May sarili na kaming bahay nila Yssa. Ako ang engineer at architect nito at siniguro kong maganda at maayos ang pagkakagawa nito. Hindi siya sing laki ng bahay namin pero malaki din naman. Mga kalahati siguro ng bahay namin. I did everything to give my family the best life they could ever have. Siguro nga tama sila mommy. Naging OA ako at nagpakasubsob sa trabaho na nakalimutan ko nang ingatan ang sarili ko. nakalimutan ko nang isipin ang sarili ko para sa pamilya ko. hindi ko man lang naisip na mas kailangan nila ang presence ko kesa sa mga binibigay ko sa kanila. nagkamali ako..it’s too late..patawarin mo ako Yssa..
Hindi ko napansin na andun na pala si Yssa. Narealize ko lang nung niyakap niya ako.
“may gumugulo ba sayo Juno? Hindi ka ba makatulog?”
Umakbay ako sa kanya at ngumiti.
“wala naman, naisip ko lang. medyo matagal akong aalis eh. Kung puede dun muna tayo sa bahay para naman may kasama kayo ng mga bata. Tsaka miss nadin naman kayo nila mommy.”
“sabagay. Okay lang sa akin. Sure ako matutuwa ang mga bata.”
Niyakap ko ng mahigpit si Yssa.
“beb, mamaya sunduin kita ha tapos tayo na ang sumundo sa mga bata. Si Sarah, ayaw daw dun sa trabaho niya. Hindi naman na papasok kaya isama mo siya sa shop. Sabi ko tulungan ka na lang niya magnegosyo at tuwang tuwa siya.”
“hehe..sige beb..alam mo naninibago ako sayo..para kang kumain ng magic mushroom.”

Nagsmile lang ako..
“magic mushroom?”
“oo, andun yun sa story book ni Jiro. Yung magic mushroom na yun pagkinain mo magbabago yung tao. Parang ikaw, ngayon bigla kang nagbabago. Mas nabibigyan mo na kami ng oras mo. Sobrang natuwa si Jiro nung hinatid mo siya sa school kahapon.”
“talaga?”
“yup. Dati Mr. Perfect lang kita ngayon. Ikaw na ang Mr. Perfect Husband ko..^___^”
Ang mga ngiting to ni Yssa. Ayokong mawala yan. Kung kaya ko lang ibalik ang oras ginawa ko na.
“ikaw ang Mrs. Perfect Wife then.”
Biglang may sumingit sa gitna namin ni Yssa. Tapos may yumakap pa sa amin. Gising na pala yung mga bata. Sumingit sa gitna si Jiro kaya binuhat ko siya at niyakap naman kami nila Colleen at Sarah. Family hug.
“oo nga pala. Jiro, Sarah at Colleen. May kapattid nanaman kayo.”
“huh? Talaga mommy!?!? Yehey!!” sigaw ni Jiro.
Napatingin lang ako kay Yssa.
“I’m two months pregnant beb..”
Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. Nasasaktan ako. ayoko pang mawala..wag muna..not now..
Sa bahay nila Juno. Nakaupo sa round table samay pool sila Ryu, Yuki at Igo, Fed at Jasmin tapos sila mommy at daddy.
Si Yuki
“honey wag ka nang umiyak..” sabi ni daddy habang hinihimas ang likod ni mommy.
“mommy, wag ka na umiyak. May mga gamot naman..” Fed
“pero kasi si Juno, napakabata pa niya. Napakabata pa ng anak niya. Bakit hindi na lang ako. ako, matanda na ako..honey si Juno..” mommy
“i’ll get the best doctors to cure him. Aanhin pa natin ang yaman natin? Gagawin natin lahat para kay Juno.” Daddy.
“ahmm..si Yssa pala. she’s 2 months pregnant. Baka mas lalong masakit para kay Juno ang lahat ng to.” Singit ko sa kanila.
Napatingin silang lahat sa akin. Mas lalo tuloy umiyak si mommy sa sinabi ko.
“oo nga pala. sabi ni anya. Next week na siya magpapagamot, magpapacheck up at kung anu-ano pa. kaya gusto niya dito muna sila Yssa. Dito na muna kayo  anya Fed. Ako na ang sasama kay anya Juno. Para hindi halata.”
Si Ryu nga pala may sarili ng condo. Sila Fed at Jasmin may sarili nang bahay. Ako at si Igo ang naiwan kasama sila mommy at daddy. Kami kasi ang wala nang balak magkaanak eh.
“okay nga yan. Dahil alam naman ni Yssa na lagi kang wala dito. tsaka para malibang si Yssa at hindi gaanong maisip si Juno. Ikaw na ang maglibang sa kanya Jasmin ha.”
“oo achie ako bahala.”
Lahat kami nagulat sa sakit ni Juno. Lalo na si mommy na kahapon pa walang tigil na umiiyak. Ayaw ipasabi ni Juno kay Yssa at sa mga bata ang lagay niya. Saka na daw. Baka sakaling gumaling pa daw siya. Ayaw niyang mag-alala ang family niya. Haay..Juno..
After a few minutes dumating na si Juno. Agad tumayo si mommy at niyakap siya.
“mommy naman. Para naman akong namatay. Wag ka ngang ganyan. okay ako. please subukan niyong maging normal para sa akin. Wag niyo isipin na may sakit ako..please..”
Halos maiyak kaming lahat sa sinabing yan ni Juno pero pinigil namin.
“masakit no?” tanong ni Ryu.
Tumango lang si Juno at umupo sa tabi niya. Ayaw niyang ipakita kina Yssa na masakit nanaman yung tiyan niya. Kaya ata to pumunta dito. umupo lang dun si Juno at yumuko. Alam naming masakit yun. Hindi ganyan katahimik yang si Juno. Pero hinayaan lang namin siya. Diba nga gusto niya normal lang kami?
“sige pupunta na muna ako kina mama at papa. Sasabihin ko na sa kanila. Kailangan nilang maging handa. Para alam nila kung paano susuportahan si Yssa. Pag..nawala na ako.”
“samahan na kita.”
“wag na anya.”
“alangan nan magdrive ka ng ganyan? lika na.”
Tumayo na yung dalawa at umalis.
Si Fed:
“i heard buntis si Yssa..”
“oo, sa tingin mo mamamana nungg bata yung cancer cells?”
“wag ka ngang praning!”
“hehe, sorry anya ah. Alam ko busy kana tapos ipapasa ko pa sayo yung mga posisyon ko.”
“no Juns. Wag sa akin. Give it to Ryu..”
“ayaw niya..”
“maniwala ka..gusto nun..nahihiya lang yun pero pagikaw na mismo ang nagsabi matutuwa yun. Sa ating magkakapatid kayong dalawa ang pinakaclose.”
“sabagay. Anya, sa tingin mo makipaghiwalay na ako kay Yssa?”
Bigla akong napabreak sa sinabi niya.
“sira ka ba!? Wag mong gagawin yan!! Masasaktan yung tao!”
“she’s just 30. She’s too young. Puede pa siyang maghanap ng iba.”
“matutuwa ka ba pagginawa mo yan?”
Hindi siya nakasagot.
“mahal ka ni Yssa. Sigurado akong mas matutuwa siyang magkasama kayo kahit magulo na ang lahat. Juno, mahal ka niya. Wag mong gagawin yan.”
“tama ka..”
Nagsimula ana ulit akong magdrive. Pagdating namin sa bakery andun sila Yssa at Sarah kaya agd kaming umalis at dumiretso sa bahay nila Yssa. Andun na pala yung parents niya. Pagkapasok namin. Agad nilang niyakap si Juno.
“oh Juno, kumusta? Nasa tindahan sila Yssa ah.”
“oo mama.kayo po talaga ang sadya ko.”
Makikita mo sa mukha ni Juno ang lungkot. Well sino ba ang hindi malulungkot? Napakahirap para kay Juno ang lahat ng ito. Nangyari yung bagay na kinakatakutan niya. Ang magkasakit at iwan ng maaga sila Yssa.
Naupo kami samay sala nila. Binigyan pa kami ng juice.
“mama, papa,” huminga ng malalim si Juno. “ahmm.kasi po ano eh..”
“ano yun Juno? May problema ka ba kay Yssa?”
“ahm papa, hindi naman. Pero apektado siya dito. kasi po.  I have liver cancer. Hindi ko pa po lama gaano kalala. Kung may pag-asa pa o wala na. pero gusto ko sanag iready ang mga tao sa paligid ni Yssa. Para kung sakali. Matutulungan niyo siyang maging malakas.”
Niyakap ng mama ni Yssa si Juno. Yung papa naman ni Yssa napacross arms at yumuko.
Nakakairitang makita ang kapatid mong may mabigat na pinagdadaanan. Internal doctor ako pero matagal na akong tumigil. Ngayon, susubukan kong gumawa ng paraan para kay Juno. Tutulungan ko siya.
Si Yssa:
Mga 4pm na nung pumunta si juno sa bakeshop. Kaso nakauwi na sila Jiro at Colleen. Maaga kasi natapos mga klase nila. Kaya kumain na lang kami sa labas.
“daddy!!! Ang daya!! Hahaha..”
Naglalaro sila Jiro, Colleen at Juno. Ang gulo nitong tatlo ang ingay pa! nakalimutan ata nilang nasa restaurant kami! pero nakikitawa na lang kami ni Sarah sa kanila.
After kumain, pinahatid ni Juno yung mga bata sa bahay. Niyaya niya muna akong maglakad lakad sa park. bigla akong natawa.
“oh bakit?” tanong niya.
“para kasi tayong nagliligawan ulit eh.”
“talaga?”
Niyakap ko si Juno sa may bewang niya.
“namiss kita Juno. Yung Juno na ganito. for the past few years kasi medyo nilayo ka ng trabaho mo sa amin. Pero naintindihan naman namin yun eh. Namiss ka lang talaga namin beb.”
“talaga? Ganun na ba ako nalayo sa inyo?”
“medyo. Bumabawi ka naman na eeh. Anong ipapangalan natin sa magiging anak natin?”
“hmm..” hinawakan niya yung tiyan ko. “ kung sakaling lalake siya, puede bang pangalan ko na lang? magiging junior ko siya.”
“oo naman beb. Ikaw pa..paano pagbabae?”
“hmm..edi pangalan mo..”
“sus..nu kaya yun? Yssasha? As in Isa siya? Haha..wag na..magisip na lang tayo ng iba.”
“oo nga pala beb. Asan na yung mga bestfriend mo?”
“ahh..si Nina nagaartista na ata tapos si Sanji ewan ko dun. Hmm..bakit?”
“bakit di kayo magreunion?”
“oo nga noh? Great idea. Sige tatawagan ko sila mamaya.”
Pagdating namin sa may gitna ng park, may bandang tumutugtog doon sa may stage. Tumutugtog sila ng i’ll Never Go ni Erik Santos
Biglang huminto si Juno sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya. “May i?” tanong niya habang inaalok ang kamay niya sa akin.
Nagsmile ako at kinuha yung kamay niya.
Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at nilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya na para bang yakap ko siya at yakap niya naman ako.
Kumakanta si Juno habang sumasayaw kami..para bang boses niya na lang ang naririnig ko..napakatagal na nung huli akong kinantahan ni Juno.
Mahal na mahal ko si Juno..sana hanggang sa pagtanda ko..kasama ko siya..magkasama kaming tatanda..

Chapter 23 
“shopping”

Si Yssa:
Andito na kami ngayon sa bahay nila Juno. May mga gamit pa naman kami dito kaya naman konti lang ang binitbit namin. Hinatid lang kami ni Juno dito sa bahay tapos umalis na siya nagmamadali nga eh.
Buti na lang at andito sila anya Fed at Jasmin at ang anak nilang si JR. may kalaro tuloy sila Jiro at Colleen. Itong si Colleen ang tanda na, mahilig pa rin makipaglaaro. Hay nako.
Nasa kusina kami ngayon ni sarah. Tutulungan niya daw ako magluto.
“mommy sorry ha.”
“ha? Bakit?”
“kasi, wala akong trabaho.”
“nge? Bakit ka naman nagsosorry. We have more than enough. Madami namang negosyo ang daddy mo tsaka ako. madami na din naman akong naipundar na negosyo.”
“ang totoo ayaw ko naman po kasing magtrabaho. Gusto ko pong magenegosyo. Parang kayo ni daddy.”
“odi maganda. Do what you want. Alam mo naman na susuportahan ka namin kahit anong mangyari.”
“thanks mommy. Oo nga po pala. kakaiba si daddy noh? Nagiging family guy siya ng husto ngayon.”
“oo nga eh. Napansin ko din. I have this feeling na may tinatago siya pero hayaan na natin. Importante masaya ang lahat.”
After magluto kumain na kami. tapos  pumunta kami ni Sarah sa Salon. Tuturuan ko siya sa mga bagay na dapat gawin. Atleast diba may tutulong na sa akin sa pagnenegosyo. Busy kasi si Juno sa opisina kaya medyo ako na rin ang humahawak sa ilang negosyo niya.
Buong week yun ang ginawa namin. Mabilis matuto itong si Sarah. 1 week nang  wala si Juno. Kumusta kaya siya? Nagtetext naman siya pero hindi siya tumatawag. Puro text lang talaga. Baka busy siguro. Papunta ako ngayon sa isang bar kung saan kami magkikita nila Nina at Sanji. Huling kita namin nung binyag pa ni Jiro. Pagpasok ko sa bar. Nakita ko sila agad. Ayan yung usual na batian ng mga ababe. Ang yakapan, beso at tilian.
“uy..bestie!! kumusta ka na?”
“okay naman ako. ikaw Sanj?”
“okay lang. eto. Loveless pa rin. Buti pa tong si Nina.”
“ano nanaman ginawa ko?”
“wala!”
“oh ikaw Yssa. Ano balita sayo?”
“ako? ito, nagosyante parin. And i’m 2 months pregnant!”
Kkkkyyyyyyyaaaaaaa...halla nagsigawan na silang dalawa at niyakap ako.
“Yssa ha, ikaw..baka naman lagi mong pinapagod yung asawa mo.” Sabay siko sa akin ni Sanji
“loko! Hindi noh! Busy si Juno sa trabaho. One week na siyang hindi umuuwi.”
“one week? Halla! work ba talaga? Baka may iba..”
Binatukan ko si Nina.
“baliw! Wala noh! Busy lang talaga. Tsaka andyan siya sa office niya. Hindi lang siya umuuwi dahil madami siyang tinatapos tsaka  hassle sa kanya.”
“kelan pa naging hassle ang paguwi sa bahay? Tsaka hello.  Anjan lang siya sa office niya. Bakit naman siya tatamarin umuwi?”
“diba lagi naman busy yun? Bakit ngayon ayaw umuwi?”
“may point kayo. Pero kasi..”
“alam ko na! kung ayaw niya umuwi.bakit di na lang ikaw ang magdala ng bahay sa kanya.”
Binatukan namin ni Nina si Sanji.
“masakit yun ha!! Ang point ko. bakit hindi kayo ng mga bata ang pumunta sa opisina?”
“oo nga Yssa. Maganda yun. Ipagluto mo si Juno.”
“hmm..oo nga noh. Kaso baka magalit siya. Ayaw nun na ginugulo siya kapag busy. Wag na lang siguro.”
“ikaw bahala..”
“wait punta akong CR.”
Tumayo si Sanji. After a few minutes bumalik siya sa amin na para siyang naging frozen.
“oh bakit Sanj?”
“Ni..na..”
“ano nga?”
“Uy Ryu!”
Nakita ko si Ryu samay likod ni Sanji. Kaya pala! nakita ni Sanji ang crush niyang si Ryu. Hindi niya alam kung lilingunin niya ba..uupo ba siya..in short sobrang nataranta siya.
“relax ka lang puede? Ikaw si Sanji diba?”
Napatingin si Sanji kay Ryu na parang robot. Nagsmile lang sa kanya si Ryu.
“ahh..Yssa, sabay na tayo umuwi. Wala akong sasakyan eh.”
“okay.”
“maiwan ko muna kayo. Bye Sanji.”
Ayun sapul! Tinamaan na sa puso si Sanji. Grabe patay na patay to kay Ryu.
Namiss ko talaga tong dalwang to kaya naman na napasarap tong kwentuhan namin at inabot na kami ng alas dos ng madaling araw. Tulad nga ng sabi ni Ryu, nakisabay siya sa akin umuwi. Ewan ko pero feeling ko pati siya may tinatago sa akin. Ewan praning lang ata ako.
“kelan daw balik ni anya Juno?”
“ha? Hindi siya umalis. Andito lang siya..”
“aah. Ganun ba..”
Hindi na ulit nagsalita si Ryu hanggang sa nakauwi kami sa bahay. Natulog ako agad. Paggising ko medyo late na. pero okay lang Sunday naman eh. Pinagisipan kong mabuti yung sinabi nila Nina pero ayoko kasi. Pero actually pati ako nawiwirdohan na eh.
Paglabas ko andun sila Jasmin at anya Fed samay table tapos si Igo nakasabay ko sa pagpunta dun.
“Uy!! Yssa, musta? Balita ko may kasunod nanaman si Jiro?”
“oo meron..”
“wow congrats ha!”
“kayo ni achie?”
“hmm..wala kaming plano. Okay na ata kami na ganito na lang eh.”
“ahh..ganun. syang naman. Walang magdadala ng pangalan mo.”
“okay lang. masaya na ako kay Yuki.”
Tumawa kaming lahat. Nasa table na kasi kami..
“oo nga pala, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Jasmin
“ahmm..wala naman. Bakit?”
“shopping tayo.”
“ha? Kasi..”
“sige na! antgal mo na ring hindi nakakalabas noh. Sama ka din Sarah..”
“ahm..may date po ako tita eeh. Kami ni Josh.”
“ayyiiee...lumalovelife ka na talaga pamangkin!” sabay apir nila ni anya Fed.
Kahit kelan parang bata tong si anya.
Kinabukasan, ayun may date nga si Sarah at ito kami ngayon sa mall. Grabe shopping to the max! infairness nagenjoy ako. andami naming napamili. Inabot na kami ng gabi sa pagshashopping. Halos mabili na ata namin ang buong mall! Hayst!

Paguwi namin, super pagod na ako kaya naman diretso tulog na. kinabukasan niyaya naman ako ni achie Yuki na mamasyal! Grabe napagod ako. kung saan saan kami nagpunta! Baka nakakalimutan nilang buntis ako! the next day si Jasmin nanaman nagpasama sa Cebu. As in pumunta kami ng Cebu para  lang bumili ng dried mangoes!!! Anak ng tokwa!!
Buong week, wala na akong ginawa kundi lumakwatsa kasama sila! Nakakaloka! Pero parang napapansin kong inilalayo nila ako. feeling ko talaga may tinatago silang lahat. Ewan! Ngayong araw na to, buti naman at naging busy silang lahat! Yung mga bata nasa school tapos si Sarah kasama si Josh.
Mag-isa ako sa bahay! Nakakalungkot! Naisip ko nanamn yung sinabi nila Sanji at Nina. Bakit nga ba hindi ko ipagluto si Juno at isurprise sa office niya?
Tama! Yun nga ang gagawin ko. nagluto na ako at nilagay ito sa lunch box. Dumeretso agad  ako sa office ni Juno.
Pagopen nung elevator, nakita ko agad si Morigan.
“Oh, Yssa..bakit ka andito?”
“ahm..ito” tinaas ko yung dala ko. “ipinagluto ko si Juno. Busy ba siya?”
“huh? Si Juno??” gulat na gulat yung expression ni Morigan.
“oo, bakit? May meeting ba siya? Hihintayin ko na lang”
“ahmm Yssa, kasi. 3 weeks nang hindi pumapasok dito si sir  Juno.”
Paano nangyari yun? Sabi ni Juno busy siya dito. niloloko niya ba ako?
“ahmm Yssa, tungkol kay Juno.” May kinuha siya sa ilalim ng table niya. Papel na crumpled. “nakita ko to sa may basurahan niya. Galing sa isang hospital to. Yssa..si sir Juno..”

Chapter 24 
 “Fatty Liver”

Si Juno:
After kong ihatid sila Yssa sa bahay dumiretso nna ako sa condo ni Ryu. Dito muna ako magiistay. This week na kasi gagawin ang mga test sa akin. Magpapageneral check up ako para malaman ko lahat ng sakit ko. kailangan. Gusto ko pang gumaling.
Pinakiusapan ko ang mga doctor na kung puede dahandahanin ang mga test. Paunti-unti muna. Hindi na baleng matagal basta unti untiin nila.
Lahat sila anya, achie, Igo, Ryu at Jasmin tinutulungan ako. sila ang magpapabusy kay Yssa para hindi ako magawang hanapin. Napakatanga kasi ng rason ko. hindi ako uuwi kahit andito lang ako. sa office lang ako. saka ko lang narealize nung nasabi ko na.
Nabalitaan kong pupunta daw sa isang bar si Yssa. Makikipagkita siya kina Nina at Sanji. Pinakiusapan ko si Ryu na kung puede pumunta kaming dalawa dun pero siya ang makikipag-usap kay Yssa. Kung puede gawan niya ng paraan para makausap ko sila Nina at sanji.
Nasa bar na kami. patago kong tinitignan si Yssa. Kahit kelan hindi ako magsasawa sa kanya. buti na lang at nagpunta sa CR tong si Sanji. Hinarang namin siya ni Ryu. Halla! halatang may na starstruck kay Ryu. Namula at natulala.
“ahmm..Sanji. kung puede sana kakausapin ko kayo ni Nina mamaya. Pero please, itago niyo kay kay Yssa. Isikreto niyo. Please? Mamaya ko na ieexplain.”
“pero Juno..”
“pumayag ka na. promise para kay Yssa to.”
“sige.”
Buti at sumingit si Ryu. Pumayag agad. Grabe magkwentuhan tong tatlong to. Antagal! Madaling araw na hindi pa sila tapos! Nung nakita kong paalis na si Yssa. Agad nang tumayo si Ryu at pumunta sa may coounter. Kunwari magisa siya dun. Sumabay siya pauwi para masigurong umalis na talaga siya.
Lumapit na ako kina Nina at Sanji.
“uhmm..Juno bakit yun? May problema ba?” tanong agad ni Nina
“ahmm..kung puede sana. Lagi niyong kokontakin at makipagkita kayo kay Yssa.”
“bakit anong meron?” Sanji
“may..may sakit kasi ako. gusto ko sanang, nasa tabi ni Yssa lahat ng taong mahalaga sa kanya pagdumating ako sa oras na hindi ko na siya makikita pa.”
Natahimik silang dalawa at nakatingin lang sa akin. Shet! Tumutulo nanaman luha ko.
“i have liver cancer..please..gusto kong andyan kayong lahat para sa kanya pag wala na ako.”
“naiintindihan namin.”
“kami na ang bahala.”
Kinabukasan pumunta nanaman kami ng hospital. For the whole week, ginulo nila si Yssa. Nagshopping sila at kung anu-ano pa. dahil nga wala nang maisip si Jasmin, nagpasama siyang pumunta ng Cebu para sa dried mangoes! Kakaiba!!
This time, pumunta ako sa hospital para malaman ang resulta ng lahat. Normal naman. Okay naman lahat maliban lang sa isa.
Yung last na folder na inopen ko ay yung sa liver ko. lahat ng resulta ko maganda. Pero ito. Kinakabahan ako habang binubuksan ko to. Kaharap ko yung doctor ko. pero sabi ko wag niya munang sasabihin. Babsahin ko muna. Pagtingin ko sa papel, hindi ko na alam kung ano pa irereact ko. nabitawan ko yung papel. Biglang nagmanhid ang buong katawan ko. unang pumasok sa isip ko si Yssa. Ang Yssa ko. paano na sila.
“I’m sorry Juno. Pero kahit operahan kapa namin huli na. kumalat na ng husto ang cancer cells. Kung mas maaga sana natin tong nalaman. Maagapan pa. with your current state..malabo na. it’s too late..i’m sorry Juno..2 or 3 months..yan ang nakikita ko..”
Tumayo ako at kinwelyohan yung dokto.
“sabihin mong mali ang mga test!! Sabihin mong mali to! May pag-asa pa! gagaling pa ako!! puede pa akong operahan! Sabihin mo sa akin!!! Hindi pa puede! Hindi pa puede..”
Inawat naa ako nila anya Fed at Igo..pero nagpupumiglas ako..
“paano ang anak ko!? 2 months?? Paano ko makikita ang anak ko!?!? hindi pa puede!! Mali yan!!!”
Kinaladkad na ako nila Fed palayo sa doktor.
“tama na Juno!” sigaw ni achie na umiiyak na din.
Lalabas na ako ng pinto pero biglang pumasok si Ryu. Lumabas siya kanina.
“nasa labas si Yssa! Kami na ang haharap sa kanya.”
“doc, dito muna si Juno ha. Please?” Yuki
Pumayag naman yung doktor.
“wag ka muna lumabas babe. Kami na lang. halatang umiyak ka.” Igo
“sige.”
Si Igo:
Paglabas namin ng room nagkunwari kaming tatlo na tumatawa at nagkekwentuhan. Tapos napahinto ako ng makita ko si Yssa.
“uy Yssa! Ginagawa mo dito?”
“sabihin niyo nga sa akin. Asan si Juno? At ano to?”
May nilabas na papel si Yssa. Agad naman tong kinuha ni Fed. Patay! Alam niya na kaya?
“binigay sa akin ni Morigan yan! Sabi niya may..sakit daw si Juno!!”
“ahh..haha..ito oh nakalagay dito. fatty liver. Kakakain ni Juno to ng taba at kung anu-ano pang mamantika. Siguro dahil na rin sa alk. Wag ka mag-alal mild lang to.”
Wow galing ng lusot ni Fed.
“fatty liver?”
“oo, yung liver niya nabablutan ng taba. Yun lang yun. OA naman to.”
“eeh bakit kayo nandito?”
“kami?” tanong ko.
Ano nga ba isasagot namin?
“ahh..si anya Fed diba internal doctor to dati? Naisip nanaman maging doctor. Kaya nga niloloko namin kanina eeh. Gusto nanaman magkaclinic dito.”
Wow galing lumusot ng magkapatid nato!!
“pero asan si Juno?”
“andito ako beb!”
Paglingon ko naglalakad na si Juno papalapit sa amin kasama si Yuki. Okay na ang itsura nila. Normal na.
“sabi ni Morigan 3 weeks ka nang hindi pumapasok sa office. Saan ka ba nagpupunta? Tsaka bakit hindi mo sinabing may sakit ka?”
Napatingin sa amin si Juno.
“oo nga Juns, bakit di mo sinabi kay Yssa na may fatty Liver ka?” umakabay sa kanya si Fed
“kasi po ayaw kong mag-alala ka. tsaka beb, sinama ako ni achie sa Japan. Biglaan yun kaya hindi ko na nasabi kay Morgs.”
“hmm..okay beb.hmm.ano gusto mo sunduin natin yung mga bata?”
“sige ba. Paano una na kami ha..”
Umalis na yung dalawa. Napatingin bigla kami kay Yuki dahil sa sinabi niya.
“Juno wants the operation. Kailangan niya daw. He’ll do it, after Yssa’s birthday.”
Si Fed:
Nagingg internal doctor pa ako kung hindi ko rin naman matutulungan ang kapatid ko. lalo na ngayon na kailangan niya ng tulong. Simula ng umuwi kami kahapon, wala na akong ginawa kundi pag-aralan ang sakit ni Juno, hindi man ako makahanap ng cure, atleast I can prolong his life.
Nung kinagabihan, nadatnan ko si Juno na nakatulala nanaman sa swimming pool.
“Juns!” lumingon siya sa akin. Tapos tumitig ulit sa pool.
“Juno, wag mo masyadong isipin yan. Gumagawa ako ng paraan.”
“I never feared death. Walang kaso sa akin yun. What i fear most are the facts na hindi ko na makikita ang anak ko, hindi ko na makakasama sila Sarah at Colleen, Jiro is too young at si Yssa. I don’t know what will happen to me and to her. Kahit sa kabilang buhay baka hanapin ko siya.”
“Juno, andito kaming lahat. Tutulungan namin si Yssa kun sakali. Tutulungan kita. Kahit ma prolong lang. kahit yun lang ang magawa ko. gusto ko makita  mo ang anak mo. Makikita mo siya.”
“nagkamali kasi ako. wala na akong ibang inisip kundi ang magtrabaho, magkapera. Akala ko yun ang kailangan ng pamilya ko. for 8 years. yun lang ang ginawa ko..it’s only now na narealize kong mali ako. may success is nothing now..my family needs me..”
“tama na Juno. We all have mistakes. Maybe this is your biggest one. Mahal ka ni Yssa. Kahit na nagtatampo na yan dahil lagi kang busy, sinusuportahan ka parin niya.”
“nakakinis! An tanga ko. dapat noon ko pa pinatingin to. Sana naagapan. Kaso busy ako eh. Busy akong magpakatanga sa bagay na hindi dapat.”
“Jun..”
Nagsmile si Juno. Isang malungkot na ngiti.
“anya, favor?”
“ano yun.”
“bukas, pakilipat lahat ng pag-aari ko sa pangalan nila Yssa at Sarah. Ikaw na ang bahala. Even my bank accounts. Ilipat mo sa kanila. Malakas ka naman eeh.”
“walang problema..”
“one more thing..” yumuko si Juno at may biglang tumulo sa may sahig. Umiiyak ata siya..
“help Yssa, find another man. A man that’ll look at her the way I do..cherish her the way i do..take care of her and our children.and..” napatigil siya saglit...”love her the way I do..”

Chapter 25 
“Juno’s Breakdown”

Si Morigan:
“Morgs!”
Bati sa akin ni Fed. Teka bakit siya ang andito??
“good morning sir Fed..bakit po?”
Biglang nagbukas yung elevator. Lumabng trabaho as doon si sir Ryu naman. Teka bakit napakaformal niya ngayon??
“oh andito ka na pala Ryu. Ahm sakto. Morigan. Please, pakituro kay Ryu lahat ng trabaho ni Juno. Everything! Dito sa company na to pati na rin sa ibang positions ni Juno. Orient him at ituro sa kanya every single detail.”
“aah..yes sir..ahm sir Fed. I hope you don’t mind. Pero bilang kaibigan, how is Juno?”
“he’s doing well...”
“wag niyo na po itago. Alam ko ang totoo. I know his not okay. Alam kon ang kondisyon niya.”
Huminga ng malalim si sir Fed at nagkatinginan sila ni Ryu.
“well, he is struggling for his life. Yun lang yun.”
“magstart na kayo please? Andito na si Juno mamaya. Act as normal as you can.”
Aalis na sana si Fed pero bigla siyang humarap sa amin.
“by the way. paano mo nalaman?”
“ahmm..kasi po..”
Flashback
“Oh, Yssa..bakit ka andito?”
“ahm..ito” tinaas ko yung dala ko. “ipinagluto ko si Juno. Busy ba siya?”
“huh? Si Juno??” gulat na gulat yung expression ni Morigan.
“oo, bakit? May meeting ba siya? Hihintayin ko na lang”
“ahmm Yssa, kasi. 3 weeks nang hindi pumapasok dito si sir  Juno.”
Paano nangyari yun? Sabi ni Juno busy siya dito. niloloko niya ba ako?
“ahmm Yssa, tungkol kay Juno.” May kinuha siya sa ilalim ng table niya. Papel na crumpled. “nakita ko to sa may basurahan niya. Galing sa isang hospital to. Yssa..si sir Juno..”
“oo alam ko. alam ko kung anong nangyayari sa kanya. alam ko ang pinagdadaanan niya. Hinihintay ko lang na sabihin niya sa akin. I know that he has cancer. Nasasaktan ako, natatakot pero pinipilit kong maging malakas. Ayoko siyang mag-alala. Gusto ko ipakita sa kanya na malakas ako.”
Hindi ko na napigilang umiyak at niyakap naman ako ni Morigan.
End of Flashback
“teka, alam ni Yssa??”
Nagkatinginan silang magkapatid na parang gulat na gulat.
Si Yssa:
Nasa salon ako ngayon. Nagulat ako nang bigla akong tawagin ng manager  ko sa office ko. may naghahanap daw sa akin. Paglabas ko andun sila Nina at Sanji.
“Yssasha!!!! Shopping tayo!”
“eeh? Nina ikaw ba talaga yan??? As in nagyayaya ka mag shopping??”
“may bago yang jowa kaya nagpapaganda!! Pagbigyan mo na Yssa..ngayon lang gagastos yan ooh.”
“haha..tama ka Sanj. Oo sige na..kukunin ko lang yung gamit ko.”
Bumalik ako sa office at kinuha yung bag ko. binilin ko muna sa manager lahat tapos umalis na kami.
“Yssa, bago nanaman tong sasakyan niyo?? Big time talaga asawa mo!”
“loko! Luma na to. Ngayon ko lang ginamit. Tsaka regalo to ng parents niya.”
“aahh..musta naman buhay may asawa?”
“masaya. Si Jiro kasi super lambing. Tsaka ito may anak nanaman kami diba? Kaya masaya.”
Ang totoo hindi masaya. Lalo na’t alam kong may chance na sa tuwing matutulog ako puede akong gumising na wala na ang taong mahal ko.
Nagshopping nga kami buong araw. Grabe nakakapagod! Nung dinner time syempre makapal mukha nitong dalawang to at nagpalibre sa akin kaya dinala ko sila sa karinderya. Hehe joke! Syempre sa restaurant kami.
“Yssa!! Next week punta tayong Baguio!!”
“ha? Ano naman gagawin natin dun Nina? Tsaka may mga anak na ako hello!”
“Yssa..bakasyon lang tayong tatlo..”
“bakit ba pabigla bigla kayo ngayon ha?”
“wala naman.namiss ka lang namin!!”
“oo nga Yssa..”
“mga loko! Kilala ko kayo. Hindi kayo ganyan. may tinatagao kayo noh?”
“hay nako! Oo may tinatagao ako Yssa.”
Napatingin ako bigla kay Nina..hinawakan niya ang kamay ko.
“ahmm..Yssa..sumama ka na sa Baguio next week. Kailangan andun ka.”
“huh? Bakit anong meron?”
Si Juno:
Maagang pumunta sa Salon si Yssa pero dahil masama nanaman pakiramdam ko medyo nagpaiwan muna ako sa bahay. Nauna nang umalis sila anya at Ryu. Nung bumuti ako lumabas ako ng kwarto at nadatnan sila Colleen at Sarah na kumakain kaya naman umupo na rin ako sa tabi nila.
“Ano Sarah how is business?”
“okay naman daddy. Ang galingg niyo pala ni mommy magnegosyo.”
“hmm..that’s great! ikaw Colleen how is school?”
“great daddy! Deans lister parin naman po ako.”
“talaga? High 5!”
Nagapir kaming dalawa.
“ahh,,Sarah. Ikaw ang panganay ko. gusto ko lagi mong tutulungan at aalagaan ang mommy mo ha. Tsaka gusto kong magsorry sa inyong dalawa. Hindi ako naging mabuting ama sa inyo but always remember that daddy loves you. Okay?”
“daddy naman eeh..good fatheer ka sa amin!”
Tumayo si Colleen at niyakap ako.
“ahmm..dad..” mukhang nagaalangan si Sarah na magsalita.
“ano yun?”
“hmm..may, sakit ka ba? Nakita ko ang mga gamot mo. Tsaka dad ito oh, para kang naghahabilin sa amin, daddy. Tell us..please?”
“daddy, do you have..liver cancer?”
Napatingin ako bigla kay Colleen. Paano niya nalaman??
“dad, medicine ang kinukuha ko. dinala ko yung mga gamot mo sa lab namin at pinakita sa teacher namin. He told me what they were.”
Bakla na nga talaga ako. tumutulo nanaman ang luha ko.
“daddy...is soon saying goodbye. Kaya ingatan niyo ang bawat isa. Jiro too young. Gabayan niyo siya. Kailangan niyong maging malakas. Kailangan niyong tulungan ang bawat isa.”
Huminga ako ng malalim at niyakap ako nung dalawa.
“yung bahay pala. plano kong ibenta. Yung pera, ilalagay ko sa account ni Jiro yung kalahati tapos yung..”
“dad! Wag mo na isipin ang pera..we don’t need it. We have enough. Wag mo na isipin yun dad. Ako na ang bahala dun. Just think of yourself kahit ngayon lang..just think of mommy..mahina si mommy sa mga bagay na to. Siya muna ang isipin mo.”
Itong mga anak ko talaga. Niyakap ko sila ng mahigpit. Araw-araw mas lalo akong nasasaktan na iiwanan ko ang mga taong to.
Dumiretso muna ako sa doctor ko. kinulit ko siya about the operation. Wala na siyang magawa. Tinakot ko siyang ipapatanggal ko lisensya niya kapag hindi niya ginawa yun. Hindi na siya umangal.
Papunta na ako sa office nang may nadaanan akong simbahan. Ito yung simbahan kung saan kami kinasal ni Yssa. Pinark ko yung sasakyan at pumasok ako sa loob..
(magiistart magplay ang I’ll Never Go by Erik Santos :D)
Habang naglalakad ako papunta sa altar, naiisip ko yung araw ng kasal namin..she was so beautiful that day..she’s the prettiest bride of all..
I was so exciited habang dahan dahan siyang lumalapit sa akin..I was so happy..finally, makakasama ko na panghabang buhay ang babaeng pinakamamahal ko..
Pagdating ko sa alatar, naisip ko dun nung andun kaming dalawa ni Yssa. Hindi ko man lang namalayan na lumuluha nanaman pala ako.
Flashback..
Nung inabot ni papa ang kamay ko sa groom ko…I suddenly froze!!
“ikaw nang bahala sa anak ko.” sabi ni papa habang inaabot ang kamay ko..
“opo papa” sagot ni Juno.
Tinignan ko ang mga mata ni Juno..it’ watery
“are you okay?” tanong niya sa akin as he hold my hand….
I didn’t answer I just looked at him..
 Tama ba to??? Tama bang magpakasal na kami??? Itutuloy ko ba to???
“Yssa..” sabi ulit ni Juno. May tumulo nang luhaa sa mga mata niya.
This is Ricardo Joeaquin Uno Liang. The man that gave everything to me. The man that made me understand what love is...
“Juno” sabi ko. nafifeel ko na ring tumutulo ang luha ko..
This is my destiny. He is my destiny..
“I love you..” as I say those words..tulo na ng tulo ang mga luha ko.
Nagsmile siya at hinalikan ang kamay ko. naglakad na kami papunta sa altar and the ceremony started.
Juno’s Vows:
“Yssa, i won’t promise anything to you. I won’t expect. I won’t judge. Rather, i would listen to you, i would understand you and i would always love you no matter what happens. Forever is such a long time but with you..forever may never be enough to express how much I love you. Some may call it destiny..some call it fate..but for me..I call it serendipity. I met you like a happy accident. I never expected you but you just came. I never planned to love you but I just did. And these are the most precious accidents I wanna keep. I love you Yssa. I love you. I’ll give you everything till my last breath”
Yssa’s Vows:
“Juno, the most famous man I’ve ever met. You made my world turn upside down. You made my life so complicated but you are the reason why I am happy now.  I can never live eternally but my love for you will last for the rest of my life. You were a present i wasn’t expecting to receive. The most precious present I’ve ever had. I love you Juno. I love you so much that every time I look at you..i see eternity. Today and forever i’ll love you..and cherish you till my last breath.”
We we’re both crying. Ngayon ko lang nakita si Juno na ganito kaiyak. We were both smiling pero tulo ng tulo ang mga luha sa mata namin.
“Ricardo Joeaquin Uno Liang, do you take Yssa as your lovely wedded wife to have and to hold, through good times and bad and till death do you part?” priest
“I do father” Juno
“Yssasha Mae Cu, do you take Juno as your lawfully wedded husband, to have and to hoeld through good times and bad and till death do you part?”
“I do father” Yssa
“now I announce you husband and wife. You may now kiss your bride.”
Dahan dahang kong itinaas ang veil ni Yssa. Umiiyak parin kaming dalawa. I gently kissed her. As soon as our lisp met. Nagtayuan na silang lahat at nagpalakpakan.
“I present to you. Mister and Misis Liang” priest.
End of Flashback...
Bakit ako pa?? bakit ako pa ang binigyan niyo ng ganitong sakit? Bakit ngayon pa? bata pa ang anak ko..hindi ko pa nakikita ang susunod na anak ko..bakit ako pa??
Biglang nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod ako.
“Lord, patagalin niyo pa ako. hindi pa ako handang iwan si Yssa..hindi pa..gusto ko pang makita ang anak namin..nakikiusap ako sa inyo..5 years? o kahit 1 year na lang po..”
Tulo ng tulo ang mga luha ko..hindi ko mapigilan..
“kailangan ko ang pamilya ko..kailangan nila ako..wag niyo muna akong kunin..wag muna..gusto ko magkasama kaming tumanda..magkasamang makikita ang mga apo namin..gusto ko pang mabuhay..gusto ko paang..mabuhay..”


Chapter 26 
“JUNOSSA part 1”

Si Nina:
Papunta kaming Baguio ngayon. Ako, si Sanji, si Yssa at ang boyfriend ko. sabi ko kasi sa kanya ikakasal kami sa Baguio kaya dapat pumunta siya pero ang totoo napagutusan lang kami. kailangan naming dalhin si Yssa sa Baguio dahil may surprise birthday party  si Juno dun.
Naaawa ako kay Yssa kahit alam kong hindi dapat. Mahal siya ng asawa niya at alam kong mahal niya din ang asawa niya. Pero hindi lahat ng bagay sabi nga nila ay laging happy ending. Minsan, may mga bagay na masaya masyado at kailangan nang tapusin. Nakakalungkot na mangyayari ito pero wala naman akong magagawa kundi magpakatatag para kay Yssa.
Nagkatinginan kami ni Sanji sa may mirror signal na para sa plano. Yung boyfriend ko kasi ang nagdadrive kaya nasa harap ako. nasa backseat naman sila Yssa at Sanji.
“Yssa! Try mo tongg juice masarap!”
“ha? Ayoko hindi pa ako nauuhaw tsaka baka maihi ako sa byahe natin.”
“sus! Try mo na Yssa!”
Kinuha ni Sanji yung lalagayan na hawak ko tapos kumuha siya ng baso at nilagyan yun ng juice.
“try mo na Yssa..ako nagtimpla niyan. Diba honey?”
Alam din ng boyfriend ko ang plano.
“oo honey..”
“oo na eto na. ang kulit eeh!”
Ininum niya na yung juice at ayun after  3 minutes, tulog na siya! Oras na para mag-iba ng ruta. Hinito namin yung sasakyan. Ang totoo kasi nasa likod lang namin sila Ryu, Fed at Juno. Convoy kami.
Bumabas si Juno at sinilip si Yssa. Hinawakan niya ang pisngi nito. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
“i’m sorry beb..matulog ka muna ha..”
lumipat kami ng boyfriend ko sa likuran ng sasakyan at hinila si Sanji sa passenger’s seat. Lumipat kasi sa sasakyan namin si Ryu. Siya ang magdadrive. Hindi naman kasi kami pupunta ng Baguio. Doon daw kami sa family rest house nila sa Ilocos.
Si Juno:
Nung huminto na yung sasakyan nila Yssa, alam na namin na okay na. kaya naman bumaba na kami at lumipat sa sasakyan nila. Gusto din nung mga bata na lumipat pero piniglan na namin baka kasi magising nila si Yssa kayaa naman ako na lang at si Ryu ang lumipat.
Katabi ko ngayon si Yssa. Isinandal ko siya sa dibdib ko habang natutulog siya..hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya..kahit natutulog siya..ang ganda niya parin..mahala na mahal kita Yssa..
========
(Ito po ang POV ni Juno nung una niyang makilala si Yssa...:D)
Nafeature kami noon sa ilang mga magazine. Ako, si anya at si Ryu. Tapos may magazine pa na solo ako at nabansagan akong Junolicous! Anak ng kamote! Sino naman kaya nakaisip nun???
Pupunta kami ngayon sa school kung saan Dean si Igo. Pero natunugan nila yung pagpunat namin kaya yung principal ng high school, inimbitahan kaming magtour.
Tinignan namin yung building ng high school tapos nagkukwento yung principal kaya umalis muna ako. boring! Grabe! Lahat ng estudyante nagtitilian sa amin tapos pinapanood bawat galaw namin.
Nung napagod na akong maglakad, pabalik na ako kina anya nang biglang may bumangga sa akin. May mga nalaglag siyang magazine kaya naman tinulungsn ko na.pero syempre may sermon!
“Tumingin ka nga kasi sa dinadaanan mo! Tanga ka ata!” inabot ko sa kannya yung magazine kaso ayun napatitig na sa akin. “huy!” hindi siya sumagot kaya naglakad na ako palayo.
Malapit na ako kina Ryu nang biglang tumambad sa harap ko yung babaeng yun. Tinuro niya ako at tinapat ang magazine sa harap ko.
“Junolicious!”
Peste! Lakas ng sigaw niya at what the F ang sinigaw niya!! Sasapakin ko na to eh..pasalamat siya lumapit sa amin yung principal at sila anya kaya nakaligtas siya.
Inabot na kami ng hapon dahil kay Igo. An daldal eeh! Asar! Umupo muna kami sa may bench at nag-usap nila anya.
“Uy! Si Junolicious oh!”
Sabi ni anya. Pagtingin ko andun yung babaeng yun kaya tumayo ako at hinarang siya.
“Alam  mo bang pinahiya mo ko sa ginawa mong yun!?”
Nakatitig lang siya sa akin. Hinila naman ako ni anya palikod. Bwisit! Pinakilala kami ni anya tapos niyaya rin yung babae na magmiryenda! Shit! Baka naman gusto to ni anya at ilalagay niya sa collection niya. Pero sabagay cute tong babaeng to kaso bwisit!!!
Buong gabi kong kinwento yung babaeng yun kina achie, kay mommy at kay daddy. Pati na rin kay Igo. Bwisit talaga! Sa sobrang inis ko bumili pa ako ng parang diiary at sinulat ko yung pagkabwisit ko sa kanya! Kinabukasan, ginising ako nila anya ng maaga, may lakad daw kami. yun pala niyaya niyang lumabas yuung bwisit na babaeng yun. Eh bakit kasama pa ako?? nanood kami ng sine att kumain.
Juno: bakit ba nandito yang ipis na yan? (sabay turo kay Yssa).
Fed: ano nga pala pangalan mo?
Loko tong mga to kanina pa ko kasama ngayon lang tinanong ang pangalan ko!
Yssa: Yssasha Mae Cu po. Yssa tawag nila sa akin.
Fed: wag ka na mag po sa amin.  Ha Yssa? Friends naman na tayo eh.
Biglang ganun na eh noh.
Juno: bakit nga natin kasama yang ipis na yan!!?!?!?!
Yssa: ipis??? Yssa nga pangalan ko!
Juno: ipis ka! Masarap kang tsinelasin at tapaktapakan! Leche ka!
Yssa: ha? Ano bang ginawa ko sayo napakasimpleng bagay lang naman nun eh!
Juno: sige zombie ka na lang!
Yssa: bakit nanaman
Juno: sarap mong ibaon sa lupa! Naghahanap ka ng utak kasi wala kang utak!
Fed: wow banat na ba yan?
Ryu; sweet ha.
Bwisit tong mga to! Nang-aasar pa!!! bwisit talaga! Buong araw kaming nag-away kahit naihatid na namin siya sa bahay niya. Mainit parin ang ulo ko. buwisit talaga!!
Kinabukasan mas maaga ako ginising nila anya. This time pinalabas niya yung chopper. Sinunso namin yung bwisit at pumunta sa bahay. Aba niyakap ni achie tong babae.
”You must be Juno’s Ipis. Welcome! Ako nga pala si Yuki” shit ano daw?
Naupo na kami sa may table sa garden. Aalis sana ako kaso piinigilan ako ni daddy. Aayoko talaga kasama tong bwisit na to. Inaway ko na lang ng inaway.
Akala ko natapos na dun pero next Friday nagyaya magbar itong sila anya. As expected kasama nanaman si bwisit.,ito pa ang nakakaasar! Pinagtabi kami nila anya! Mga loko to!! Pero sa totoo lang para bang namiss ko tong babaeng to buong week. Gusto ko siyyang makita ganun yung feeling. Gusto ko siya awayin ng awayin. Gumawa pa ako ng facebook account para lang mahanap name niya. Siya  pala si Yssasha Mae Cu. Kakaibang pangalan!!
Pumunta ng banyo si Yssa.
“Ano Juno tye mo noh?”
“problema niyo?”
“sus anya kunwari ka pa jan! umain ka nang tyoe mo siya.”
Hindi ko na sila pinansin at umalis na lang ako.
Nakita ko na si bwisit na papalapit pero biglang may humaqrang sa kanya.
Ex: musta ka na Yssa? Maganda ka pala pagnaayusan.
Yssa: ok naman ako. Ikaw?
Ex: ok na ok ah. May bf ka na?
Biglang may lumapit sa kanya na babae. Nagkiss pa sila sa harap niya.
Ex: Yssa, si Lyka gf ko.
Lyka: ikaw pala si Yssa. Madaming kinwento si Rey tungkol sayo. Kawawa ka naman. Nalulungkot ka siguro dahil single ka na. anyway wag ka nang ilusyonada akin lang si Rey.
Ex: alam ko naman Yssa na nasaktan ka talaga at luluhod ka pa sa harap ko para lang bumalik ako sayo. Pero sorry ha. Hindi kita type..
Yssa: ang..
Loko tong mokong na to kaya lumapit na ako.
“Sino naman nagsabi sa inyo na single siya at babalikan ka niya?”
Napatingin silang lahat sa akin..
Lyka: OMG!  Diba ikaw si Juno Liang? The hottest bachelor in town?
Juno: not only that, ako din ang hottest boyfriend ni Yssa.
Anong sinabi ko??
Rey; imposible ata yun. Si Yssa at ikaw? No way.
Juno: gusto mo ng proof?
Hinila ko si Yssa at hinalikan.
Juno: okay na bang proof yun? Oh gusto mo pa ng invitation sa kasal namin?
Lyka: ok na yun. Nice meeting you Juno.
Umalis na yung dalawa. Bumalik na akmi sa table na tahimik. Ewan ko pero mabilis tibok ng puso ko. nakitulog kami sa bahay nila Yssa at buong gabi ramdam ko parin ang mga labi niya! Shit!
Nung umaga, sabi ko na nga ba alam nanaman nila yung sa bar kagabi! Kaya pinagtitripan nila ako. kunwari hindi nila kilala kung sino yung naghalikan. Mga bwisit kaya after kumain tumambay ako sa may grotto nila.
Naramdaman kong may tao sa likuran ko.
Yssa: ahmm.,JJJJuno, salamat pala kagabi.
Juno: ok.
Bakit ba ako kinakabahan..wala tuloy ako masabi
Yssa: ahmm..
Juno: bakit ka ba ganyan? lagi kitang inaaway pero nginingitian mo pa rin ako kahit buisit na buisit ka na. mas lalo tuloy akong nagiging interesado sa pagkatao mo.
Tumingin ako sa kanya.
Juno: kagabi pa, ayaw mo nang mawala sa isip ko. ewan ko pero gusto kong lagi akong nasa tabi mo. Gusto na ata na kita eh. So tayo na! wag ka na umangal!
Huy Juno pinagsasabi mo?? Anak ka ng tokwa! Tanga!!
Yssa: yabang naman nito! Hindi ka ba marunong manligaw? Anong petsa ngayon? January 15 diba? Simula ngayon manligaw ka naman! Saka mo sabihing tayo na pag sinagot na kita!!!
Narinig naming nagpalakpakan yung mga tao sa likod. Tong mga to talaga!!! Simula nun niligawan ko na siya at unnti-unti nakikilala ko na siya. Kaya nagiging okay na kami. araw araw minamahal ko ang babaeng to..hanggang sa sinagot niya ako March 11..
Ewan ko pero para akong naadik kay Yssa. Ayoko siyang mawala sa akin. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya..yung mga ngiti niya lahat mahal ko sa kanya..

Chapter 27 
“JUNOSSA part 2”

Si Yssa:
Ang  alam ko kanina nasa sasakyan ako kasama sila Nina at Sanji tapos wala na akong maalala. Pagdilat ko ng mga mata ko, andito ako sa isang room. Ewan ko kung asaan nako or what basta paggising ko nakasuot na ako ng red dress??? Teka bakit ako nakadress at stilletos?? Hindi naman ito ang suot ko kanina ah..asan ba yung dalawang yun??
Agad akong lumabas ng room at nagulat ako nang paglabas ko nasa harap ko si anya Fed na naka suit. Yung suit niya pambagets, pang formal pero pam party party at the same time. Nagsmile lang siya sa akin at iniabot ang kamay niya. Magtatanong pa ako pero bigla niya na akong hinila tapos nilagay niya ang kamay ko sa braso niya.
Samay dulo ng hallway andun naman si Igo. Iniabot ni anya yung kamy niya sa akin at inalalayan nanaman ako maglakad. Ano naman kayo to??
After naman niya si Ryu naman. Halla..what is this???
Pumasok kami sa isang parang concert hall kung saan may malaking stage sa gitna pero bakit ang dilim. Inihinto niya ako sa may bandang gitna. Yung sakto lang para makaharap ko ang gitna ng stage. Mga 10 steps away lang ako sa stage.
“Yssa, iwan na kita ha..”
Agad siyang tumakbo palayo. Tumalikod ako..”Ryu..teka..ano..”
Nagulat ako nang biglang mag-on ang spotlight na nakatutok talaga sa gitna ng stage kaya napaharap ako. nagstart din ang tunog ng gitara.
It’s Juno! Nasa stage siya at nagpeplay ng gitara niya...kumakanta din siya ng By Chance (You & I) –JRA habang nagpeplay sa likod niya yung video nung wedding namin..
(pinalitan ko lang po yung 5 years ng 18 kasi yun yung number of years nila Juno hehe)
Hi
Girl, you just caught my eye
thought I should give it a try
and get your name and your number
go grab some lunch and eat some cucumbers
Napakaganda talaga ng boses ni Juno..it has been so long since he sang for me like this...this moment is  too sweet..nararamdaman ko na ang mga luha sa mga mata ko..he is looking at me directly sa mga amata ko..nararamdaman ko tuloy bawat word ng kanta..

WHY, DID I SAY THAT?
I don't know why.
But you're smilin' and it's something' I like
on your face, yeah it suits you
Girl, we connect like we have bluetooth

Ngayon ko lang narealize that time between me and Juno is already running fast..too fast that i’m too afraid I can’t cope up anymore..napakatagal na naming magkasama..ni hindi ko na nga maalala ang buhay na walang Juno..

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
that you would rather add than subtract

Ansarap tignan ng mukha ni Juno..ang mukha ng taong pinakamamahal ko..

You and I
could be like Sonny and Cher
honey and bears
You and I
could be like Aladdin and Jasmine
lets make it happen

For so many years..he made me really happy..he loves me too much na kahit anong mangyari ako lang ang paniniwalaan niya at wala ng iba..He is my Mr. Perfect..my one and only Mr. Perfect..

La La's

Hey
How've you been?
I know that it's been awhile.
Are you tired 'cause you've been on my mind
runnin' thousand and thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style
but you
you look so beautiful on this starry night
loving the way the moonlight catches your eyes and your
smile
I'm captivated
your beauty is timeless never outdated
Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin sila mama at papa tapos sila mommy at daddy. May inabot silang mga maliliit na box at sinabing Happy Birthday..oo nga pala...birthday ko ngayon..

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
and this is all based on a lucky chance
that you would rather add than subtract
Next na lumapit sa akin sila Achie Yuki at Igo, anya Fed at Jasmin at si Ryu.. may mga inabot din sila at sinabing happy birthday..

You and I
could be like Sonny and Cher
Honey and bears
you and i could be like Aladdin and Jasmine lets make
it happen

Lumapit naman sila Nina at Sanji..ganun din ang ginawa nila..may inabot at naggreet..

La La's
Sila Sarah, Colleen at Jiro naman..lumapit sa akin at niyakap ako..”Happy Birthday mommy..we love you..” may inabot sa akin na maliit na box si Jiro..tapos umalis na sila..halos mabitawan ko na yung mga box kaya nilagay ko muna sila sa may sahig..

Pagtingin ko sa stage..nakatayo na si Juno at may hawak siyang malaking bouquet of roses at yung mic naman sa isang kamay..nasa stage na rrin sila Ryu at anya  na nagpeplay na ng gitara..actuallyu lahat sila nakatayo sa stage..papalapit na sa akin si Juno..pababa na siya dun sa stairs sa gitna ng stage habang nakatingin sa mga mata ko..
Babe
It's been 18  years since that special day
when I asked you on our first date
I guess it's safe to say

You and I
are better than Sonny and Cher
Honey and bears
You and I
Are better than Aladdin and Jasmine
We've made it happen
Lumapit siya sa akin at iniabot yung roses..

lalalalalala
Dinikit niya ang noo niya sa noo ko...

Let me say
You look so beautiful on our wedding day
“I love you beb..happy birthday..” sabi niya habang magkadikit parin ang mga noo namin..at hinalikan niya ako..
“open those box” sabi niya sabay turo dun sa mga yun..ngayon ko lang na pansin na may mga numbers yung box..
Kinuha niya yung box 1 at inabot to sa akin..tapos kinuha niya rin muna yung roses..
Inopen ko yung box at may nakasukat sa loob..silver plate siya na may nakaengrave.
Box 1:
 Juno: itlog ka ba?
Yssa: bakit nanaman?
Juno: mukha ka kasing sisiw eh.
Napasmile ako at the same time naiiyak..ito yung mga buisit na pick up lines ni Juno dati.. (Mr. Perfect  Chapter 12)
Para akong tanga na tumatawa habang umiiyak..ganun din si Juno..nakangiti siya pero umiiyak..
Box 2:
Juno: angel ka siguro dati.
Yssa: kasi ba langit ang feeling mo pagkasama mo ako?
Juno: hindi.
Yssa: ano den?
Juno: kamukha mo kasi si cupid.
Yssa: tinamaan ka sa akin? Ganun ba yun?
Juno: kasi nga si cupid baby. Parang ikaw. Ikaw ang baby ko.
Box 3:
Juno: ang ganda mo talaga Yssa.
Yssa: basketball player ka nga talaga.
Juno: hu? Bakit?
Yssa: binobola mo nanaman ako.

Box 4:
Juno: kung hayop ka kabayo ka siguro.
Yssa: mukha ba akong kabayo?
Juno: maganda kang gawing kalesa. Para hindi ka na single.
Box 5:
 Juno: ballpen ka ata
Yssa: bakit nanaman?
Juno: pagnahulog masisira na.
Box 6:
Juno: sige ito seryoso na. sibuyas ka ba?
Yssa: bakit?
Juno: masarap sana lakas lang ng amoy.
Box 7:
Juno: ok sige. Knock knock na lang.
Yssa: ayoko!
Juno: dali na ah. O knock knock
Yssa: who’s there?
Juno: bakit ngayon ka lang?
Yssa: kakanta ka ng kanta ni Ogie??? Naku naman Juno!
Juno: hindi, bakit ngayon ka lang naging akin? Sana noon pa kita nakilala para noon pa ako sumaya. Bakit ngayon ka lang binigay sa akin ng diyos? Bakit kung kailan may anak na ako at matanda na? bakit kaya?
Box 8:
Juno: susi ka ba?
Yssa: bakit?
Juno: binuksan mo kasi yung pinto papunta sa puso ko. Kamag-anak mo siguro si cupid.
Yssa: ha?
Juno: tinamaan mo kasi ng love  arrow ang puso ko. Simula nang makilala kita hanggang ngayon mahal na mahal kita.
Box 9:
Juno: puede bang magdala ka ng supot next time?
Yssa: bakit naman.
Hinawakan niya ang pisngi ko.
Juno: para ako naman ang itake home mo at sasamahan na kita habang buhay.
Yun na yung huling box..pero may kinuha si Juno na box sa may bulsa niya at inabot ito sa akin..mas malaki to kesa sa ibang box..
Hindi ko na napigilang umiyak..habang binabasa ko yung nakasulat sinasabi naman ito ni Juno..
Box 10:
JUNOSSA- Zutto Futaride
“Yssa, i won’t promise anything to you. I won’t expect. I won’t judge. Rather, i would listen to you, i would understand you and i would always love you no matter what happens. Forever is such a long time but with you..forever may never be enough to express how much I love you. Some may call it destiny..some call it fate..but for me..I call it serendipity. I met you like a happy accident. I never expected you but you just came. I never planned to love you but I just did. And these are the most precious accidents I wanna keep. I love you Yssa. I love you. I’ll give you everything till my last breath”
Ito yung vows ni Juno nung kasal namin..halos hindi na ako makapagsalita sa kakaiyak..niyakap niya ako..nararamdaman ko ang mga labi niya sa ulo ko..
Biglang nagplay ang kantang I’ll Never go ni Erik Santos..
Pinunasana ni Juno ang mga luha ko..
“may I have this dance?”
Iniabot niya ang kamay niya sa akin..ngumiti ako at kinuha ito..nagsimula na kaming sumayaw..
Si Juno:
Feeling ko tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo habang sumasayaw kami ni Yssa..masayang masaya ako ngayon pero hindi ko parin matanggal sa isipan ko na baka ito na ang huling sayaw naming dalawa..
You would always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me

Umiiyak parin si Yssa habang sumasayaw kami..nakakatuwa kasi nakangiti parin siya kahit umiiyak siya kaya naman pati ako nahahawa sa kanya,,naiiyak na din ako pero pinipilit kong ngumiti..

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know

Come to me and hold me
And you will see
The love i gave
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know

[Chorus:]
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

biglang huminto si Yssa at bumitiw sa akin..
“Juno..” nakayuko siya..
“alam ko ang totoo..alam ko ang pinagdadaanan mo..”
Mas grumabe ang pagiyak ni Yssa..kahit ako napaiyak na din..hinawakan ko ang mga pisngi niya at iniharap siya sa akin..hinawakan niya ang kamay ko..
“Juno..wag na..it’s okay..haharapin natin to ng magkasama..magiging malakas tayo..mahal na mahal kita Juno..”
Niyakap ko ng mahigpit si Yssa..ayoko na siyang pakawalan..ayoko..kailangan kong gumaling..kailangan kong mabuhay..

Chapter 28
 “Papers”

Ito na ang pinakamasayang birthday ko. super dami ng food busog na busog tuloy ako. Naglaro din kami ng mga bata tapos nung nakatulog na sila naglaro kaming lahat ng truth or dare. Nagpafireworks din sila grabe talaga itong birthday kong to. Bongga!!! Pero siyempre pinakanagpasaya sa akin ay ang presence ni Juno. Kahit simpleng handaan basta kasama ko siya masaya na ako.
After nung party nagsiuwian na silang lahat. Hiniling kasi ni Juno na maiwan kaming dalawa sa rest house nila. Oo may concert hall ang rest house nila!!!
Naupo kami ni Juno samay swimming pool. Binabad namin ang mga paa namin at magkayakap kami.
“Beb, paano mo nalaman to?”
“asawa mo ako beb, lahat alam ko sayo..nakita ko ang mga tests mo..bakit mo ba tinatago sa akin to?”
Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.
“ayoko lang na mag-alala ka..ayokong masaktan ka..”
“beb naman eeh..wag kang ganyan..mas masasaktan ako kung mag-isa mong haharapin lahat ng iyan..gusto ko gawin natin lahat ng magkasama..”
Pumasok na kami ni Juno sa loob at naupo samay sala..may nilabas siyang cd..
“naalala mo to?”
“ano ba yan?’
Kinuha ko yung cd sa kanya..napasmile ako bigla.
“ito yung pinanood nati nung first date natin..diba 3D pa yun?”
“yup..ano papanoorin natin?”
Kinuha niya yung cd sa kamay ko at pinlay ito. Kumuha siya ng popcorn tapos umupo na siya sa tabi ko. walang hiya tong si Juno..so manonood kami ng the grudge ngayon??
Walang hiya..halos irugby ko na yung unan sa mukha ko..
“hmm..Yssa..”
“bakit?”
“subukan mong magmahal ulit..” napahinto siya “pagnawala ako..”
Napatitig lang ako sa kanya..hindi ko alam ang sasabihin ko.
“maging malakas ka Yssa..tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita..ikaw na ang bahala sa mga bata at jan sa baby natin..”
Tumutulo nanaman ang mga luha naming dalawa..
Niyakap ko ng mahigpit si Juno..
“mahal na mahal kita Juno..mahal na mahal kita..”
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya..
Si Juno:
After ng movie pumasok na kami ni Yssa sa kwarto..hinalikan ko siya..medyo naging malalim yung halik namin hanggang sa pareho kaming napahiga sa kama..bahala na kung anong mangyari..basta I want her..I want her now..pareho kaming nakatulog...
Nagising ako ng 6am..tulog parin si Yssa..pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya..itong mukhang to ang gusto kong baunin..mahal na mahal ko talaga tong babaeng to..
Nagluto ako ng breakfast naming dalawa. As always hotcakes at bacon. Sakto namang lumabas na siya ng kwarto nang matapos ako..nginitian niya ako at sinilip yung mga ginawa ko..nagtimpla siya ng kape naming dalawa at naupo na kami sa dining..
Si Yssa:
“galing naman magluto ng beb ko..”
“sus..nambola ka pa..lagi namang hotcake at bacon ang niluluto ko para sayo.”
“eeh...masarap naman eeh hehe..”
Kinain na namin yung niluto niya at ininom na yung kape kaso biglang nabitawan ni Juno yung basong hawak niya. Napayuko siya at hawak hawak niya ang tiyan niya..
“Juno..okay ka lang ba? Mas...JUNO!!!!”
Bigla siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay..
Si Sarah:
“achie saan tayo pupunta?” tanong sa akin ni Jiro
“achie..paano ba sasabihin kay Jiro lahat ng to?”
Napahinga lang ako ng malalim..
“basta wait ka na lang dyan Jiro..malapit na tayo.”
Nasa sasakyan kami ngayon nila Colleen at Jiro. Papunta kami sa hospital ngayon.  Pagdating namin dun nadatnan namin sila Aku(tito) Fed at Aku Igo sa labas ng room. Nag-uusap sila pero napatigil nung nakita kaming papalapit sa kanila.
Inopen ni aku Igo yung pinto at pinapasok na kami. andun si mommy sa tabi ni daddy. Tulog parin si daddy. Si ayi(tita) Yuki naman  nakaupo sa gilid katabi sila angkong (lolo) at amma (lola). Agad tumakbo si Jiro kay mommy at niyakap naman siya ni mommy.
“mommy..tulog parin po si daddy?”
“oo Jiro eeh..kaya wag masyadong maingay ha..para hindi magising si daddy”
Namamaga pa ang mga mata ni mommy halatang umiyak nanaman siya ng umiyak. Natatakot ako para kay Jiro may pagkabata parin kasi siya kung kumilos at mag-isip. Yung para bang 5 years old parin siya at close na close siya kay daddy. Paano ba to? Sinabi sa akin ni daddy na alagaan ko daw sila pero natatakot ako. ano ba ang dapat kong gawin?
Napatingin ako bigla kay daddy nung pinilit niyang umupo pero pinigilan siya ni mommy.
“mahiga ka lang beb..”
“daddy! Good morning!”
Ngumiti lang si daddy kay Jiro at ginulo ang buhok niya.
Pinalapit din kami ni daddy sa kanya at niyakap niya kami. sa susunod na araw na ang operation ni daddy. Sana magiging okay lang ang lahat..
Si Fed:
Nabigla kami nang bglang tumawag si Yssa sa amin. Nawalan daw ng malay si Juno. Ang totoo hindi kami umuwi ni Igo nung gabing yun. Nagaalala din kasi kami na baka may mangyari at meron nga kaya tumambay lang kami sa may guard house ng rest house namin kaya agad naming natulungan si Yssa. Dinala namin sa hospital si Juno.
Dumating sila Yuki, mommy at daddy sa hospital nang malamang andun si Juno. Buti naman at okay lang siya. Pumunta muna kami ni Igo sa labas ng room.
“sa tingin ko hindi dapat ituloy yung operation..”
“pero Fed yun ang gusto ni Juno.,”
“yun na nga eh. Sa tingin ko mas okay kung hahayaan na lang natin eeh.”
“per..”
Napatigil siya nang makita niyang papalapit sa amin sila Sarah kaya inopen niya yung door at pinapasok yung mga bata.
“alam mo Fed, nasasaktan ako para kay Juno..napakahirap nito para sa kanya. kung may magagawa lang ako..”
“alam ko...pero andyan na yan..for the3 past years lagi kong sinasabi sa kanya that he should take a break from work pero ayaw niya..kaya ayan..”
Nagbukas yung pinto ng room ni juno at lumabas si Yuki. Agad niyang niyakap si Igo. Umiiyak nanaman siya.
“anya! Sabihin mo kay Juno!..wag na niya ituloy yung operation..alam natin aang totoo..alam natin ang mangyayari”
“Yuki, yan ang gusto ni Juno..paano natin pipigilin?”
“pero Igo..”
“Yuki..hilingin na lang natin na magiging maayos ang lahat..alam kong alam ni Juno ang ginagawa niya..hayaan na natin.”
Si Yssa:
Ngayon ang araw ng operation ni Juno. Sila mommy at achie Yuki nasa simbahan. Ako, yung mga bata at sila Ryu at Igo ang kasama ko ngayon dito sa room. Si anya Fed kinakausap ang doctor. Pinipilit ni Juno maging malakas at masaya kahit alam naman nating nahihirapan siya. Hindi ko  maiwasang matakot..gusto kong umiyak pero pinipigil ko..kailangan ni Juno ang mga ngiti ko..kailangan niya ang lakas ko.
“okay lang ba kung iwan niyo muna kami ng mommy niyo?”
Napatingin kaming lahat kay Juno. Tumayo naman silang lahat at lumabas na ng room. Pinaupo ako ni Juno sa may tabi niya sa may kama.
“beb..” sabi niyasabay hawak sa kamay ko.”mahal na mahal kita tandaan mo yan.” May kinuha siyang brown envelope sa may bed side table niya at inabot to sa akin.
“ano to beb?”
Nilabas ko yung mga papel dun sa folder. Hindi ako makapaniwala sa mga hawak kong papel.
“Juno..ano to?”
“Let’s divorce. Ayokong matali ka pa sa akin. I’m dying..Gusto ko maging malaya ka.”

Chapter 29
 “Forever & Always”

Si Yuki:
nasa operating room na ngayon si Juno. hindi ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nila ni Yssa pero kanina pa tulala tong babaeng to. umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Yssa, are you okay? magiging okay lang ang lahat. nasa loob din naman si Fed. hindi niya hahayaang mawala si Juno."

huminga siya ng malalim.
"alam ko yun achie..kaso kasi.."
"ano?"
"Si Juno kasi kanina. may pinakita siyang divorce papers sa akin. gusto niya akong hiwalayan dahil daw..he is.." hindi niya maituloy yung sasabihin niya pero nagets ko naman eeh.
"Yssa, alam mo naman si Juno..mahala na mahal ka lang talaga niya.."
"alam ko yun..pinunit ko yung papers. ayoko..mas gustong kong nasa tabi niya lang.."
Flashback..

“beb..” sabi niyasabay hawak sa kamay ko.”mahal na mahal kita tandaan mo yan.” May kinuha siyang brown envelope sa may bed side table niya at inabot to sa akin.

“ano to beb?”

Nilabas ko yung mga papel dun sa folder. Hindi ako makapaniwala sa mga hawak kong papel.

“Juno..ano to?”

“Let’s divorce. Ayokong matali ka pa sa akin. I’m dying..Gusto ko maging malaya ka.”
hindi ko alam ang sasabihin ko basta tumulo na lang ang mga luha ko. agad niya naman itong pinunasan.
"Yssa I.."
"hindi ko kailangan to Juno.." pinunit ko yung mga papael at itinapon sa gilid.
"naalala mo ba yung kinuwento mo sa akin?"
nagsalubong ang kilay niya at naguluhan..
"Zutto Futride (Forever the two of us)" hinawakan ko ang mukha niya. "I would always choose to stay beside my love no matter what happens..mahal na mahal kita Juno..sabay nating haharapin to..intindihin mo sana na mas magiging masaya ako sa ganito..ang laging nasa tabi mo.."
tumutulo na rin ang mga luha niya. inilagay niya ang mga kamay niya sa likuran ko at hinila ako palapit sa kanya. hinalikan niya ako.
"I'm sorry..i love you Yssa..Forever and always..mahal na mahal kita.."
"mahal na mahal din kita Juno." nagsmile ako sa kanya at itinaas ang pinky ko.
"Zutto Futaride?" ikinabit niya din ang hinliliit niya sa akin. nagpinky swear kami.
"Zutto zutto.."Forever and ever)"
End of Flashback..
after 4 hours nang paghihintay lumabas na si anya Fed sa operating room at umupo sa tabi namin ni Yssa. nakayuko siya..umiiyak din sya..teka bakit?
Si Ryu:
kasama ko ang mga bata ngayon sa may park. ayaw nila Yssa na andun sila habang inooperahan ang daddy nila. ayaw din nilang malaman ni Jiro ang mga nangyayari.
si Sarah nakaupo sa isang bench kasama si Josh. halatang hindi din siya mapakali. si Colleen naman eto nasa tabi ko pero tulala din. si Jiro ayun takbo ng takbo.
ang hirap hirap nito. ayoko nang maramdaman ang ganito pero naulit nanaman eeh. it's so long ago nung huli akong natako na may mawalang imortanteng tao sa akin. you now yung pagkawala ni Katelyn. hanggang ngayn, aaminin ko namimiss ko parin siya pero nangako ako na magiging masaya ako.
napatingin ako sa babaeng nag-abot sa akin ng tubig. pagtingin ko si Sanji pala. oo, kasama ko si Sanji. ngumiti ako at pinaupo siya sa tabi ko. opposite side ni Colleen.
nangako din ako kay Katelyn na susubukan ko. pipilitin kong buksan ulit ang puso ko. napatitig ako kay Sanji. pero sa ngayon, ang buong atensyon ko kay anya muna..si anya Juno muna.
Si Josh:
"Josh, natatakot ako. kumusta na kaya ang daddy?"
"mahal tayng lahat ni Lord, alam kong hindi niya pababayaan ang daddy mo."
"paano kung mawala siya? paano si mommy? si Jiro? yung bago naming kapatid? anong gagawin ko?"
umiiyak nanaman si Sarah kaya naman niyakap ko siya.
"magiging ayos din ang lahat. magiging okay ang daddy mo."
umiyak lang ng umiyak si Sarah. hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. alam kong natatakot siya. ayoko siyang nakikitang umiiyak pero wala akong magagawa.
bigang nagring yung cellphone niya at inopen niya ito. tumawag ang mommy niya. nag-usap sila tapos nagkatinginan sila ng tito niyang si Ryu..
Si Yssa:
nasa room na kami ngayon. tapos na ang operation ni Juno pero tulog parin siya. actually ang fake operation niya.
Flashback
"anya Fed, anong nangyari? ayos ka lang ba?"
patuloy parin sa pag-iyak si anya pero medyo mahina na kesa kanina.. natatakot na ako sa mga puede niyang sabihin..hindi ko alam kung gusto kong marinig oh ano pa man..
"i'm sorry Yssa..i'm so sorry.." sabi ni anya pero nakayuko parin siya.
"bakit anya?" tanong ni achie
"we couldn't do it. we faked it. kailangan eh. hindi na puedeng operahan si Juno. it would just danger his life. we just made some things. Malala na ang lagay niya but we did our best to pro long his life. anag alam niya inoperahan siya so please just tell him na successful ang lahat..please?"
natahimik kaming lahat.
End of Flashback

nabigla kaming lahat nang dahan dahang imulat ni Juno ang mga mata niya. andito na kaming lahat sa room. alam namin lahat ang totoo maliban lang kay Juno. ang alam niya successful ang lahat. gusto kong umiyak pero pinigil ko. kailangan naming magsingiti kahit mahirap. kailangan masaya kami. agad akong lumapit kay Juno at niyakap siya. kailangan naming maging masaya..kailangan...
After 6 months..

Si Juno:
Masaya ako dahil okay ang operation ko. ito nga oh ang laki laki na ng tiyan ng misis ko haha pero kaht ganun maganda parin siya. hindi na ako nagtatrabaho, ayaw naman kasi nila. okay narin yun atleast kasama ko ang family ko lagi. itong si Jiro medyo nagmamature na sa wakas pero sana huwag to maging babaero. si Sarah at si Josh engaged na. si Colleen? walang love life! haha..
basta masayang masaya ako at kasma ko ang pamilya ko.
napatingin sa akin bigla si Yssa.
"kung makatitig naman to wagas!"
"haha..ang ganda mo kasi.."
"basketball player ka parin talaga! bolero haha!"
"hmph!"
nagtawanan silang lahat. nasa long table kasi kami ngayon. ako, si Yssa, anya Fed at jasmin, achie Yuki at Iso, Sarah at Josh, Colleen, Jiro, mommy at daddy tapos ito ang di ko kinaya, Ryu at Sanji??
well basta masaya ako. niyakap ko si Yssa at hinawakan ang tiyan niya.
"lapit na siyang lumabas.."
"oo nge beb eeh..excited na ako."
minsan naisip ko, paano kaya kung nawala na ako nun. paano na kaya si Yssa?
nagulat ako nang biglang nag-off lahat ng ilaw. teka brown out??
pag-open nung ilaw nasa harap ko silang lahat at may hawak na cake, party poppers and all. wow ha nagawa nila agad yun sa panandaliang pag-off? syempre si Yssa, nasa tabi ko. di t puede kumios ng husto haha.
"Happy Birthday Juno!" sigaw nilang lahat..
agad naman akong tumayo at hihipan ko na sana yung kandila pero pinigilan nila ako. wish daw muna.
ipinikit ko yung mga mata ko at ngumiti..
"I wash for a decade..10 years pa for my life.."
hinipan ko na yung kandila. natahimik sila pero agd din naman silang nagpalakpakan. sila talaga.
"AAAAAAAAHHHHHHHHH"
napatingin kami bigla kay Yssa..may tubig na sa baba. wow! manganganak na siya!!!!
agad akong tumakbo sa kanya..
"beb..aaaahh..ang sakit..manga..nga...nak..na..ko.."
bubuhatin ko sana siya pero pinigilan ako ni anya. siya na daw. hindi na ako umangal. agad namin siyang dinala sa hospital. nasa tabi lang ako ni Yssa habang itinutulak siya papasok sa Emergenvy room..hawak ko ang kamay niya at tumatakbo din ako..pero..bigla akong nakaramdam ng panghihina..
napabitiw ako sa kanya..buamgal ang takbo ko kaya nalampasan nila ako..napabagsak ako sa mga tuhod ko..agad lumapit sa akin sila anya at Ryu..so achie naman andun sa tabi ni Yssa..
naninikip ang dibdib ko..hindi ako makahinga..bumagsak ako at tumingin lang kay Yssa habang unti-unting nanlalabo ang paningin ko..
pinilit kong iabot ang kamay ko..
"Yssa.."


FINAL CHAPTER

A decade after..

Si Yssa:
Si Sarah at si Josh kasal na at may isa nang anak. Si Colleen naman may boyfriend na tapos si Jiro ayan din may asawa na. naunahan niya pa si Colleen haha..pero ayus lang yan ang importante masaya silang lahat..
nakaupo ako ngayon sa may damuhan..ramdam na ramdam ko ang ihip ng hangin..ang sarap..nakatingin ako sa mga ulap nang biglang may nagtakip sa mga mata ko..
"Juno! alam ko ikaw yan.."
tumawa siya at tinanggal yung mga kamay niya. umupo siya sa tabi ko.
"paano mo nalaman?"
"I just know it hehe.." niyakap ko siya..
"hmm..mommy puede ikwento mo ulit sa akin si daddy?"
yumakap ang higpit ko sa kanya..
"well ang daddy mo ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. mabait siya, matalino at basta lahat lahat na.."
that day nang ipanganak ko si Juno, yun din ang araw na iniwan niya kami..sa mismong araw ng birthday niya...dumating itong baby ko at nawala ang beb ko..masakit parin hanggang ngayon pero wala naman akong magagawa.
"asan na po siya mommy?"
"andito oh.." hinawakan ko ang lapida niya. nakaupo kasi kami ngayon sa may puntod ni Juno.
10 years na rin pala ang nakalipas..
mahal na mahal ko parin siya at miss na miss..lahat naman ginagawa ko pero hindi parin ako nakakamove on eeh.
lumapit sa amin si Sarah, Colleen at Jiro. naupo kaming lahat sa harap ng puntod ni Juno.
nagfamily hug kami..
itong bunso ko pala ay si Ricardo Joeaquin Uno Liang Jr. yan kasi ang gusto ni Juno kapag lalake ang anak namin.
Today is Juno's birthday..si Juno Sr. at Jr.
inexplain na namin kay Jr. na dito kami lagi magcecelebrate kasama ang daddy niya at okay lang naman sa kanya.
pumunta muna kaming lahat sa may parang bench at kumain..after nun bumalik ulit ako sa tapat ni JUno..hinawakan ko ang nakaengrave na pangalan niya..
tumutulo nanaman ang mga luha ko..
naalala ko kasi yung unang beses kaming magkakilala..
Flashback
Basta yun na yun. Naglakad na lang ako palayo tapos binasa ko yung magazine. Naglakad lang ako ng naglakad nang bigla akong mabangga at nalaglag lahat ng hawak kong magazine.
Pinulot ko agad yung mga yun tapos may tumulong sa akin. “Tumingin ka nga kasi sa dinadaanan mo! Tanga ka ata!” bastos yun ha! Inabot niya sa akin yung mga magazine tapos sisigawan ko din sana kaso napatitig ako sa kanya. Familiar yung mukha niya eh. Nakita ko na siya. Saan nga ba yun? “huy!” sabi niya sa akin tapos bigla siyang umalis. Yabang ha!
Tiningnan ko ulit yung magazine tapos napahinto ako. Kaya pala familiar yung lalake kanina. Siya yun. Tumalikod ako at tumakbo papunta sa harap niya. Tinuro ko siya! Tinapat ko yung magazine sa mukha niya.
Junolicious! Nasigaw ko pa ng malakas.

Nagtinginan tuloy sila sa amin. Siya nga yung nasa magazine! Siya nga yun!may pagkatanga talaga ako.

Bakit ko ba sinigaw ang Junolicious. Tumingin siya sa akin ng masama tapos lumapit sa amin yung principal namin at yung mga kausap niyang lalake.
nung araw ng proposal niya..
Umakyat ako sa stage at kinuha ang diploma ko...nung magbabow na sana ako..

 Bigla ba namang nag-off lahat ng ilaw sa PICC at may spotlight na nakatutok sa akin..

Biglang may nagplay na video sa may likuran ko..

Video nang mga moments naming dalawa...

Yung lambingan..

Yung kulitan..

Lahat lahat..

Narinig kong naghiyawan ang mga tao..

May bigla kasing lumapit sa akin na malaking bear!! Eto nanaman tayo eh!

May hawak siyang bouquet ng pink roses..

At aba! May background music pa kami! Ang It might be you ni Stephen Bishop

Ayiie..hahaha...

Inabot sa akin nung bear yung roses..at bigla siyang nagsalita sa hawak niyang microphone..

My whole life was a total waste..i never found the reason to live in this world..i never knew the purpose of my existence until that day..That special day that I met a girl named Yssa..

Biglang tumulo ang mga luha ko..

That girl showed me what my purpose and reason is to live in this world..that girl changed me..she made me happy and most of all I finally solved the love equation..I finally understood what love is..
Tinanggal niya yung ulo ng costume niya..
Lumapit siya sa akin..
Love?... Is simply Yssa + Juno+ eternity”
“eto na meron nang Yssa + Juno eh..now can we finally add eternity?? Will you spend..”

Lumuhod siya at kinuha ang kamay ko..

“eternity with me??”

I was already sobbing..pero huminga ako nang malalim para makapag salita...

of course...

naghiyawan na ang mga tao..at sila madir at padir with matching iyak effect!!!
 hinila ako ni Juno papalapit sa kanya at isinuot ang ring sa kamay ko then he kissed me sa cheek then hugged me...sa sobrang higpit halos hindi na ako makahinga..
End of Flashback..
hindi ko na maalala kung paano ang buhay nang wala siya..
lahat kasi binigay niya sa akin..
mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya rin ako..alam ko yun..ramdam ko..
kahit na ngayong wala na siya sa tabi ko nararamdaman ko parin ang pagmamahal niya..
hindi ko siya kailanman ipagpapalit..
siya lang ang nag-iisa..
My.Mr. Perfect..
My Mr. Perfect Husband..
THE END
=============
Tanchu po sa pagbabasa..
sana po nagustuhan niyo..hehe..
ikinalulugod ko pong makasama muli kayo sa susunod pang mga kwento
hehe..love lots..
~'MarianaLiang
^____________^
 This story is originally made by:
 MarianaLiang
 Duplication of any of the parts of this story is prohibited.